Pumanaw ang modelo at aktor na si Randy See dahil sa car accident noong Sabado ng umaga, October 17, 2026.
Si Randy, na ang buong pangalan ay Randy Morton See Cailles, ay 34.
Kinumpirma ng misis ni Randy ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Instagram post.
Nakasulat sa wikang Chinese ang mensahe ng asawa ni Randy na ang English translation ay: "I am Randy's wife, Dongen.
"I want to inform everyone of a sad news.
"This morning, early in the morning, Randy was involved in a car accident in Manila and has already passed away.
"A farewell ceremony is currently being held in Manila.
"Thank you to all the friends who love Randy.
"He still lives in everyone's memories and hearts."
Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey
View this post on Instagram
MR. CHINATOWN PHILIPPINES 2013 WINNER
Si Randy ay produkto ng Mr. and Miss Chinatown Philippines, kung saan nanalo siya noong inaugural edition nito noong 2013.
Kagaya ng Kapuso star na si David Licauco, na dati ring sumali sa nasabing male pageant, naging tulay ang Mr. and Miss Chinatown Philippines para mapasok ni Randy ang mundo ng showbiz.
Napanood si Randy sa 2014 hit horror film na Feng Shui 2 at comedy movie na Beauty and the Bestie nung 2015.
Lumabas din bilang host si Randy para sa home shopping network na O Shopping.
Naging regular si Randy sa mga fashion events, kabilang ang Philippine Fashion Week, bukod pa sa paglabas niya sa commercials at product campaigns.
Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang kaarawan si Randy sa darating na Huwebes, October 22.
Read: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice