Isa si Ahtisa Manalo sa 25 candidates ng fictional beauty pageant na Queen of the Islands sa pelikulang Red Crown.
Sa tunay na buhay, si Ahtisa ang hinirang na Miss Universe Philippines 2025, at naging third runner-up sa Miss Universe 2025 na ginanap sa Thailand.
At ngayon, mula sa glamorosang mundo ng pageantry, sumalang si Ahtisa sa mapanghamong mundo ng pag-arte.
Ano ang nararamdaman niyang kasama siya sa upcoming thriller movie na Red Crown?
"Super excited, super happy, kasi it's a whole different challenge," sagot ng beauty queen.
Medyo malayo ang pag-arte sa pageantry. Pero nagkataong beauty pageant ang sentro ng istorya.
Reaksiyon ni Ahtisa, "Oo nga, e, pero let's see if this is gonna be my new world. Tingnan natin kung para sa akin siya."
Tuluy-tuloy na ba ang pag-arte niya?
"Meron na akong next na series na maggi-guest ako," pagbabahagi ni Ahtisa.
"So, as of now, medyo tuluy-tuloy na pero tignan natin.
"Hindi pa siya concrete plan as of now. I'm just going with the flow."
Ano ang mga ginagawa niyang paghahanda?
Saad ni Ahtisa: "I had a few workshops, acting workshops.
"But I think more so for me, it was getting used to showing emotions in front of the camera.
"Kasi as a beauty queen, it's a different whole scenario where you need to be polished.
"Eto, parang kailangan emotion yung lumalabas and that's not something I'm comfortable with. So, iyon yung naging challenge."
Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahtisa sa media conference ng Red Crown noong September 29, 2026 sa Studio 7 ng GMA Network.
Read: Dennis Trillo reacts to Patrick Garcia’s resurfaced interview
Ahtisa is Dolly, Queen of Quezon
Sa Red Crown, ginagampanan ni Ahtisa ang role ni Dolly, ang tinaguriang "Queen of Quezon" sa Queen of the Islands beauty pageant.

Siya kaya ang masuwerteng makakarating hanggang dulo at magwawagi ng titulo, korona, at premyong PHP25 million?
O isa sa mga mae-eliminate/execute habang ongoing ang pageant sa isang isla?
Bukod kay Ahtisa, kasama rin sa cast ng Red Crown sina MJ Lastimosa, Yana Aduana, Alethea Ambrosio, Ara Arida, Herlene Budol, Skye Chua, Faith da Silva, Michelle Marquez Dee, Haley Dizon, MJ Encabo, Shuvee Etrata, at Gazini Ganados.
Kasali rin sa thriller film sina Rein Hillary, Maika Kemmochi, Aira Lopez, Sanya Lopez, AZ Martinez, Ashley Ortega, Vanessa Peña, Sandy Riccio, Jade Tecson, Tarah Valencia, Yna Angela Uy, at Yza Thalia Uy.
Ipalalabas na ito sa mga sinehan sa darating na October 28, 2026.
Read: Red Crown beauty queens pick their pageant bets among co-stars
