PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jacob Aaron Polintan's last FB posts show motor rides, trips

Jacob: "Habang may pagkakataon sulitin mo nang sulitin."
by Rachelle Siazon
Published 2 hours ago
Jacob Aaron Polintan last FB posts show rides, trips
Netizens react to Jacob Aaron Polintan's last Facebook posts where he appeared to have hinted about his passing. The photo seen above was from his stint on Mr. Philippines 2026 (left) and his motor ride in front of a church (right). The screenshot of "habang may pagkakataon" caption was taken from his recent FB post about an outdoor trip.
PHOTO/S: Jacob Aaron Polintan Facebook

Lubos na nagdadalamhati ang pamilya, mga kaibigan, at katrabaho ni Jacob Aaron Polintan dahil sa biglaan niyang pagpanaw.

Siya ay 24 taong gulang lamang nang bawian ng buhay dahil sa motorcycle accident.

Naiulat ang kanyang pagpanaw nitong umaga ng Miyerkules, October 7, 2026.

Read: Jacob Aaron Polintan dies at 24

Sa Facebook post ni Jacob, bandang 10:30 P.M. ng Martes, October 6, waring pabiro itong humirit na nakasuot na siya ng sapatos bilang sagot sa isang content creator na nagyayaya na magpunta ng Batangas.

Ayon sa netizens, hindi maiwasang mabigyan nila ito ng pansin dahil tila nagbigay daw ng ito ng pahiwatig sa pagpanaw nito.

Netizens react on Jacob Aaron Polintan's last Facebook post
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumuhos din ang pakikiramay ng mga netizen na nalungkot dahil nasa kabataan pa si Jacob at marami pa raw pangarap na nais sanang abutin.

Netizens react on Jacob Aaron Polintan's last Facebook post
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook

Si Jacob ay pambato ng Bulacan sa Mr. Philippines 2026, isang male pageant na ginanap sa Quezon City noong August 31, 2026. Hindi man nasungkit ang main title ay tinanghal siyang Mr. Philippines 2026 Culture and Arts ambassador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa siyang pageant enthusiast na nanalong Ginoong Bulacan 2024 at Ginoong Paombong 2023.

Base sa Facebook account niya, isa rin siyang content creator na may 103,000 followers sa Facebook.

Mayroon din siyang hiwalay na Facebook page na Jacob Vlog na may 37,000 followers.

Read: Alwyn Uytingco on marriage to Jennica Garcia: "We tried."

JACOB AARON POLINTAN AND HIS MOTORCYCLE

Makikita sa kanyang posts na likas ang hilig niya sa motorcyle at nature trips bilang paraan niya na pamamahinga.

Noong September 30 ay ibinahagi niya ang video ng pagsakay niya sa kanyang motor sa tapat ng isang simbahan.

Nilapatan niya ito ng kantang "Heal The World" ni Michael Jackson.

Noong September 27, sakay siya ng kanyang motor sa Cabangan, Zambales.

Ikinatuwa pa niya na may nakakilala raw sa kanya bilang owner ng Jacob Vlog Facebook page.

Biro niya sa kanyang caption noon, "feelingckatyarn."

Jacob Aaron Polintan in Zambales
Jacob's motorcycle ride in Zambales
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito ay marami pa siyang videos na pinapakitang sakay siya ng kanyang motor sa gas station, sa parking area, at tapat ng commercial spaces.

Alagang-alaga niya ang kanyang motor, na pinakita niyang nililinisan niya sa isa niyang post noong July 28.

Jacob Aaron Polintan showed video of him cleaning his motorcycle
Jacob Aaron Polintan showed video of him meticulously cleaning his motorcycle.
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga post din siya ng hitsura ng motor na gusto niyang bilhin balang araw.

Read: Robbie Jaworski reveals how he spent his first talent fee

HIS LOVE FOR NATURE

Hilig din niya ang pamamasyal sa mga tahimik na lugar na napapaligiran ng magandang tanawin.

Una na rito ay iyong isa sa mga huling Facebook posts niya na nagpunta siya sa camping trip sa isang batis na napapaligiran ng matataas na puno.

May solo pictures siya roon at makikitang mga simpleng tent ang accomodation sa lugar.

"Habang may pag kakataon sulitin mo nang sulitin," sabi niya sa caption.

Jacob Aaron Polintan nature trip
Jacob's recent getaway
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook

Noong September 28, nag-post naman siya ng video niya na kuha sa tabing-dagat bandang dapit-hapon.

"Dagat na," nang-aanyayang caption niya.

Noong September 26 ay pinakita rin niya ang pamamasyal niya sa isang malinis na batis kunsaan tanaw ang mga bundok sa kanyang gawing likuran.

Nilapatan niya iyon ng kantang "Alapaap" ng Eraserheads.

"Malayo sa usok at lubak ng lubacan hahahaha," masayang sabi niya sa caption.

Jacob Aaron Polintan nature trip
Jacob in his element outdoors
Photo/s: Jacob Aaron Polintan Facebook

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Jacob Aaron Polintan's last Facebook posts where he appeared to have hinted about his passing. The photo seen above was from his stint on Mr. Philippines 2026 (left) and his motor ride in front of a church (right). The screenshot of "habang may pagkakataon" caption was taken from his recent FB post about an outdoor trip.
PHOTO/S: Jacob Aaron Polintan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results