Nagbahagi si Sarah Lahbati ng ilang snaps mula sa kanyang birthday celebration last October 9, 2026, ang kanyang ika-33rd na kaarawan.
Sa kanyang Instagram Stories kahapon, October 11, ibinahagi ni Sarah ang ilang short videos mula sa celebration.
Kita sa mga ito na masaya siyang nagdiwang kasama ang mga kaibigan at ang rumored boyfriend na si Mikhail Schemm, isang concert executive.
Sa isang larawang ibinahagi ng doctor to the celebrities na si Dr. Z Teo kasama ang asawang si Aivee Teo, nakalagay pa sa caption ang mga salitang: "Celebrating the birthday of Sarah Lahbati. Double date."

Isang kaibigan naman ang nag-share ng video kung saan kinantahan si Sarah ng happy birthday at binigyan naman siya ng cake ni Mikhail.
Hinalikan din siya nito sa pisngi.

Kahapon din, nag-upload si Sarah ng carousel of pictures kasama ang mga anak at ina, mga kuha sa kanyang party, at nasa dala ang larawan niya at ni Mikhail.

Nakalagay sa caption: "Happy."
View this post on Instagram
Read: Judy Ann Santos gives daughter Yohan’s new hairstyle a thumbs-up
SARAH LAHBATI HARD-LAUNCHED MIKHAIL SCHEMM
Noon mismong October 9, sa kaarawan ni Sarah, hinard-launch niya ang rumored boyfriend na si Mikail.
"Mystery guy" pa lamang ang pagkakakilanlan ng lalaking iyon noon kung saan tinawag niya si Sarah na "wonder woman."
Mensahe ng mystery guy: "Happy birthday to this wonder woman.

Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), natunton ang account na "Schmikmikmik" sa Instagram base na rin sa reposted pictures ni Sarah.
Isa siyang isang concert executive.
Nakalagay sa profile nito ang link ng kumpanyang Third Culture Entertainment na may opisina sa Manila at Hong Kong.
Sa social media platform na Reddit, nakilala ng ilang Redditors ang katauhan ng lalaki.
Siya raw ay si Mikhail Schemm, co-founder and managing director ng CC:Concepts, isang live entertainment company
Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Sarah tungkol kay Mikhail.
Read: Has Sarah Lahbati hard-launched her rumored new boyfriend?
