PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna apologizes after "wild night" at Cebu fiesta

Ellen Adarna to Kaye Abad: "Pareho pala tayo ng ex."
by Arniel C. Serato
Published A day ago
Ellen Adarna joes about the same "exes" with Kaye Abad
Actress Ellen Adarna reacts to her viral fiesta videos in Dumanjug, Cebu: "Guys pasensiya na dahil kahapon, nag-tumbling pala ako, wala na akong maalala. Andun ba kayo? Nag-trending na pala, nakakahiya na pala yung ginawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: Cebu Province on Facebook

Kinaaliwan ng netizens si Ellen Adarna matapos kumalat ang mga video ng kanyang masayang pagdalo sa BisNok Festival sa Dumanjug, Cebu, nitong nakaraang weekend.

Makikita sa viral clips ang dating aktres na nakikipagsayawan, nakikihalubilo sa mga tagaroon, at nagre-reenact ng kanyang pag-tumbling sa pribadong kasiyahan.

Isa si Ellen sa mga inimbitahang celebrity sa fiesta ng Dumanjug, kung saan ang kanyang kababatang si Efren Guntrano “Gungun” Z. Gica ang kasalukuyang alkalde.

Kasama niyang dumalo ang celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Nakabase sa Cebu ang pamilya ni Ellen at kabilang ito sa mga kilalang pamilya roon.

Ellen Adarna with fellow celebrities Kaye Abad and husband Paul Jake Castillo (partly hidden) during their participation at Bisnok Festival Grand Showdown in Dumanjug, Cebu on October 3, 2026
Ellen Adarna with fellow celebrities Kaye Abad and husband Paul Jake Castillo (partly hidden) during their participation at Bisnok Festival Grand Showdown in Dumanjug, Cebu, on October 3, 2026
Photo/s: Courtesy: Cebu Province on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Judy Ann Santos continues to earn recognition for Mindanao

ELLEN'S VIRAL VIDEOS; APOLOGY

Talagang sinulit ni Ellen ang kanyang pagdalo sa BisNok Festival.

Bukod sa pakikipagsayaw at pakikihalubilo sa mga residente, makikita rin sa mga video ang kanyang pag-tumbling habang nagkakasiyahan kasama ang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Ellen sa mga tao: "Happy fiesta nalang ninyu guys. First and last nani naku. Mapa hipos nako ahaha [First and last ko na to. Baka mapaligpit na ako nito hahaha]

"A night that everyone remembers but I want to forget ahahaah I baon na lang nato sa limot shooo! Haahahah."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Ellen Adarna reposted IG Story

Matapos ang mga viral na eksena, tila nahimasmasan si Ellen at humingi ng dispensa sa netizens na nakapanood ng kanyang mga video.

Ayon sa post ng Cebu Knows, nagbiro na lang si Ellen tungkol sa kanyang mga walwalang eksena at sinabing wala raw siyang maalala.

Wika ni Ellen sa Cebuano: "Guys sorry kaayo guys kay gahapon nag-tumbling diay ko unya wa na gyud koy mahinumduman. Naa mo didto? [Guys pasensiya na dahil kahapon, nag-tumbling pala ako, wala na akong maalala. Andun ba kayo?]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-trending na diay ko hala nagpakaulaw lang gyud ko adto. [Nag-trending na pala, nakakahiya na pala yung ginawa ko.]

"Pist* ka Gun ha." [Pist* ka Gun ha [referring to his friend and Mayor Guntrano “Gungun” Z. Gica.]

"PAREHO TAYO NG TASTE."

Sa isa pang video, nagpasalamat si Ellen kay Mayor Gica at Cebu Governor Pam Baricuatro sa kanilang pagtanggap sa kanya.

Ibinahagi rin niya na minasahe pa siya ng gobernador, at nagkuwento tungkol sa kanyang karanasan sa mga courtesy call noong aktibo pa siya sa showbiz at mayroon siyang mga out-of-town shows.

Ayon kay Ellen, hindi dapat nakakatakot ang pakikitungo ng mga opisyal sa mga artista o ordinaryong mamamayan.

Pasaring niya sa ilang pulitiko: "Ngano kita taxpayers ta, mga normal ta nga tawo, kitay nag-suweldo nila, ha? [Bakit tayong taxpayers, mga normal na tao, tayo ang nagpapa-suweldo sa kanila, ha?]

"So mao nay akong giingon kay Governor Pam nga murag wa jud ko ka feel niya, ingon ana kay sa tanan nga pulitiko na na-meet nga murag maghuwat pa ko nimo, magluhod pa ko para nimo.

"Kinsa man ka? Di ba? Ako ay gabayad sa imohang suweldo. Di ba?"

["So yun ang sabi ko kay Governor Pam na hindi ko naramdaman sa kanya ang mga ganung klaseng pulitiko na nakilala ko na kailangan ko pang antayin, na parang luluhod ako para sa yo. Sino ka ba? Di ba? Ako ang nagbayad ng suweldo mo. Di Ba?"]

Nagbiro rin si Ellen na halos lahat ng barkada ng mayor ay nanligaw sa kanya, maliban kay Paul Jake Castillo.

Tinanong siya ni Kaye Abad kung pati si Paul Jake, na dati niyang kaklase, ay nanligaw rin sa kanya.

Ayon kay Ellen, hindi raw.

Ani Ellen: "Dili. Ah, ah wala si Paul Jake, dili. Wala, wala niya miapil. Classmate, classmates ming Paul Jake. Actually crush jud ni nako siya sa una."

[Hindi. Wala si Paul Jake. Hindi siya sumali. Classmate, classmate kaming dalawa ni Paul Jake. Actually, crush ko yan dati.]

Sabi ni Kaye, "So, same tayo ng taste."

Sagot ni Ellen, "Ah dili pero wala man jud siya, wala man jud siya nanguyab nako. Wala." [Pero hindi siya, hindi niya ako niligawan noon.]

Bigla silang pinutol ni Paul Jake.

Dagdag ni Ellen: "So ana si Paul Jake kanang wa siya pakialam. Pero ah na-crush, actually crush ng bayan ni siya sa among generation." [Ganyan si Paul Jake, wala siyang pakialam. Actually, crush ng bayan siya sa aming generation.]

Ayon naman kay Kaye nung siya na ang nagsalita: "Guwapa kaayo ang mga Cebuana, 'no?' [Magaganda talaga ang mga Cebuana, 'no?]

Sabat ni Ellen, "Unya ikaw, na Cebuana naman ka." [Parang ikaw, kasi Cebuana ka na rin, 'no?"

Pagpapatuloy ni Kaye, "That's why. Mao na, diri ko nagpuyo, ron, 'no." [Kaya nga ngayon dito na ako nakatira, 'no."

Sabat muli ni Ellen, "Pareha baya tag ex." [Pareho pala tayo ng ex.]

Ani Kaye, "Oh, di ba? Pareha lagi tag-taste."

Ang tinutukoy ni Ellen na "ex" ay si John Lloyd Cruz, na unang boyfriend ni Kaye sa showbiz.

Pagkatapos nito ay nag-walkout kunwari si Paul Jake.

Read: Marian Rivera: “Dahil sa Rewind ay nagkaroon ng Remember.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ellen Adarna reacts to her viral fiesta videos in Dumanjug, Cebu: "Guys pasensiya na dahil kahapon, nag-tumbling pala ako, wala na akong maalala. Andun ba kayo? Nag-trending na pala, nakakahiya na pala yung ginawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: Cebu Province on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results