PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Schweighart draws flak for "homophobic" remarks

Imelda Schweighart claims gays are dissing her pageant loss and miscarriage.
by Rachelle Siazon
Published 7 hours ago
Imelda Schweighart calls gays "one-sided, entitled"
Imelda Schweighart claims gay bashers are mocking her miscarriage and pageant loss; netizens school her about her sweeping remarks about LGBT community.
PHOTO/S: @imee.schweighart.79 Facebook

Kontrobersiyal ang mga binitiwang salita ni Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart laban sa gays na tinawag niyang "one-sided" at "entitled."

Sa kanyang Facebook post noong October 18, 2026, nagbahagi si Imelda ng mensahe tungkol sa tingin niya'y wala raw sa hulog na pakikipaglaban ng gays sa mga karapatan nito.

Bukod sa pasaring sa gays, idinawit niya ang "Black Lives Matter" na kapareho raw ng galawan ng gays.

Ang Black Lives Matter ay isang kilusang nabuo sa U.S., na layuning labanan ang kapootang panlahi, partikular na ang karahasan laban sa black people.

Pahayag ni Imelda (published as is): "One sided ang mga bakla noh? Parang black lives matter.

"They can attack you, but you are not allowed to fight back. Entitled masyado, na para bang pag mamay ari nila pagkatao opinyon ng sangkatauhan."

Sabay dugtong niya: "Hoy, remember, be humble and remember that you are gay because of your sexual preference NOT because you wanna save the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Educate yourselves that being gay is all about sex."

Patutsada rin niya: "Be humble hindi yung mukha ka na ngang parody ng babae, ugali mo bakulaw pa."

Imelda Schweighart expresses stand about gays

Kinabukasan, October 19, naglabas siya ng mahabang Facebook post tungkol sa mga aniya'y nangutya sa kanya na siya ay "unplaced" beauty queen.

Kaugnay raw ito ng pagkatalo niya sa mga sinalihang international pageants, kabilang ang Miss Grand International (MGI) All Stars noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakapasok si Imelda sa Top 18 ng MGI All Stars.

Umalma si Imelda dahil idinamay pati raw ang dinanas niyang miscarriage.

Noon lamang Hunyo ay isinapubliko ni Imelda na nalaglag ang ipinagbubuntis niya isang araw bago ang coronation night ng MGI All Stars.

Ayon kay Imelda: "Natalo daw ako ng bakla sa 'pageant' kasi PANGIT daw ako at mas babae pa ang nagpa sex change at retoke sa akin may kaakibat pa na madulas matres at karma ang pagka laglag ng anak ko sa stage sabi ng mga bading.

"Women could never say this to another woman.. men, sympathize.. but gays? Wala silang empathy.

"Sobra kayo mamuna ng totoong babae tapos kayo bawal punahin dahil you enforce your power. Your manly power lumalabas.. why fight with a woman?"

Sa puntong ito, naglabas ng saloobin si Imelda sa diumano'y sistema sa pagpili ng winner sa beauty pageant.

"Is beauty pageants about beauty? Oh come on.. mas maganda pa mga HINDI nananalo sa 'winner ng mga bakla'.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ayaw niyo malamangan kaya yung ipapanalo niyo mga FLAT, lesbian, or payatot na walang shape. Yung walang attractiveness level waley.. and you sell them like salesmen. But we have eyes.. maganda pa mga babae sa probinsya.

"It all boils down to the gays being the BIDA. Pageant niyo yan eh, kayo nag produce, kayo nag pagod. Alangan ang ipanalo niyo yung tunay na maganda? Edi malalamangan kayo.

"Kaya huwag niyo ako sinisimulan na kesyo unplaced. The crown is bought.. if not, you adulterate the result, gays.

"Alam ng lahat ng tumatanggap ng judging jobs, na hindi yung ipinanalo namin ang nananalo. Kaya dont hire a judging board as props."

Dugtong ni Imelda: "Tama na kayo. Below the belt na. Pati anak ko inaangkin niyo at gusto niyo patayin. Ang irresponsible niyo.

"Dahil lang sa kadahilanan na? You are men. And your misogyny is worse than a man. So much hatred towards women.. but you wanna be women.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You wanna use being a woman as skin tapos wawasakin niyo yung kinaiingitan niyo pagkatapos niyo gayahin."

Bahagi rin ng post ni Imelda noong October 19 ay ang opinyon niya sa pagsali ng gays sa beauty pageants.

