PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn stays silent, Dennis reacts to Patrick revelations

Jennylyn Mercado asks public to stop bashing Patrick Garcia’s family.
by Erwin Santiago
Published 2 hours ago
jennylyn mercado dennis trillo patrick interview
Jennylyn Mercado (left) has opted not to comment on Patrick Garcia’s (inset) recent statements about their past relationship. Around the same time, Dennis Trillo (right) posts a cryptic message saying, “O spread LOVE not HATE,” although he did not mention any names.
PHOTO/S: Facebook / Ogie Diaz YouTube

Tumangging magbigay ng komento ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa mga naging pahayag ng dating karelasyong si Patrick Garcia kaugnay ng kanilang nakaraan.

Sina Jennylyn at Patrick ay dating magkarelasyon at mayroon silang anak na lalaki, ang 18-anyos na ngayong si Alex Jazz.

Sa pamamagitan ng Aguila Entertainment, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ni Jennylyn, sinabi ritong karapatan ng sinuman na ilahad ang kanilang istorya sa anumang platform na kanilang naisin.

Ngunit sa pagkakataong ito raw ay pinili ni Jennylyn na huwag ilahad ang kanyang panig bilang respeto sa privacy at peace of mind ng pamilya ng aktres at ng pamilya ni Patrick.

Hinihiniling ni Jennylyn sa publiko na itigil na ang poot at iwasan ang pamba-bash sa pamilya ni Patrick, partikular na sa anak nitong si Michelle Garcia.

Si Michelle ang 13-anyos na anak ni Patrick sa kanyang misis na si Nikka Martinez.

Tiniyak naman ng kampo ni Jennylyn na namumuhay nang "good and happy life" sina Jennylyn at Alex Jazz, kapiling ang mister ng aktres na si Dennis Trillo, ang kanilang anak na si Dylan, at stepson ni Jennylyn na si Calix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang kabuuang pahayag ng Aguila Entertainment:

jennylyn mercado statement

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

DENNIS TRILLO'S CRYPTIC POST

Halos kasabay ng paglalabas ng statement ng Aguila Entertainment ang makahulugang mensahe ang ibinahagi ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa Facebook account niya nitong Miyerkules ng tanghali, September 30, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito: "Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo. O spread LOVE not HATE."

Walang binanggit na pangalan si Dennis kung para kanino ang kanyang mensahe, ngunit malinaw na ito ay para kay Patrick.

PATRICK GARCIA SPEAKS UP ABOUT PAST RELATIONSHIP WITH JENNYLYN MERCADO

Naglabas ng statement ang kampo ni Jennylyn at nag-post si Dennis sa social media bunsod ng mga naging pahayag ni Patrick sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube vlog nito kahapon, September 29, 2026.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang 18 taon, binasag umano ni Patrick ang kanyang pananahimik tungkol sa masalimuot na pagtatapos ng relasyon nila ni Jennylyn noong 2007.

Inilahad ng aktor ang kanyang panig sa akusasyong iniwan niya si Jennylyn habang ipinagbubuntis nito ang kanilang anak.

Ayon kay Patrick, napilitan siyang basagin ang kanyang pananahimik dahil sa pakiusap ng anak na si Michelle.

Nagsisimula na ring pasukin ni Michelle ang mundo ng showbiz sa pamamagitan ng pagte-training para maging K-pop idol.

Ngunit ngayon pa lang ay nakatatanggap na umano ito ng matinding pamba-bash mula sa netizens na inuungkat ang dating relasyon ng kanyang amang si Patrick kay Jennylyn — sa kabila ng wala pa siya sa mundo nang maganap itong lahat.

Read: Patrick Garcia's daughter Michelle undergoes K-pop training

Saad ni Patrick sa panayam: "Actually, one day, my daughter, si Michelle, went up to me and said, 'Daddy, I'm sad. Because every time there's good news about me, in the comment section, it's all bashing, and they're bashing me because of you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Daddy, why don't you tell your story? What really happened between you and your past?'

"Sabi ko sa kanya, 'Yeah, I can tell my story, but I cannot promise you na the bashing will stop, or could lessen, or it could worsen.'

"Sabi niya sa akin, 'Daddy, it's okay, as long as they know the truth.'"

Kasunod nito ay inilahad ni Patrick ang mga masalimuot na kaganapan mula nang mabuntis si Jennylyn hanggang sa tapusin nila ang kanilang relasyon.

Paliwanag pa ng aktor sa kanyang pagsasalita: "Sa mga bashers na bina-bash ako, they hate me so much because they're saying na iniwanan ko si Jen. No, that's not true! Hindi ko iniwanan si Jen.

"And sa ibang mga bashers na nagsasabi na I was never there for Jen sa pregnancy niya, that's true.

"I was never there for Jen during her pregnancy, not because I didn't want to be there, but because she didn't want me to be there.

"So, ayun ang totoo. That's my story.

"This is the story I've been holding for 18 years na hindi ko sinasabi kasi, you know, baka makalimutan na lang. Baka, you know, move on na.

"But until this day, the words of Jen are haunting me, my family, and my daughter [Michelle].

"People are hating on us too much, and I think it's unfair. That's why I'm telling my story."

Diin pa ni Patrick: "For me, hindi ako masamang tao. I'm not evil.

"Ayun yung nangyari sa situation namin. Ayun talaga ang nangyari."

Nagsalita rin si Patrick tungkol sa pangungulila niya sa anak nila ni Jennylyn na si Alex Jazz.

Ayon sa aktor, huli niyang nakita ang panganay na anak noong December 2017 pa.

Pinapadalhan daw niya ito ng mensahe sa Viber mula pa noong 2018, ngunit wala raw siyang natatanggap na sagot kundi seen lang.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado (left) has opted not to comment on Patrick Garcia’s (inset) recent statements about their past relationship. Around the same time, Dennis Trillo (right) posts a cryptic message saying, “O spread LOVE not HATE,” although he did not mention any names.
PHOTO/S: Facebook / Ogie Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results