Nagulat at natuwa ang mga dumalo sa special screening ng CinePanalo 2026 entry na Apol of My Ai noong October 3, 2026, nang ibahagi ni Zanjoe Marudo ang isang masayang balita: buntis ang kanyang asawang si Ria Atayde sa kanilang pangalawang anak.
Dalawang taon na ang kanilang panganay na anak na lalake, si Marcel Sabino, at ngayon ay ilang buwan na ring nagdadalantao si Ria sa kanilang pangalawang supling.
Ayon kay Zanjoe, itinuturing niyang panibagong blessing sa kanilang pamilya ang pagdating ng pangalawa niyang anak.
“Buntis si Ria, buntis siya, hindi lang namin ina-announce," pagbabahagi ng aktor.
"Ilang months? Bilangin ko, pag sure na ako sasabihin ko.
"Oo naman, masaya kasi blessing yun.
"Sa akin, kahit ano babae.man o lalake, basta ako masaya ako na magkaka-baby kami ulit.”
Read: Dennis Trillo reacts to Gelli de Belen’s comments on Patrick-Jennylyn issue
ZANJOE MARUDO PRAISES RIA ATAYDE AS A MOM
Hindi nagbigay ng maraming detalye si Zanjoe tungkol sa pagbubuntis ni Ria, pero pinuri niya ang pagiging hands-on mom ng asawa.
“Siyempre first time niya, di ba? Pero para sa akin, siyempre ayaw mong makita na nahihirapan.
"Mahirap, pero alam mo na nag-e-enjoy siya, alam mo na gusto niyang inaalagaan ang anak namin.
"Di mo makikitaan na binigyan mo siya ng responsibilidad, may aalagaan, hindi ganun.
"Kitang-kita mo na blessings talaga yung anak namin.”
Dagdag pa ni Zanjoe, “Saka Mama's boy si Sabino, Mama's boy talaga siya.”
Bilang ama, masayang ibinahagi ni Zanjoe ang mga nakakatuwang ugali na napapansin niya sa kanilang anak.
“Makulit si Sabino, e, medyo nakakatawa rin siya, ang dami niyang napapatawang tao.
"Medyo pilyo, may pagkapilyo nang kaunti, may pagka Bugoy, alam niya kung paano magpatawa.
"Alam mo yun, marunong nang magloko kahit bata pa lang, alam na nagloloko siya.”

Aminado rin si Zanjoe na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang dumating si Sabino.
Mas naging masaya raw ang kanilang tahanan at mas tumibay ang pagsasama nila ni Ria bilang mag-asawa.
“Iba na, mas iba na ang routine ng buhay ko, lagi nang gustong umuwi sa bahay siyempre, laging ayaw umalis sa bahay.
"Lagjng masaya sa bahay, e, mayroon ka nang sariling pamilya.”
“Kami ni Ria matatag na kami simula't sapul, dumadagdag lang siya sa growth ng relationship namin bilang mag-asawa,” ani Zanjoe.
Read: Gelli de Belen defended by Bambbi Fuentes amid Dennis Trillo clash
ZANJOE MARUDO ON APOY OF MY AI
Itinanghal si Zanjoe bilang Best Supporting Actor sa nakaraang 3rd Puregold CinePanalo Awards Night para sa pelikulang Apoy of My Ai.

Para kay Zanjoe, nakapagbibigay ng kumpiyansa ang ganitong pagkilala dahil ipinaparamdam nitong tama ang proyektong pinili niyang gawin.
“Mas nakakampante ako na tama yung pinili kong project, minsan kasi nagda-doubt ka, 'Mali yata yung nagawa ko.'
“Para sa akin, bonus na makagawa ka ng isang maganda at makabuluhang pelikula.”
Masaya rin si Zanjoe sa dami ng mga taong nanood at sumuporta sa CinePanalo 2026, lalo na sa panahon kung kailan patuloy na humaharap sa hamon ang industriya ng pelikulang Pilipino.
“Nakakatuwa na ang daming tao, ang daming nanonood, successful yung festival ng Puregold.
"Alam naman natin at ramdam naman natin kung gaano naghihikahos ang mga pelikula.
"Yung mga ganitong klaseng festival, mas nakakapag-attract, mas nakakapag-invite ng mga tao.
"Ang gaganda pa ng mga entries, ang gaganda ng mga pelikula," saad ni Zanjoe, na co-producer din ng Apol of My Ai.
Read: juan karlos, Zanjoe Marudo, Momo Kobayashi absent at CinePanalo 2026 awards night
