Pumanaw ang Mr. Philippines 2026 Culture and Arts ambassador na si Jacob Aaron Polintan.
Sinasabing isang motorcycle accident ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Siya ay 24 taong gulang.
Inanunsiyo sa official Facebook page ng male pageant organization ngayong Miyerkules, October 7, 2026 ang tungkol sa pagpanaw ni Jacob.
Ang kabuuan na mensahe ng pamunuan ng Mr. Philippines:
"On behalf of Mr. Philippines and the Polintan Family, we extend our deepest condolences to the family, relatives, friends, fans, supporters and loved ones of Jacob Aaron Polintan.
"We mourn the heartbreaking loss of a beloved son, friend, and cherished member of the community. Jacob may have left this world too soon, but the memories, kindness, and love he shared will forever remain in the hearts of those who knew him.
"During this time of profound grief, may the family find strength, comfort, and peace in the love and memories Jacob has left behind.
"Paalam, Jacob. Our Mr. Philippines 2026 Bulacan Province and Culture and Arts Ambassador."
Read: Alwyn Uytingco on marriage to Jennica Garcia: "We tried."
JACOB AARON POLINTAN LAST MOMENTS
Noon lamang October 3 ay ibinahagi ni Jacob sa kanyang Facebook account ang ilang litrato niya mula sa kanyang camping trip sa tabing-batis sa isang di pinangalanang lugar.
Nilagyan niya ito ng caption na, "Habang may pag kakataon sulitin mo nang sulitin."
Ni-repost din niya ito sa kanyang Facebook page kahapon, October 6.

Ang huling update niya sa kanyang Facebook account ay bandang 10:30 P.M. ng October 6.
Sabi niya sa caption, "naka sapatos na ako," bilang sagot sa isang content creator na nagyayaya magpunta ng Batangas.
Sa post na iyon ni Jacob ay bumuhos ang pakikiramay ng netizens na nagsabing tila pahiwatig daw iyon sa kanyang pagpanaw.
Marami sa nagkomento ang nagsabing lubos silang nabigla at nalungkot na hindi na nila muli makikita ang mga update ni Jacob.
Bukod sa pagsali sa Mr. Philippines 2026, si Jacob ay tinanghal na Ginoong Bulacan 2024 at Ginoong Paombong 2023.
