Hindi lang kilig at tawanan ang naging laman ng pagbisita ng mag-asawang sina KZ Tandingan at TJ Monterde sa Gandang Gabi Vice na umere sa GMA-7 nitong Linggo, September 27, 2026.
Naging bukas ang mag-asawa tungkol sa ilang sensitibong bahagi ng kanilang pagsasama.
Kabilang na rito ang panahong muntik nang makipaghiwalay si KZ kay TJ at kung kailan sila magiging handang magkaroon ng anak.
Anim na taon nang kasal sina KZ, 34, at TJ, 36.
Na-engage sila noong 2019 at ikinasal noong 2020.
KZ ALMOST ENDED HER RELATIONSHIP WITH TJ
Isa sa pinakamalaking rebelasyon ni KZ ang pag-amin na dumating siya sa puntong gusto na niyang makipaghiwalay kay TJ, noong magkasintahan pa lang sila, habang dumaraan siya sa depression.
Pagbabahagi ni KZ: "Nung nasa pinakababa ako na I didn't even have love for myself, si TJ yung... nakikipag-break ako sa kanya nito.
“Sabi ko, 'Makikipaghiwalay na ako sa yo kasi I'm not able to give you the love that you deserve. Hindi kita nabibigyan ng atensiyon.'
"Kasi nung time na yon, depressed talaga ako, like, depressed.
"I was pushing people away. And si TJ nandun din siya.
"Tapos sabi ko sa kanya, 'Makikipag-break na ako sa yo kasi hindi ko na kayang bitbitin ka dito sa dark pit of depression na nararamdaman ko.'
"And nakikita ko how it affects him...
"Tapos sabi niya, 'Alam mo, kung hindi mo kayang magmahal ngayon, ako ang magmamahal para sa ating dalawa.'
"Nung time na yon, I would refuse to pray. I would refuse to acknoweldge God, ganun.
"Tapos siya ang nagsasabi na. 'Kung hindi mo pa kayang magdasal, ako ang magdadasal para sa ating dalawa.'
"So, parang yun talaga yung, 'Okay, Lord, thank you so much. Parang hinanda mo na meron akong makasama sa pinakamadilim na pangayayari na to ng buhay ko...'
"Grateful ako dito," pagtukoy niya sa asawa na hindi siya iniwan maging sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.
Read: Lakam Chiu released from jail after posting PHP5.6M surety bond

KZ TANDINGAN NOT YET READY TO BE A MOTHER
Napunta rin ang usapan sa pagkakaroon nila ng baby.
Diretsahang sinabi ni KZ na si TJ ang mas handang maging magulang sa kanilang dalawa.
Saad niya: “Personally, sa aming dalawa talaga ni TJ, siya talaga yung ready na maging daddy.
"Ever since naman, siya yung talagang nag-o-open up na ready na siyang maging tatay, ganyan."
Ipinaliwanag ni KZ na may mga bagay pa siyang gustong maabot sa kanyang career at personal growth bago tuluyang maging ina.
“It’s more on my side na nandun pa ako sa may gusto po akong gawing bagay sa career ko.
"May mga gusto pa akong i-build sa sarili ko as a person, as a woman."
May isa pa siyang mahalagang dahilan: "I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby."
Para sa singer, hindi sapat na financially stable ang isang couple para masabing handa na sila sa pagiging magulang.
Paliwanag ni KZ: “You will never be ready sa pagiging magulang, but I also think it’s your responsibility to at least try to be ready...
"It's a lifetime responsibility. Ayoko siya na parang mag-anak lang ako because I was pressured into becoming a mom.
"Ayoko lang maging nanay kasi may mag-aalaga kapag tumanda."
Pinag-usapan daw nilang mag-asawa nang masinsinan ang tungkol dito.
"Sinabi ko talaga na, 'Ngayon, I'm not yet ready. May mga gusto pa akong gawin. I don't want to be unfair to you. I don't want to be unfair to our future children.'
"Pag naging nanay ako, gusto ko focused ako sa anak ko.... I wanna be a mom because I wanna be a mom," diin ni KZ.
Sa kabilang banda, wala raw pressure mula kay TJ na madaliin ang kanilang pagkakaroon ng anak.
Saad ng singer-songwriter: "I always believe, sa mag-asawa, it's a mutual decision.
"Hindi siya puwedeng desisyon ko lang. Kasi dalawa kaming parents, e.
"So, pag sinabi niyang hindi muna siya ready, then so be it."
Para kay TJ, sapat na muna ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
"I also believe that a couple is a family. So, parang for me, kaming dalawa, sapat na sa akin yun, e.
"So, kung magkaka-baby kami in the future, that's a blessing.
“But kung kaming dalawa lang, then I’m already very, very happy with my life right now with my wife," saad ni TJ.
