Hamon para kay Analyn Barro ang gumanap bilang isang boldstar sa pelikula gayong nakilala siya sa pagpapatawa sa Bubble Gang.
Mainstay si Analyn sa longest-running gag show sa telebisyon na Bubble Gang sa loob ng sampung taon na.
Ngunit may twist, naabutan ni Analyn ang mga panahong may sexy segment pa ang gag show.
Kuwento niya: "Actually, hindi gaanong naging adjustment sa akin kasi, bilang magti-ten years na po ako sa Bubble Gang and bago naging wholesome yung Bubble Gang, e, naabutan ko po yung era na talagang pak! Sexy, sexy, ganun.
"Talagang bawal doon ang one piece. Nung dati po, yung dating era, talaga kailangan, naka-two piece kami.
"Bawal talaga yung tagung-tago yung skin.
"So parang kahit papaano naging ano naman siya, naging helpful sa akin. Naging training ground naman sa akin yung Bubble Gang before."
Sa He's Dating a Boldstar, gagampanan ni Analyn ang role ng isang aspiring actress na ginawang stepping stone ang pagiging "boldstar" para magkakaroon ng pangalan.
"Ako po dito, yung name ko po dito ay si Kit Sta. Ana. So yung pangarap niya ay maging aktres.
"So hindi siya basta-bastang nakakapasok lang bilang aktres. So naging bold star muna siya.
"Yun yung parang stepping stone niya bago siya naging actor.
"And then, yung pinaka-challenge dito is parang anong bang pipiliin ni Kit, pangarap niya ba or pag-ibig?"
Paano kaya niya na-explain sa pamilya niya noong tinanggap niya ang role na medyo sexy?
Kuwento ni Analyn: "Actually, nung nalaman ng dad ko yung title, sabi niya, 'Ha? Magbu-bold ka na?' Sabi ko, 'Papa, hindi, hindi.'
"Kasi, actually kasi I was born and raised na probinsyana so yung upbringing ko very traditional.
"So talagang hindi nila accepted kapag magbu-bold ako. But anyway, this is not like hubad-hubad naman talaga. This is R-13 so safe naman po."
Ano ang pinaka-challenge niya sa pelikula?
"Siguro ang pinaka-challenge dito is kasi first time ko silang lahat maka-work so siyempre mag-a-adjust tayo and dahil meron din akong sarili kong adlib. And for sure meron din silang sarili nilang adlib so dapat collaborative lang kami dito.
"Siyempre nung first day po may adjustment talaga na, 'Oh, may bibitaw ako dito.' 'Oh, dito may bibitaw rin ako,' para mas lalong nakakatawa siya."
Makakasama ni Analyn sa pelikula ang content creator na si Malupiton.

Read: Sarah Lahbati celebrates birthday with rumored BF Mikhail Schemm
ANALYN BARRO TALKS ABOUT LONGEVITY
Lagpas sampung taon na si Analyn sa showbiz kung saan nagsimula siya sa StarStruck Season 6 noong 2015.
Tuluy-tuloy naman ang kanyang career at tumagal siya ng isang dekada sa Bubble Gang.
So ito na ba yung isa sa mga pamamaraan niya para magkaroon ng tatak sa industriya?
"Ako naman po kasi I'm really aiming for longevity. Gusto ko ganun.
"Gusto ko mas makilala si Analyn Barro as a versatile actress rather than the fame itself.
"Mas gusto ko yung longevity na andiyan pa rin ako. Kasi awa ng Diyos po talaga, awa ng Diyos, nandito pa rin po tayo sa Bubble.
"Tuluy-tuloy pa rin yung mga may drama tayo, may comedy din po tayo.
"So parang, of course po, I would be a hypocrite kung hindi ko sasabihin na..."
Gusto mo rin makilala?
"Oo naman po. Para more projects, more opportunities for me. At siyempre, yun nga po, longevity talaga yung gusto ko."

Bukod kay Malupiton, kasama rin sa pelikula ang Kolokoyz TV, Dominic Biong, Joshua Padigos, Aleck Bovick, Leandro Baldemor, at Rob Sy.
Ito ay mula sa direksiyon ni Niokz Arcega.
Ipapalabas na ito sa mga sinehan sa darating na October 28.

Read: Joey de Leon turns 80; Kapuso Mel Tiangco, Michael V. send love