Aniya: "SA PILIPINAS MO LANG MAKIKITA NA CELEBRATED ANG PAGSALI NG BAKLA SA PAGEANT NG MGA BABAE.

"Gays and TRANS are men. They are stronger than women physically because of physiology."

Read: Sarah spotted at Regine’s Finale concert amid pregnancy rumors

IMELDA SCHWEIGHART SWEEPING STATEMENTS VS. GAYS

Sa mga sumunod niyang pahayag, sweeping o general ang mga patutsada niya sa gays.

Sunud-sunod na post ni Imelda sa kanyang Facebook page:

"How to know if a comment is irrelevant these days? Kapag galing sa bakla. What do they know about empathy? They wanna compete with women period. Piliin niyo kasi boys!

"Maraming straight men na takot sa bakla. Bakit? Who will protect the pinays? Pag kami sinampal sampal ng bading out of jealousy? What would our filipino men do?

"Pills dont make you a woman, n****

"Pills make you cray. Cut it out. Its okay to be borta."

Imelda Schweighart expresses stand about gays

Tila nang-iinis pa si Imelda na hinamon ang gays na atakehin siya sa comments section ng kanyang post.

Tingin niya, ang "goal" ng "LGBT" ay sirain siya.

Imelda Schweighart expresses stand about gays

Read: Heat cramps, heat exhaustion, heat stroke: What you need to know

Hindi rin sang-ayon si Imelda sa paggamit ng gays ng CR na para sa mga babae dahil "we don't know if you have AIDS."

Post niya: "Kailangan nila ng sariling CR.

"I will complain to the manager and ask for refund if I see you in women’s bathrooms in public. You ae a risk to women and children’s health."

Dagdag niya, "Pia wurtzbach an advocate of AIDS awareness, dapat gumawa sya na CR for u guys."

NETIZENS OPPOSING IMELDA SCHWEIGHART

Dahil sa kanyang posts, marami ang nag-react na netizens, partikular na mula sa LGBT community.

Tinawag na "homophobic" ang mga tinuran ni Imelda.

Paliwanag ng netizens na kontra sa pahayag niya, hindi maituturing na "one-sided" o special treatment ang paghingi ng respeto, kaligtasan, at karapatang mamuhay nang walang diskriminasyon.

Hindi raw entitlement kundi "self-defense" ang pagsagot ng gays sa mga pagkakataong inaatake ang pagkatao ng mga ito.

Mali rin daw ang sinabi ni Imelda na "being gay is all about sex" kundi pagsulong sa "equality" anuman ang kasarian.

Kinuwestiyon pa ng netizens ang intensyon ni Imelda sa pagsabi sa gays na "be humble" at pagkatapos ay ito raw mismo ay nangmamaliit ng gays.

Kung gusto raw ni Imelda na respetuhin siya ay matuto rin daw itong rumespeto ng kapwa.

May iba pang netizens ang nagsabing sinusubukan nilang intindihin ang pinanggagalingan ni Imelda sa mga tinuran nito.

Kung mayroon man daw masamang karanasan si Imelda sa LGBT community ay posibleng iyon daw ang ugat ng saloobin ng beauty queen.

Sabi pa ng ibang netizens, "below-the-belt" ang pandadawit pati sa anak ni Imelda.

Pero hindi raw sana lahatin ni Imelda ang LGBT community.

Hindi naman daw nire-represent ng buong LGBT community ang mga nanakit sa kanya.

Sabi pa ng isang netizen, ang kawalan ng respeto at pagiging unkind ay hindi nakabase sa kasarian kundi sa karakter ng tao.

Pagdating sa resulta ng pageants, kung may isyu raw si Imelda ay iapela niya ito sa tamang forum at siguraduhing mayroon itong sapat na ebidensiya.

Mismong ang pahayag daw kasi ni Imelda ay may kaakibat na "body-shaming" maging sa mga kapwa nito babae na tinawag nitong "flat at payatot."

Hindi rin daw tama ang paghasik ni Imelda ng stigma laban sa mga taong may AIDS, lalo pa't hindi nalilipat ang AIDS o HIV sa paggamit ng shared restrooms.

Read: Machong Chismisan's Tito P cites ADHD, bipolar disorder in skipping NBI invitation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imelda Schweighart claims gay bashers are mocking her miscarriage and pageant loss; netizens school her about her sweeping remarks about LGBT community.
PHOTO/S: @imee.schweighart.79 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results