Naka-display sa paligid ng Metropolitan Theater sa Maynila ang malalaking tarpaulin ng sampung bagong National Artist ng Pilipinas.
Sa makasaysayang teatro ginanap ang Philippine premiere ng restored version ng pelikulang Sister Stella L (1984) nitong Setyembre 20, 2026, Linggo.
Matapos ang screening ay may talkback session kung saan panelists ang gumanap na Sister Stella Legaspi na si Vilma Santos, at ang gumanap na Sister Stella Bautista na si Laurice Guillen.

PRIORITIES IN LIFE
Inusisa si Ate Vi kaugnay sa isyung naligwak siya sa bagong batch ng mga Pambansang Alagad ng Sining.
Graciosang tugon ng Star for All Seasons: “Alam niyo po, yung pagiging National Artist, napakatagal na pong isyu niyan.
“Ahh kasali tayo, hindi ka kasali, di ba? But again, at the end of the day, ang prinsipyo ko na po kasi ever since is… my Vilmanians, my friends, you know.
“Ang prinsipyo ko po sa buhay — if it’s meant to be, it’s meant to be. If it’s for you, it’s for you.”
Pumalakpak ang Vilmanians at Vilmates, saka nagpatuloy ang governor ng Batangas: “Kung hindi ka naman nasasali, it’s fine with me.
"Sa animnapu’t tatlong [63] taon ko sa industriya, palagay ko naman, yung ibinigay, ang ibinalik sa akin ng industriya ay malaking regalo na para sa akin.
“Siguro lang, at this point in time, masyado lang naging maingay itong huling selection ng National Artist.
“But with utmost sincerity, I’d like to congratulate all our National Artists. Si Bing Lao, naging scriptwriter ko rin.
“Huwag na, masyado na… when we talk about this National Artist issue, meron lang mga nangyayari na below the belt.
“Hindi na natin dapat patulan. There’s so much more in life! You get my point? There’s so much more in life.”
Palakpak nang palakpak ang loyal fans ni Ate Vi.
Read: Meet the 10 New National Artists of the Philippines for 2026
Pagmamatwid ng legendary actress, iwaksi ang negativity kung hindi napupunta sa iyo ang isang bagay.
“Maybe it is not meant. But again, at the end of the day, life has to go on.
"And sa klase ng buhay ko, now that I am 72, tatlong bagay na lang ang priority ko sa buhay ko,” mabining saad ni Ate Vi.
“Unang-una is, I’m praying to God, to take care of my family. Health of the people that I love.
“And third, protect my peace. Palagay ko, yun na ang importante at this point in time.
“Wala nang ibang puwede pang magmaneho ng buhay ko. Because it is time that I enjoy life naman.
“Kasi, di ba, ang dinadala ko, lagi akong naka-competition. This time, I owe it to myself — ako naman.”
Muli, masigabo ang palakpakan ng mga tagahanga at suporta ni Ate Vi.
PUBLIC SERVICE x NATIONAL ARTIST
Sabi-sabi pa, malabong hiranging National Artist si Vilma Santos habang nasa mundo siya ng pulitika.
Malumanay na reaksiyon ng Star for All Seasons: “Nasagot ko na yan. Alam niyo kasi, may mga ano yan, may mga criteria, e, di ba, para mahirang kang National Artist.
“But I guess, at the end of the day, we should respect the process. Tama ho ba?
“Pero kailangan, kung ngayon ako’y nagsisilbi at pinagkatiwalaan ng mga Batangueño, sa klase ng buhay na meron tayo. The challenges that we have around us now.
“Palagay ko po… hindi ko po muna ipagpapalit ang puwede kong maitulong sa totoong buhay na, ng pangangailangan ng atin pong mga kababayan.
“So, at this point in time, I still have two years and eight months to go, at kung ito naman ay magiging sagabal kung… kung halimbawa po… sa pagiging isang National Artist, ay bayaan niyo munang magsilbi ako sa totoong buhay.
“Dahil ako po po ngayon ay pinagkatiwalaan ng mga Batangueño. Ibabalik ko muna iyon sa kanila.”
Read: Joey Reyes reacts to Vilma Santos not making National Artist list
“L” IS FOR LUHA
Napaluha si Ate Vi sa panonood ng restored version ng Sister Stella L dahil marami sa mga nakatrabaho niya rito ay yumao na.
Pumanaw na ang direktor nilang si Mike de Leon, na tinutukan ang restoration ng pelikula, ganoon din ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde.
Wala na ang Ka Dencio ng pelikula na si Tony Santos; pati ang co-stars nilang sina Jay Ilagan, Anita Linda, J. Eddie Infante, Ruben Rustia, at Adul de Leon.
Pinagkalooban ng commemorative poster sina Vilma, Direk Laurice, co-stars na sina Gina Alajar, Pen Medina at Raquel Villavicencio, scriptwriter na si Pete Lacaba, musical composer na si Ding Achacoso, at iba pang katuwang sa produksyon.

Ang Regal heiress na si Roselle Monteverde ay pinagkalooban ng commemorative poster. Kasama ni Miss Roselle ang anak na si Keith.
Present din sa screening sina Tirso Cruz III at asawang si Lyn, Perla Bautista, Direk Adolf Alix, Cataleya Surio, Dolly Ann Carvajal, Mae Paner, at Ping Medina.
Ang screening na ito ng Sister Stella L ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month (PFIM), kung saan punong-abala ang Film Development Council of the Philippines (FCDP).
HANGGANG HULING HININGA
Pinasalamatan ni Vilma ang: “lahat-lahat-lahat-lahat po ng mga naniwala, nagmamahal, sumusuporta, nakikipaglaban hanggang makipagpatayan na lang.
“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat, I will be truly… very, very grateful — hanggang huling hininga ko — sa pagmamahal at tiwala at pag-alalang ibinibigay ninyo sa akin.
“Hindi ko po kayo makakalimutan. And to my colleagues in the industry na nagpasabi po ng kanilang pagtitiwala sa akin at suporta, from my heart, maraming-maraming salamat po.
“At doon naman po sa mga hindi naniniwala, at talagang I think… baka naman, I think, may mga tao rin na parang they hate everything about me, palagay ko po at this time, hindi ko na problema yun.
“Tama ho ba? Kaya baka sila ang may problema sa akin.
“Pero sa ngayon po, sa ating lahat, Vilmanians, Vilmates — enough. Let’s just enjoy life! Long way to go, let’s just enjoy life.
“So Vilmates, behave! Enough na! I’m truly very, very, very grateful!
“My Vilmanians, dala ko kayo hanggang huling hininga ko!”
Read: Vilma Santos feels no pressure to land National Artist award
