Nagpakita ng suporta ang dalawang kapatid ni Kim Chiu kaugnay ng kinakaharap na legal battle ng aktres laban sa isa pa nilang kapatid, si Lakambini “Lakam” Chiu.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts, ni-repost nina Twinkle Chiu at John Paul “JP” Chiu sa kanilang IG Story ang statement ng One Publicity PH, fan support group ni Kim, para ipahayag ang suporta sa aktres at sa negosyo niyang House of Little Bunny Philippines, Inc (HOLB).
Post ng fan group: “We stand with Ms. Kim Chiu and House of Little Bunny Philippines in protecting the company, its employees, and everyone who has worked hard to build the business.
“May truth, justice, and accountability prevail as we continue to pray for Ms. Kim, the company, and everyone affected by this matter.”
Hindi na makita ang repost nina Twinkle at JP sa IG Stories, subalit na-screenshot ito ng netizens.

Ang apat na kapatid ni Kim ay sina Twinkle, Lakam, JP, at William, na katukayo ang kanilang amang si William Chiu Jr.
Magkasosyo sa HOLB sina Kim at Lakam.
Mid-2025 ng madiskubre ni Kim ang diumano’y financial discrepancies sa kanilang kumpanya.
Umabot umano ng higit PHP44 milyon ang "unauthorized withdrawals" sa dalawang corporate bank accounts ng magkapatid.
Noong Hulyo 15, 2026, niresolba ng Office of the Prosecutor ng Quezon City na sampahan ng 124 counts of qualified theft si Lakam.
Ang pagpapakita ng suporta nina Twinkle at JP kay Kim ay napaulat kasunod ng pagbisita ng kanilang amang si William kay Lakam noong nadetine ito sa Kamuning Police Station sa Quezon City.
Read: Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail
Pansamantalang nakalaya si Lakam matapos itong mag-post ng piyansang PHP5.6 million sa pamamagitan ng surety bond, noong Huwebes ng hapon, September 24, 2026.
Read:
- Kim Chiu attends sister Lakam Chiu's arraignment
- Lakam Chiu out of jail after posting PHP5.6M surety bond
- QC Court lowers bail for Lakam Chiu to PHP5.6M
KIM VS. LAKAM
Umaga ng Huwebes, dumalo pa si Kim Quezon City Hall para sa arraignment ni Lakam. Kasama ni Kim ang kanyang mga abogado at si Star Magic head Laurenti Dyogi.
Dumalo naman si Lakam sa kanyang arraignment via video conferencing.
Not guilty naman ang plea na ipinasa ni Lakam.
Hindi na nagpaunlak ng interview si Kim sa press, pero idinaan sa kanyang mga abogado ang kanyang statement.
Sinabi ng legal counsel ni Kim na itutuloy nila ang mga isinampang kaso laban kay Lakam at idadaan ito sa tamang proseso.
Read: Kim Chiu breaks silence after sister Lakam Chiu’s arraignment
