Ipatutupad na ang dagdag-singil sa pasahe ng public utility vehicles (PUVs) simula sa Lunes, September 28, 2026.
Pagkumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang naudlot na taas-pasahe na nakatakda sana noong March 2026.
Kaya asahan ang taas pasahe sa mga jeepneys, mga bus, taxi, UV Express, at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Read: PEP TRIES: Bestsellers at Nono’s Comfort Kitchen & Bakery
FARE HIKE DETAILS
Ordinary jeepney
Magiging PHP14 na ang minimum fare mula sa dating PHP13. May dagdag na PHP2 kada susunod na kilometro.
Modern jeepney
Aakyat na sa PHP17 ang minimum fare mula sa dating PHP15, at karagdagang PHP2.40 kada succeeding kilometer.
UV Express
Dagdag singil na 40 centavos kada isang kilometro para sa traditional UV Express, habang 60 centavos naman kada succeeding kilometer sa modern UV Express.
City buses
Sa ordinary city buses PHP15 sa unang limang kilometro at additional na PHP2.49 kada susunod na kilometro.
Sa airconditioned buses, PHP18 sa unang limang kilometro at dagdag na PHP2.98 kada susunod na kilometro.
Provincial buses
Nasa PHP12 ang unang 5 kilometro ng ordinary provincial bus, habang nasa PHP2.20 naman ang susunod na kada kilometro.
Ang airconditioned naman ay nasa PHP2.45 ang dagdag na singil kada susunod na kilometro; PHP2.60/km sa deluxe; PHP2.70/km sa super deluxe; at PHP3.35/km sa luxury bus.
Taxi at TNVS
Sa taxi naman ay PHP65 ang flag down rate mula sa dating PHP50, pero wala nang dagdag pa kada susunod na kilometro.
Pagdating sa TNVS, nasa PHP65 ang flag down mula sa dating PHP45 at may additional ito kada minuto at kilometro.
Narito ang flagdown rate sa kategorya ng TNVS:
- Sedan – PHP65
- AUV/SUV – PHP75
- Hatchback – PHP55
- Premium – PHP165
Sa pamAsahe naman sa pickup, magkakaroon ng PHP15/km.
Kailangan pa rin magkaroon ng fare metrix ang mga tsuper at mandatory ang discount sa students, seniors, at Persons With Disability.
Source/s:
