PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jacob Aaron Polintan, 24, cause of death revealed

Cousin of Jacob describes him as "mapagbigay sa parents, masaya ka-bonding."
by Rachelle Siazon
Published 1 Hour ago
Mr. Philippines 2026 Culture and Arts ambassador Jacob Aaron Polintan cause of death revealed
Jacob Aaron Polintan's cousin Jomari Gonzales tells PEP that they were supposedly planning a reunion during their conversation just last week. Aside from being known as a pageant titleholder in Bulacan, he was loved by his family and friends for his sincerity, generosity, and good-natured personality.
PHOTO/S: Brian Mamawan via Jacob Polintan Facebook

Kinumpirma ng kaanak ni Jacob Aaron Polintan na motorcyle accident ang sanhi ng pagpanaw ng 24-year-old Mr. Philippines 2026 Culture and Arts ambassador.

Read: Jacob Aaron Polintan dies at 24

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang first-degree cousin ni Jacob na si Jomari Gonzales sa pamamagitan ng video call.

Dito ay malungkot na ibinahagi ni Jomari kung paano niya nalaman ang sinapit ni Jacob, na masiglang nakapag-status pa sa Facebook noong gabi bago nangyari ang aksidente.

Ayon kay Jomari, naaksidente si Jacob noong madaling araw ng Miyerkules, October 7, 2026.

Sakay umano si Jacob ng motorsiklo nito nang sumalpok ito sa isang truck sa Balagtas, Bulacan.

Binawian raw ito ng buhay doon mismo sa pinangyarihan ng aksidente.

Lahad pa ni Jomari sa PEP: "In-update rin kasi ako ng mga pinsan ko na, 'Ganito nangyari kay Bugto sa Balagtas...'

"Galing daw po siya ng work, puyat daw po. Medyo mabilis po ang takbo. Yung truck po kasi nakasalubong po niya. Ayun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron naman pong tumawag agad na ambulansya para itakbo siya sa ospital..."

Pero masyado raw matindi ang impact sa katawan ni Jacob.

Wala raw suot na helmet si Jacob nang mangyari ang aksidente.

Sa pagkakaalam din ni Jomari ay 3:00 a.m. nang makaalis si Jacob sa dinaluhan nitong pageant.

Hindi naman matukoy ni Jomari kung ano mismong pageant ang pinuntahan ni Jacob, basta ang alam niya ay galing ito nagpunta ito roon para sa trabaho.

Si Jacob ay taga-Paombong, Bulacan. Ang Balagtas ay humigit kumulang 39 minutes away sa Paombong.

Read: Jacob Aaron Polintan's last FB posts show motor rides, trips

LAST CONVO WITH JACOB AARON POLINTAN

Lubos ang pagdadalamhati ni Jomari sa sinapit ng kanyang pinsang si Jacob.

Hindi raw niya akalain na hindi niya ito muling makikita dahil noon lamang nakaraang linggo ay nakausap pa raw niya ito sa group chat nilang magpipinsan.

Sabi ni Jomari, "Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Nabigla po ako...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Balak po kasi po namin talaga, may reunion kami. Akala ko po yun yung masaya, yun pala malungkot na ang aming naabutang nangyari sa kanya.

"Hindi na natuloy. Nawala na po siya."

Read: Aiko Melendez one fiance Onemig Bondoc: "Tayo pa rin sa huli."

A GENEROUS SON AND COUSIN

Huling kita raw niya kay Jacob ay nang magdiwang ito ng 24th birthday noong July 4.

Nagpa-swimming at nagpainom pa raw ito sa kanilang magpipinsan.

Paglalarawan pa niya kay Jacob, "Mabait, marunong makisama sa lahat, mapagbiro."

Responsable rin daw itong anak.

"Mapagbigay siya sa parents niya ng pera, kung ano man kailangan ngg parents niya, ng mga kapatid niya, binibigay niya po.

"Kahit sa mga pamangkin niya po, nagbibigay din siya ng mga laruan, pera, ganun po.

"Maayos siya ka-bonding sa lahat, kahit sa magtotropa."

Naulila ni Jacob ang mga magulang at mga kapatid.

Bukod sa pagsali bilang pambato ng Bulacan sa Mr. Philippines 2026 noong Agosto, si Jacob ay tinanghal na Ginoong Bulacan 2024 at Ginoong Paombong 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jacob Aaron Polintan's cousin Jomari Gonzales tells PEP that they were supposedly planning a reunion during their conversation just last week. Aside from being known as a pageant titleholder in Bulacan, he was loved by his family and friends for his sincerity, generosity, and good-natured personality.
PHOTO/S: Brian Mamawan via Jacob Polintan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results