PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MGI pulls six Southeast Asian candidates from Miss Universe 2026

Thailand, Vietnam, Malaysia among six nations skipping Miss Universe 2026.
by Erwin Santiago
Published 6 hours ago
miss universe 2026 southeat asian candidates
Miss Grand International says Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, and Laos will not send candidates to Miss Universe 2026 amid the ongoing dispute between Nawat Itsaragrisil’s Miss Universe Eastern and the Miss Universe Organization. From left: Miss Universe Thailand Tharina Botes, Miss Universe Vietnam Nguyen Quynh Anh, Miss Universe Malaysia Eunice Wong, and Miss Universe Singapore Vion Erico Tan.
PHOTO/S: Instagram

Hindi na magpapadala ng mga kandidata ang anim na Southeast Asian countries sa 75th Miss Universe pageant na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico, sa November 24, 2026.

Kinumpirma ito ng Miss Grand International (MGI) sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas nitong Miyerkules, October 21

Ito ay kasunod ng patuloy na sigalot sa pagitan ng Miss Universe Organization (MUO) at ng Miss Universe Eastern (MU East), na pinamumunuan ng Thai pageant executive na si Nawat Itsaragrisil.

Ang anim na bansang hindi magpapadala ng kanilang representatives ay Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, at Laos.

Ayon sa MGI, napagpasyahan nilang huwag nang ipadala ang mga kandidata mula sa anim na Southeast Asian countries dahil walang katiyakan kung kikilalanin ang kanilang eligibility at mabibigyan sila ng pantay, ligtas, at marangal na pagtrato sa international competition.

Binigyang-diin ng organisasyon na ang desisyon ay hindi nangangahulugang kusang umatras ang mga kandidata o isinuko ng MGI ang mga karapatan nito sa ilalim ng mga umiiral na franchise agreements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip, sinabi ng MGI na patuloy nilang poprotektahan ang mga karapatan, dignidad, at kapakanan ng national representatives.

Kabilang sa mga kandidatang maaapektuhan ng desisyon ang mga sumusunod: Tharina Botes ng Thailand, Nguyen Quynh Anh ng Vietnam, Eunice Wong ng Malaysia, at Vion Erico Tan ng Singapore

Samantala, wala pang nakumpirmang 2026 candidates mula sa Indonesia at Laos.

Narito ang buong pagayag ng MGI:

mgi statement on miss universe 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss Universe Organization bars six Nawat-backed candidates

HOW DID THE ISSUE BEGiN?

Nagsimula ang isyu noong September 18, nang maglabas ng statement ang JKN Universe LLC, ang kumpanyang nagpapatakbo sa Miss Universe brand, na hindi nito kinikilala ang franchise agreements para sa anim na Southeast Asian countries.

Ayon sa naturang pahayag, walang sapat na awtoridad ang Miss Universe Eastern Pte. Ltd. na magbigay o maglipat ng licensing rights para sa Miss Universe brand.

Dahil dito, idineklara ng JKN Universe na hindi eligible ang mga kandidata mula sa anim na bansa na lumahok sa Miss Universe 2026.

Hindi ito tinanggap ni Nawat, CEO ng Miss Universe Eastern, na nagpumilit na may bisa ang kanilang franchise agreements at may karapatan silang magpadala ng mga kandidata sa international pageant.

Sa isang naunang pahayag, iginiit din ng MU East na ang Miss Universe business ay may 50-50 ownership structure sa pagitan ng MU East at MU West sa pamamagitan ng JKN Legacy Inc.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa MU East, hindi nito tinatanggap ang pahayag na nagdedeklarang hindi valid ang franchise agreements ng anim na bansa.

Iginiit din nitong hindi maaaring unilateral na kanselahin ang mga umiiral na kasunduan sa pamamagitan lamang ng isang public statement.

Dahil dito, naging sentro ng sigalot ang interpretasyon ng mga partido sa kani-kanilang karapatan, awtoridad, at responsibilidad sa pagpapatakbo ng Miss Universe brand.

Read: Nawat defies MUO; says Vietnam will join Miss Universe 2026

NAWAT VS. MISS UNIVERSE ORGANIZATION

Si Nawat ang namumuno sa Miss Universe Eastern, ang operating company na itinalaga ng MU East para sa mga operasyon nito sa 95 Eastern territories.

Sa kabilang panig, ang JKN Universe LLC, na nagnenegosyo bilang Miss Universe Organization, ay iginiit na nasa ilalim nito ang legal authority para sa licensing ng Miss Universe brand.

Dahil sa magkaibang posisyon ng dalawang panig, naging hindi tiyak ang estado ng mga kandidata mula sa Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, at Laos, kahit na ang ilan sa kanila ay nanalo na sa kanilang national pageants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa una, iginiit ni Nawat na tutuloy sa Puerto Rico ang anim na kandidata sa kabila ng pahayag ng JKN Universe.

Ngunit sa bagong statement ng MGI noong October 21, nagbago ang kanilang desisyon: hindi na nila ipapadala ang mga representative sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon.

Nilinaw ng MGI na ang hindi paglahok ng anim na bansa ay hindi dapat ituring na kusang pagsuko sa kanilang franchise rights o sa national titles ng mga kandidata.

Sa halip, ayon sa organisasyon, mananatili sa kanilang mga posisyon ang national titleholders at maaari pa rin nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang bansa.

Nakaiskedyul ang 75th Miss Universe pageant sa November 24, 2026, sa San Juan, Puerto Rico.

Read: Miss Universe Thailand 2026 names Catriona Gray her inspiration

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Grand International says Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, and Laos will not send candidates to Miss Universe 2026 amid the ongoing dispute between Nawat Itsaragrisil’s Miss Universe Eastern and the Miss Universe Organization. From left: Miss Universe Thailand Tharina Botes, Miss Universe Vietnam Nguyen Quynh Anh, Miss Universe Malaysia Eunice Wong, and Miss Universe Singapore Vion Erico Tan.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results