PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Public ridicule of a PWD is a crime. What are the penalties?

Public ridicule si punishable by fine and imprisonment.
by Bernie V. Franco
Published 3 hours ago
Machong Chismisan
A lawyer says naming a Person with Disability (PWD) in a podcast and mocking his condition is an example of "public ridicule." Under the law, this is considered a crime and maybe punishable by a corresponding penalty when a respondent is proven guilty in a court. Seen above is a screenshot from an episode in question of Machong Chismisan.
PHOTO/S: The Podcast Network

Labag sa batas at maituturing na krimen ang pangungutya sa isang Person with Disability o PWD.

At dahil dito, ang taong gumawa ng pang-iinsulto ay may pananagutan—multa o pagkakakulong o pareho—sakaling pormal na magdemanda ang isang complainant at mapatunayan sa korte na may sala ang respondent.

Tinalakay ang paksang ito sa Ang Sabi ng Batas sa DZMM Teleradyo ngayong October 15, 2026.

Kaugnay ito ng isyu sa isang podcast kunsaan may mga host na pinangalanan at pinagtawanan si Josh Aquino, anak ni Kris Aquino, na may kondisyong Autism Spectrum Disorder (ASD).

Umani ng matinding batikos si Tito P., isa sa limang hosts ng Machong Chismisan podcast, nang kutyain niya si Josh.

Nagbitaw siya ng “walang kuwenta” si Josh, na sinundan ng pagtawa ng ibang kasamahan niyang hosts.

Binanggit ni Attorney Noel Del Prado, isa sa hosts ng Ang Sabi ng Batas, na may nangyaring paglabag na pinangalan at pinagtawanan o ginawang katatawanan si Josh na isang PWD.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang halimbawa raw ito ng “public ridicule.”

Sa Republic Act (R.A.) 7277, o kilalang Magna Carta for Disabled Persons, ipinaliwanag ang public ridicule sa Section 39.

Ang definition sa “public ridicule” ay “an act of making fun or contemptuous initiating or making mockery of persons with disability whether in writing or in words, or in action due to their impairment/s.”

Nakasaad din dito ang penalties.

Sa unang violation, may multang PHP50,000 hanggang PHP100,000 o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o pareho.

Kung may “subsequent violation,” aakyat ang multa ng PHP100,000 hanggang PHP200,000, o pagkakakulong ng dalawang taon hanggang anim na taon.

Read:

ISSUE MORE THAN JUST PUBLIC RIDICULE OF A PWD

Idinagdag pa ni Atty. Del Prado na ang pangungutya ay ginawa sa social media kaya puwede raw itong pumasok sa cybercrime, kung kaya’t pwede raw umakyat ng “one degree higher” ang penalty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay dahil mas naipakalat ang pangungutya sa mas malaking audience online.

Binanggit din ng abogado na bagama’t above 18 years old na si Joshua, puwede pa rin siyang ipasok sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), dahil sakop dito ang mga above 18 years old pero may physical o mental condition o disability.

Ipinaliwanag din ni Atty. Del Prado kung bakit may ganitong batas laban sa pangungutya sa PWDs.

Sabi niya, “Layunin ng batas na baguhin ang isipan ng buong pamayahan, ng bawat tao. Hindi ito, kumbaga, usapang katatawanan.”

Ang sangkot daw kasi rito ay buhay ng mga tao at ang mga taong nakapaligid dito, tulad ng kanyang pamilya, na apektado ang pamumuhay sa ganitong kondisyon.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Atty. Del Prado sa inilabas na statement ni Tito P. na mayroon siyang attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD).

Hindi raw excuse ang kanyang kondisyon, pero pinaliwanag ni Tito P na may mga bagay siyang naiisip na nasasabi niya "out loud" nang hindi naiisip ang posibleng consequence nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng abogado, karapatan niya ito bilang depensa.

“Pero hindi lang naman ang kanyang posisyon ang maririnig, ang position ng depensa...

“Dito, sabihin mo sa korte. Tingnan natin o sabihin mo iyan sa public prosecutor, investigating fiscal ng preliminary investigation, [pagkatapos] tignan kung kakatigan…”

Sa kasalukuyan, walang pormal na demanda laban sa hosts ng Macho Chismisan.

WHAT HAPPENED AFTER THE CONTROVERSIAL EPISODE

Naglabas ng public apology ang pamunuan sa likod ng podcast para sa "inexcusably insensitive and hurtful" remarks na binitawan laban kay Josh sa episode.

Nagdesisyon din daw ang programa na tanggalin ang episode para matigil ang pagpapakalat ng hindi magandang impormasyong nailabas dito.

Sa hiwalay na pahayag ay humingi rin ng paumanhin si Tito, at sinabing nagsisisi siya sa kanyang naturan sa show.

Ang latest development ay nagdesisyon ang Pod Network, na siyang platform ng Machong Chismisan, na tanggalin na ang mismong podcast show dahil sa insidente.

Read: The Pod Network terminates contract with Machong Chismisan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A lawyer says naming a Person with Disability (PWD) in a podcast and mocking his condition is an example of "public ridicule." Under the law, this is considered a crime and maybe punishable by a corresponding penalty when a respondent is proven guilty in a court. Seen above is a screenshot from an episode in question of Machong Chismisan.
PHOTO/S: The Podcast Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results