Hindi nakailag si Jopay Paguia nang tanungin siya tungkol sa napapabalitang isyu sa pagitan nila ni Rochelle Pangilinan.
Pareho silang miyembro ng SexBomb, at si Rochelle ang itinuturing na leader ng all-female group.
Hindi matigil-tigil ang usap-usapang may tensiyon sa grupo, at muli itong napag-usapan nang sumalang si Rochelle at ilang SexBomb members sa Fast Talk With Boy Abunda noong September 17, 2026.
Inamin doon ni Rochelle na hindi maiiwasan sa isang grupo na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Idiniin niya ang kahalagahan na iisa lang dapat ang goal ng grupo kung gusto pa nilang tumagal sa industriya.
Naging bukas din siya sa pagsasabi na kung gusto siyang maging lider ng grupo ay kailangan daw manaig ang respeto, work ethic, at disiplina ng bawat isa.
Marami rin daw bagay na dapat mapagkasunduan ng grupo para marating ang kanilang goal.
Sabi pa ni Rochelle: "Kumbaga sa isang boat, kailangan isa lang tayo ng sagwan, kasi hindi pupuwedeng hindi kayo makikinig sa akin, tapos may gusto kayong iba.
"Mahihirapan tayo dun, hindi natin alam kung saan tayo pupunta."
Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia
JOPAY PAGUIA FINALLY ADDRESSES ISSUE WITH ROCHELLE PANGILINAN
Umere naman ang panayam kay Jopay ni Senator Imee Marcos sa YouTube noong September 20.
Dito ay hiningan si Jopay ng reaksiyon kung nagulat ba siya sa pagsasalita ni Rochelle nang tanungin ito kung may isyu sa pagitan nila.
"Ah, hindi na po, kasi bago sa akin po yun, e... Kumbaga parang... Parang ang ano lang po nung iba, out of context lang naman po yung sagot niya," pahayag ni Jopay.
Pagpapatuloy niya: "Pero ang sa akin na lang... I respect na lang po na kung ano yung sinabi niya.
"Ah, hindi ko naman po sinabing totoo, na ganun ako.
"Laging sinasabi niyo sa work of ethics, grabe po, Ma'am, kung work of ethics lang po, pilay po ako, wala po ako dito.
"Kumbaga, parang nilalagpasan ko pa rin po. Pero kasi po may pamilya po ako."
Ang tinutukoy ni Jopay ay ang pagdalo niya sa Get, Get, Aw! The SexBomb Concert rAWnds 3 to 5 matapos niyang maospital dahil sa injury at knee condition early this year.
Kung anuman ang di pagkakaunawaan sa grupo ay walang binanggit si Jopay, basta kaya raw niyang makipagtrabaho pa rin sa SexBomb.
"Ako, walang naman pong problema sa akin. Walang masamang tinapay naman po sa akin," saad niya.
Sabay dugtong ng dancer: "Kung ayaw po niya, ayaw niya ako, sabi niya, 'It's okay,' wala naman pong problema sa akin.
"Lagi naman po akong nag-a-approach, e. Pag dinecline, e, di declined. Wala naman talaga magagawa, e.
"Kumbaga, parang ganun po talaga. Hindi ko naman po mapipilit siya kung ayaw po niya."
Hindi malinaw kung ano ang sinasabi ni Jopay na ayaw sa kanya ni Rochelle.
Sa puntong ito, may pagkakaiba sa mga pahayag ng dalawa.
Sa naunang panayam kay Rochelle, sinabi nitong sinisiguro niyang may say ang bawat miyembro kung gusto pa ng bawat isa na ituloy ang kanilang grupo.
Nirerespeto rin daw niya kung anuman ang dahilan ng isang miyembro kapag may pagkakataong hindi ito available para sa isang proyekto.
Sa mga ganitong pagkakataon, "yes or no" lang daw ang hinihintay niya at sa huli ay "majority wins."
Karamihan sa kanila ay gusto naman daw magtrabaho.
Dagdag din ni Rochelle, "Pero we make sure na, yayain mo siya. We did our best. Kung ayaw, e, di wag."
Read: Rochelle Pangilinan refuses to prolong SexBomb controversy
JOPAY PAGUIA UNBOTHERED BY OTHER PEOPLE'S OPINION
Sa panig ni Jopay, desidido raw siyang magpatuloy bilang SexBomb member.
Sa isang punto ng panayam niya kay Senator Imee, sinabi rin ni Jopay na minsan ay nagpadala siya ng text message kay Rochelle at sinabing "Mahal kita."
Hindi raw magbabago iyon.
Hindi na raw niya pinapansin ang pang-iintriga ng ibang tao.
"Kumbaga, parang ito na lang po yun, e, papatulan mo pa ba? Di ba?
"Kasi kung alam mo sa sarili mo yung totoo, wag mo na lang patulan. Hayaan mo na lang.
"Kumbaga parang, siyempre ang mga tao, ang dami sinasabi. Ikaw na lang yung masama.
"Sa akin, hayaan ko na lang po. Kumbaga, sabi nga ni Lord, e, ikaw na lang yung magpakumbaba."
May masasabi at masasabi raw kasi ang ibang tao.
Kahit yung pagkakataon daw na nag-post siya sa social media ng Bible verse na tumatak sa kanya mula sa dinaluhan niyang Theology class ni Chinkee Tan ay minasama raw ng ibang netizens.
Read: Sunshine Garcia speaks up on rumored SexBomb rift
NO INTENTION TO BE THE GROUP LEADER
Sinabi rin ni Jopay na hindi totoo ang isyung gusto niyang siya ang maging leader ng SexBomb.
"Kumbaga, mahal mo yung tao, e. Kaya kahit anong ibinabato sa yo ng mga tao na 'wala kang kwenta, gusto mong maging leader,' ganyan...
"Sa totoo lang po, ayaw ko pong maging leader.
"Hindi po kasi ako bossy na tao, e. Kumbaga, parang, what you see is what you get po sa akin."
Hindi raw siya yung tipo na mahilig magturo at "ayaw ko pong may makaaway po sa grupo ko."
Kahit na boss siya sa sariling negosyo ay hindi raw niya kaya magmando o maging boss sa SexBomb.
"Parang hindi ko kaya po talaga," dagdag pa niya.
Read: Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail
