Kalmadong pinalagan ni Ruffa Gutierrez ang ilang posts sa Facebook at YouTube na nagsasaad na may masamang nangyari sa kanyang inang si Annabelle Rama.
Sa Facebook ngayong Lunes, October 19, 2026, nagbahagi si Ruffa ng mensahe tungkol sa nakarating sa kanyang balita.
Mahihinuhang tungkol sa kondisyon ng inang si Annabelle ang mga fake news.
Pakiusap ni Ruffa: "To all content creators, I sincerely hope we can use our platforms to spread truth, kindness, and positivity rather than misinformation and hate.
"Spreading false stories and damaging someone’s reputation for the sake of views and engagement is never right.
"Walang katotohanan ang mga kumakalat na balita. MY MOM IS ALIVE & KICKING!!"
Hinikayat din niya ang content creators na maging responsable sa mga ibinabahagi nilang content dahil malaki raw ang epekto ng mga pekeng balita sa pamilya ng mga taong nakakaladkad sa mali at malisyosong usapin.
"Let us be more responsible with the stories we choose to share. Words have power, and behind every headline are real people and families who can be deeply affected.
"Let us choose truth over rumors, kindness over cruelty, and integrity over attention.
"A little more respect and compassion can go a long way.
"Maraming salamat po," saad ni Ruffa.
Read: Bela Padilla, Martin Tan seen together after breakup
THE FAKE POSTS ABOUT ANNABELLE rama
Kahapon, October 18, may nag-post sa Facebook ng breaking news umano tungkol kay Annabelle.
Sumakabilang-buhay na raw ito at nag-iwan pa ng kanyang last will and testament.
Ang nakakagulat pa raw na balita, hindi umano nito pinamanahan si Ruffa.
Nakasaad sa fake news: "BREAKING NEWS: RUFFA GUTIERREZ, NAGING EMOSYONAL SA PAGKAWALA ANNABELLE RAMA?!
"Isang malaking gulat at pambihirang talakayan ang muling yumugyog sa mundo ng Showbiz Philippines matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa diumano'y huling habilin (Last Will and Testament) ng pambansang talent manager at matriarch ng pamilya Gutierrez na si Annabelle Rama.
"Ayon sa mga usap-usapan sa showbiz circles, nakapaloob sa nasabing dokumento ang isang desisyong nag-iwan ng malalim na tanong at reaksyon mula sa publiko: ang eksklusyon o hindi paggawad ng mana sa kanyang panganay na anak na babae, ang kilalang aktres at TV host na si Rufa Gutierrez."
Sa YouTube ay may kahalintulad ding balita kahapon din.
Ganito rin ang post sa YouTube noong March 2026.
Pagtatama ng isang netizen: "No, Annabelle Rama is not dead. She is alive and currently 73 years old."

Read: Claudine Barretto to file cyberlibel complaint vs. Cristy Fermin
