Hindi mamatay-matay ang isyung may tensyon sa pagitan nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia na nagdulot umano ng pagkahati sa grupong SexBomb.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hiningan ng reaksiyon ang mister ni Jopay na si Joshua Zamora tungkol dito.
Hindi tuwirang dinetalye ni Joshua kung anuman ang di pagkakaunawaan ng SexBomb members, pero inilarawan niya na si Jopay ang tipong gustong pag-usapan kapag may problema.
"With my wife very relational kasi siya. When she works committed siya sa trabaho niya, gusto niya maganda yung samahan.
"Pagka mayroong di pagkakaunawaan, gusto niya napag-uusapan talaga.
"Very confrontational siya, she confronts kahit na sino ka."
Tingin ni Joshua ay makakatulong ang pagiging "straightforward' ni Jopay para "maayos" kung anuman ang dapat ayusin, lalo pa't patuloy pa rin ang shows ng grupo.
Hindi naman daw maiwasan ang di pagkakaintihan sa anumang relasyon.
Lahad pa ni Joshua: "Kahit naman kami mag-asawa kami, asawa ko na siya mismo, minsan nami-misinterpret ko pa rin siya.
"Pero I look at it sa kung ano ang strength niya. Minsan yun ang weakness ko, e.
"Nawo-work namin together yan, nagpo-produce ng positivity. Para sa amin, it helps."
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa press preview ng faith-based play na Sina Dasal ni Chaps Manasala.
Ginanap ito sa Lucresia Kasilag Performing Arts Hall sa Project 7, Quezon City, noong September 29, 2026.
Read: Jopay Paguia addresses alleged rift with Rochelle Pangilinan
JOSHUA ZAMORA ON OVERCOMING PERSONAL DIFFERENCES
Si Joshua ay miyembro ng '90s all-male dance group na Maneuvers, kaya naiintindihan niya ang sitwasyon ng SexBomb.
"As a group naman, di naman talaga nawawala yan—tampuhan.
"Di natin maiiwasan na may kanya-kanya tayong perspective sa buhay, may kanya-kanya tayong personalities, kung paano tayo mag-lead so talagang di maiiwasan yan.
"Gaya ng nasabi ko, sa grupo namin mayroon din kaming mga issues na para sa amin between the group na lang.
"We make sure na di talaga nagli-leak to protect each and everyone—relationships, yung friendship and everything and our families."
Ang challenge lang daw sa SexBomb ay maraming mata ang nakatutok sa grupo kaya di maiwasang may iba-ibang opinyon ang ibang tao.
"Siguro with the Sexbomb, since they are really talaga exposed to kung ano ang ginagawa nila ngayon, I may say na bawat kilos nila, bawat pose nila on socmed ay talagang nami-misinterpret ng tao.
"Yun ang nakaka-sad kasi ang daming negativity, ang daming bashers.
"And for me, lagi rin naming sinasabi before ni Ate Joy, whether it's positive or negative, it's exposure.
"But sabi nga nila, kailangan pa rin naming protektahan yung ating reputation sa tao."
Nananalig si Joshua na alam ng SexBomb members ang dapat gawin sa kung anuman ang hinaharap ng grupo.
"Feeling ko diyan, may happiness, may sadness, mixed emotions.
"And the only person na puwedeng mag-ayos niyan ay sila-sila rin.
"Wala nang iba talaga."
Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia
PROUD OF SEXBOMB LEGACY
Kasama si Joshua na nag-perform ni Jopay sa concert ng SexBomb concert rAWnd 4 sa MOA Arena noong February 2026.
Saksi siya sa tagumpay ng grupo na matapos ang sunud-sunod na concerts ay diretso sa pamamayagpag sa shows at tours hindi lang sa Pilipinas kundi kahit sa ibang bansa.
"Siyempre very, very proud. Since day one na nag-uusap kami na mabuo lang yung reunion nila, nangyari at nanganak na nang nanganak.
"Until now we're just blessed na hanggang ngayon tinatangkilik pa ng mga tao."
Nakakatuwa raw na buhay na buhay ang fans ng grupo.
"I would say na yung mga audience nila is really na mga bata nung panahon nila until such time na nagpe-perform pa rin sila, yung mga bata, talagang tinatangkilik pa rin sila.
"Para sa akin, queens of novelty ang mga yan when it comes to their singing, yung style ng dancing nila.
"Talagang ang daming naglu-look up sa kanila and I'm really proud of this group, ang dami talagang pinalaki ng SexBomb."
Bilang mister, hindi isyu sa kanya ang pagsuot ni Jopay ng sexy costumes para sa shows ng SexBomb.
"Kasi iba rin ang pananaw ko when it comes to that. Alam mo naman na kapag ang isang tao ay nagse-seduce or alam mo na talaga na it's just a performance.
"Sa akin hindi siya malaswa."
JOSHUA ZAMORA ON MANEUVERS REUNION
Samantala, ibinalita rin ni Joshua na magkakaroon ng reunion show ang Manuevers sa Noctos Bar sa Quezon City sa November 5.
"With the SexBomb, it's always been an inspiring story dahil tama yung sabi mo na simula nung nag-reunite sila, dumami yung opportunities tobe reunited with your group.
"It doesn't have to be na dancers kayo or singers kayo or group kayo, as long as na may pinagsamahan kayo way, way back.
It's about time na you really reunited. Napakaikli ng buhay, i-treasure mo yung buhay natin."
Masaya si Joshua na buo pa rin ang Maneuvers.
"Pag may mga events, nagkikita-kita naman yan. Di naman totally nawala except yung mga talagang first generation, like sila Ronell Wolf na di na namin makita yan.
"This time talagang magkakaroon kami na magsama-sama uli.
"Kahit na may kanya-kanya nang buhay nagkakakumustahan. I think yun naman talaga ang kailangan sa buhay natin."
Tulad ng nabanggit niya, naranasan tampuhan nila noon.
Sa di mamatay-matay na isyu na may tensyon na namamagitan talaga kila Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia kung kaya't nabuo ang dalawang paksyon ang Sex Bomb, di maiiwasang mahingan ng reaksyon tungkol dito ang mga taong malalapit sa kanila.
Katulad na lang ni Joshua Zamora, asawa ni Jopay at ama ng kanilang dalawang anak na sila Isabella Alessa (8 taon) at Izabella Ariana (5 taon), tumatayo ring madrasta.si Jopay ng dalawang anak ni Joshua sa nauna niyang mga relasyon.
Sa ekslusibong panayam ng Pep.ph sa dating Maneuver's dancer sa nakaraang Chaps Manasala's Sina Dasal preview na ginanap sa Lucresia Kasilag Performing Arts Hall nung nakaraang September 29, tinanong namin si Joshua kung ano ang saloobin niya tungkol sa matagal nang isyu na alitan sa pagitan ng asawa at ng tinuturing na lider ng Sexbomb na si Rochelle.
