PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail

Lakam Chiu’s family turns tovVolunteers for bail funds.
by Erwin Santiago
Published A day ago
lalak chiu bail
Lakam Chiu’s father, William Chiu Jr. (inset), visited her at Kamuning Police Station as their family continues to seek ways to raise the PHP5.6 million needed for her surety bond. Lakam is currently detained at Kamuning Police Station after she was arrested for 124 counts of qualified theft filed by sister Kim Chiu.
PHOTO/S: Instagram

Binisita ng kanyang ama si Lakambini “Lakam” Chiu sa Kamuning Police Station, kung saan nakaditena ang negosyante habang patuloy na naghahanap ng paraan ang kanilang pamilya para makalikom ng perang kailangan para sa kanyang piyansa.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni William Chiu Jr. na hindi pa rin kaya ng kanilang pamilya na bayaran ang itinakdang bail para sa 45-anyos na anak.

Pero ayon din sa ama ni Lakam, may volunteers naman umanong tumutulong sa kanilang pamilya para makalikom ng pondo.

Kasalukuyang nakadetine si Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa laban sa kanya ng kapatid na si Kim Chiu.

Unang itinakda ng Quezon City court ang bail ni Lakam sa PHP5.8 milliam.

Kalaunan, nabawasan ito ng PHP200,000 matapos maghain ng motion ang kanyang abogado na si Atty. Dominic Solis, kaya ibinaba ito sa PHP5.6 million.

May option ding cash bond na magpapababa sa halagang kailangang ilabas sa humigit-kumulang PHP2.9 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, ayon kay Solis, mas pinili ng kanilang kampo ang surety bond, kung saan isang bonding company ang maggagarantiya ng bail amount sa korte kapalit ng non-refundable premium.

Sa ganitong arrangement, nananatiling PHP5.6 million ang bail amount.

Pinoproseso pa raw ang mga kinakailangang dokumento, at umaasa ang kampo ni Lakam na makapaglabas ang korte ng release order pagsapit ng Huwebes, September 24.

Read: QC Court lowers bail for Lakam Chiu to PHP5.6M

LAKAM REMAINS IN CUSTODY

Naaresto si Lakam noong Linggo, Setyembre 20, matapos siyang ma-tag bilang "No. 6 Most Wanted Person" ng Kamuning Police Station.

Dinala siya sa Kamuning Police Station matapos ang pag-aresto sa kanya sa bisa ng warrant of arrest mula sa Quezon City Regional Trial Court Branch 84.

Nanatili siya sa custodial facility ng istasyon nitong Miyerkules, September 23, habang inaasikaso ang kanyang piyansa.

Sumailalim din siya sa police-mandated medical procedures bilang bahagi ng pagtiyak sa kanyang kalusugan at kapakanan habang nasa kustodiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

124 COUNTS OF QUALIFIED THEFT

Ang kaso laban kay Lakam ay nag-ugat sa reklamo ni Kim Chiu kaugnay ng umano’y financial discrepancies sa kanilang negosyo na House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB).

Magkasosyo ang magkapatid sa naturang kumpanya.

Batay sa 21-page resolution ng Office of the City Prosecutor of Quezon City na may petsang Setyembre 1, 2026, umabot sa PHP44,396,331.65 ang halagang naging basehan ng 124 qualified theft charges.

Ayon sa prosecutor, nagmula ang naturang halaga sa 124 magkakahiwalay na withdrawals at online transfers mula sa corporate bank accounts ng HOLB.

Sa mas naunang review naman, mahigit PHP69 million ang unang kinuwestiyong withdrawals at transfers mula October 2022 hanggang July 2025.

Isang audit ang isinagawa kalaunan, kung saan tinukoy ang humigit-kumulang PHP36.65 million bilang missing, unaccounted for, or potentially misappropriated funds.

Ayon sa salaysay ni Kim na nakapaloob sa prosecutor’s resolution, una niyang napansin noong May at June 2025 ang “unusually large withdrawals” mula sa kanilang corporate accounts.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin umano nakapagbigay ng “satisfactory” na paliwanag si Lakam nang komprontahin niya ito tungkol sa mga transaksiyon.

Noong December 2025, matapos ang ilang buwang internal review, pormal na nagsampa si Kim ng qualified theft complaint laban sa kanyang kapatid.

Pahayag noon ng aktres: “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations.”

Dagdag pa niya: “This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life.”

Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft

LAKAM DENIES QUALIFIED THEFT

Mariing itinanggi ni Lakam ang alegasyong qualified theft.

Sa kanyang depensa, sinabi niyang hindi siya treasurer o general manager ng HOLB kundi corporate secretary.

Iginiit din niyang joint accounts ang ginagamit nila ni Kim at may pagkakaunawaan silang magkapatid na maaaring gamitin ang pera sa iba pa nilang business ventures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, hindi umano maituturing na unauthorized ang kanyang withdrawals at online transfers.

Kabilang sa kanyang depensa ang paggamit ng ilang pondong kinuwestiyon sa isang casino-related “junket” business venture, na ayon sa kanya ay layuning palaguin ang pera para sa negosyo.

Itinanggi rin niyang ginamit niya ang pera para sa personal na pagsusugal at sinabi niyang nabigo lamang ang investment.

Ngunit sa huli, sinabi ng Office of the City Prosecutor of Quezon City na may sapat na basehan para isulong ang mga kasong qualified theft laban kay Lakam.

Ayon sa resolution, ang perang nasa mga account ay sales at revenues ng HOLB at hindi personal na pera ng magkapatid.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lakam Chiu’s father, William Chiu Jr. (inset), visited her at Kamuning Police Station as their family continues to seek ways to raise the PHP5.6 million needed for her surety bond. Lakam is currently detained at Kamuning Police Station after she was arrested for 124 counts of qualified theft filed by sister Kim Chiu.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results