Matapos ang ilang araw na pananahimik sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga podcaster ng Machong Chismisan dahil sa pang-iinsulto sa kanyang anak na si Josh Aquino, nagsalita na si Kris Aquino.
Sa kabila ng sarili niyang pinagdaraanan sa kalusugan, iginiit ng Queen of All Media na patuloy siyang lalaban para sa kanyang mga anak.
Nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 16, 2026, ibinahagi ni Kris sa Instagram ang kanyang saloobin tungkol sa isyung umani ng matinding batikos mula sa publiko.
Tinukoy niya ang mga pahayag ng Machong Chismisan hosts bilang “irresponsible at uninformed opinions.”
Nauna nang humingi ng paumanhin ang mga podcaster kina Kris, Josh, at sa buong pamilya Aquino.
Gayunman, sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Kris kung bakit hindi siya agad nagbigay ng reaksiyon sa kontrobersiya.
KRIS AQUINO ON WHY SHE STAYED SILENT
Ayon kay Kris, pinili muna niyang huwag patulan ang mga pahayag ng Machong Chismisan matapos payuhan ng isang kaibigang hinahangaan niya dahil sa wisdom nito.
Ibinahagi rin niyang may mga bagay siyang pinagdaraanan sa kanyang kalusugan na hindi niya agad isinasapubliko.
Saad ni Kris: “I have stopped giving you health updates because i’ve been afraid-— there are not so great numbers and can you believe a new autoimmune disease that’s exhibiting scary symptoms.
"I finished all the work without ever revealing that immediately after i’d have an operation.
“Many of you may have wondered why i gave no statement to what were irresponsible & uninformed opinions.
"A friend who i admire for his wisdom told me there are people i should learn not to give oxygen to, in other words ignore and the issue dies a natural death. By never stating their names, or my feelings, they didn’t get the word war from me they were expecting.
Ipinaliwanag ni Kris na mas pinili niyang huwag bigyan ng pansin ang kontrobersiya sa halip na makipagpalitan ng maaanghang na salita sa mga taong sangkot dito.
Read: Machong Chismisan podcast hosts apologize for mocking Josh Aquino
KRIS AQUINO ON HOW JOSH TAKES CARE OF HER
Bukod sa pagsagot sa isyu, ibinahagi rin ni Kris ang isang personal na detalye tungkol sa kanilang buhay sa bahay, partikular ang pag-aalaga sa kanya ng panganay na anak na si Josh.
Sa kanyang pahayag, ikinuwento niyang kasama niya si Josh tuwing afternoon siesta.
Kapag nakikita naman ni Josh na pumupunta na sa computer ang nakababata nitong kapatid na si Bimb, alam nitong oras na para sa kanyang turno.
“I haven’t felt the need to share with you what happens in our home. But to set the record straight, kuya is with me during our afternoon siesta, although mine stretches to 4 hours. When he sees Bimb going to his computer, kuya knows it’s his shift.
"And he loves to say: Mama your shoulder’s here. I sleep best with my head resting on Kuya’s shoulder and my arms wrapped around his left arm.
“It’s difficult because he can’t move but Monday to Friday kuya josh does his share to take care of his mama.
Sa kabila ng mga limitasyong kinahaharap ni Josh, pinahahalagahan daw ni Kris ang paraan ng kanyang anak upang makatulong sa pag-aalaga sa kanya.
KRIS HAS NEW HEALTH CONCERN
Sa parehong pahayag, ibinahagi ni Kris na hindi pa siya lubusang nakababawi mula sa isang operasyon.
Nagpasalamat siya sa mga doktor at nurse ng Makati Medical Center dahil iginalang ng mga ito ang kanyang privacy.
Ayon sa kanya, hindi pa natatanggal ang kanyang mga tahi.
Pagkatapos nito, nakatakda naman siyang sumailalim sa ikatlong infusion ng isang biologic immunosuppressant na nakatulong sa kanyang kondisyon.
“I want to thank the doctors and nurses in Makati Medical Center who were so respectful of my privacy.
"The sutures aren’t out yet, but as soon as they are, time for my 3rd infusion of a biologic immunosuppressant that has helped.
Humingi rin siya ng pang-unawa sa mga tagasuporta kung may mga pagkakataong hindi siya nakapagpo-post sa social media.
Aniya, may mga araw na labis ang kanyang nararamdamang sakit at kinakailangan niyang manatili sa kama ng ilang araw.
“Thank you for your prayers and words of encouragement. If i don’t post, i am in so much pain that i’m bedridden for 5 days, or if you don’t see reels—that’s the sign, i am in need of more prayers.
"I don’t want to add to your burdens, i’ve read you admire my strength, that’s because i witnessed what our mom went through to prepare us, for life without her. I was 38 when she joined our maker."
KRIS WILL NOT GIVE UP FOR HER SONS
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaraanan, malinaw sa huling bahagi ng pahayag ni Kris ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban.
Ipinunto ni Kris na kailangan pa ni Bimb ng panahon upang maging handa sa responsibilidad na alagaan ang kanyang kuya Josh sa hinaharap.
“Bimb still needs more years to be ready for his lifelong responsibility of taking care of his kuya josh. That’s why ang mama nila hindi pa pwedeng isuko ang laban.”
Read: Machong Chismisan issues new apology over Josh Aquino mockery
View this post on Instagram
MACHONG CHISMISAN CONTROVERSY
Nag-ugat ang kontrobersiya sa isang episode ng Machong Chismisan kung saan pinagtawanan at ininsulto ng mga host si Josh, na may autism.
Umani ng matinding batikos ang kanilang mga pahayag mula sa netizens at iba't ibang personalidad.
Dahil sa backlash, humingi ng paumanhin ang mga podcaster at kalaunan ay naglabas pa ng panibagong public apology.
Inamin ng grupo na hindi katanggap-tanggap at nakasasakit ang kanilang naging asal at pananalita.
Sinabi rin nilang tinanggal na nila ang content na may kaugnayan sa kontrobersiyal na episode at handa silang matuto mula sa mga organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng mga taong may kapansanan.
Samantala, iniulat ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na iniutos ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag ang pagsisiyasat sa mga podcaster kaugnay ng insidente.
Nagkaroon din ng iba pang mga reaksiyon mula sa entertainment industry, kabilang ang paninindigan ng ilang personalidad na hindi sapat ang paghingi lamang ng tawad.
Iniulat din na tinapos ng The Pod Network ang kontrata nito sa Machong Chismisan kasunod ng kontrobersiya.
Sa gitna ng mga pangyayaring ito, ngayon lamang direktang nagbigay ng pahayag si Kris tungkol sa isyu.
Related Stories:
- Public ridicule of a PWD is a crime. What are the penalties?
- NBI director orders probe into Josh Aquino mockery controversy
- Mark Leviste: Apology not enough over Josh Aquino mockery
- Mark Leviste: Apology not enough over Josh Aquino mockery
- Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode?
- Machong Chismisan podcast hosts apologize for mocking Josh Aquino
- Boy Abunda backs Kris Aquino if she sues podcast hosts over Josh
- PEP Rewind: Kris Aquino on what she's going to do to bashers