Nakaranas ng minor injuries ang aktor na si Wowie de Guzman matapos bumangga sa concrete barriers ang minamanehong kotse nito.
Wasak na wasak ang harapan ng sasakyan!
Noong October 13, 2026, bandang 4:00 A.M., daw ito nangyari sa Maharlika Highway sa Brgy. San Bartolome, Sto. Tomas City, Batangas.
Ayon sa post ng ABS-CBN reporter na si Dennis Datu sa X (dating Twitter), sinabi raw ni PLtCol. Marlon Cabataña, hepe ng Sto. Tomas City Police, na inamin ng aktor na nakatulog siya habang nagmamaneho.
Galing sa Guinayangan, Quezon, ang grupo ni Wowie para sa isang out-of-town show.
View this post on Instagram
Ligtas naman ang dating aktor at ang dalawang kasamahan nito.
Read: Nikko Natividad says wife Cielo suffered miscarriage while in SG
WOWIE SHARES LATEST UPDATE
Sa bagong Instagram update ni Wowie, in-assur ni Wowie na ligtas siya at ang mga kasama.

Aniya: "Anyway, tungkol dun sa nangyari kanina, just to inform everyone, okay po ako.
"Kagigising ko lang ulit. Natulog ulit ako kasi pagod nga sa biyahe. Okay po ako.
"Wala po akong injury. Upon checking si Paolo, upon checking Jerry muna, okay siya.
"So far wala naman din siyang nararamdaman ngayon. Si Paolo, yung kaibigan ko, yung aking director, road manager or all-around assistant, wala din siya.
"Kasama sila ng buong pamilya nila."
Para sa mga fans, huwag daw mag-alala.
"Okay na okay po ako. Wag na po kayong mag-alala especially sa ating community na sobrang concern, ano? Halos lahat tumatawag sa akin. Thank you, nakaka-touch.
"Anyway, God bless. Mag-ingat po tayo. Isa po siyang aksidente na hindi natin gustong mangyari. Ang importante, wala po kaming nadisgrasya, akong nadisgrasya.
"Wala po akong nadisgrasyang tao or human being. At ganun din po kami. Wala pong nangyaring masama sa aming tatlo.
"Pray na lang po at pasalamat at tayo'y ginuide ng ating Panginoon. Maraming salamat po sa concern. Wag na po kayong mag-alala."
View this post on Instagram
Read: Pops Fernandez to receive "big gift" on her 60th birthday
