PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes speaks about fixing issues in Coco Martin's company

Julia still optimistic: "Sabi nga po namin ni Coco, it’s a beautiful disaster."
by Gorgy Rula
Published 1 Hour ago
Julia Montes opens up about working as finance head of Coco Martin's film company and how she's on top of fixing its current finance issue.
Julia Montes on staying optimistic amid production issue in Coco Martin's film company: ""Masakit. It’s a betrayal. But at the end of the day, ang sarap sa pakiramdam na ang dami rin pong tumutulong sa amin, especially ABS-CBN."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @montesjulia08 Instagram

Si Julia Montes na ang tumatayong co-producer at head ng finance sa CCM Film Productions, ang film company na pag-aari ni Coco Martin.

Katuwang ng ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment ang CCM Film Productions sa pagprodyus ng Sigabo, ang ongoing primetime series na pinagbibidahan nina Coco at Julia.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Julia na kakaibang challenge sa kanya ang admin duties niya sa Sigabo, lalo na’t marami raw siyang dapat ayusin sa produksyon.

"Siyempre, we’re doing production po ngayon, and then nag-aartista pa. Pero masarap sa pakiramdam kapag may natatapos ka, and nakikita mo na naging successful. So, laban lang," bungad ni Julia.

Sabay sabi rin niya, "Pero marami pong challenges. Pero yun naman po. I’m just really happy and lucky na nandiyan po ang ABS-CBN, nakasuporta rin."

Ano ang pinagkakaabalahan niya sa production?

"Typical na nangyayari po sa production, saka sa finance din po. Ako rin po ang finance head. So, medyo dual role tayo dito. Parang doble-kara lang," napangiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Julia na may problema sa CCM Film Productions na dapat ayusin.

Binanggit ng aktres na naaabuso raw ang pagiging mapagbigay ni Coco, kaya siya na ngayon ang humaharap at nag-aayos nito.

"Yes po. I really checked, kasi pinaghirapan po ni Coco lahat na nilalabas din po talaga ng kumpanya.

"Ang lagi pong iniisip, kung ano yung values ni Coco. Mapagbigay kasi si Coco. Pero, fair lang sana. Kasi masyado nang naabuso si Coco ng maraming tao.

"So, ang goal ko lang po talaga, kung ano yung tama, ibibigay. Kung ano yung, 'Teka lang, pag-isipan muna.'"

Hindi idinetalye ni Julia, pero may kinalaman sa finances ng produksiyon ang hinarap na hamon ng CCM.

Pahayag niya: "Malaki po ang nawala at hindi po madali yung journey. Pero we’re very happy and we’re very blessed pa rin at the end of the day.

"Kasi ang sabi nga po namin ni Coco, it’s a beautiful disaster."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nananaig kay Julia ang maging positibo kahit aniya'y mahirap ang dinaanang problema ng kumpanya.

"Masakit. It’s a betrayal," pag-amin niya.

Sabay diin niya: "But at the end of the day, ang sarap sa pakiramdam na ang dami rin pong tumutulong sa amin, especially ABS-CBN.

"We’re really guided sa bagong pinapasok naming negosyo.

"Hindi siya madali. Pero may tumutulong para mas maaral pa naming yung industriya.

"Yes po. Hopefully, tuluy-tuloy pang maging maayos."

Totoo bang may mga tinanggal silang tao sa kanilang film production?

"Parte po yun kapag may mga kailangan pong ayusin,” safe niyang sagot sa awtor na ito.

Nakausap ng PEP si Julia pagkatapos ilunsad ang bagong supplement na Swiss Proli Cell White+, ang negosyo niya kasama ang chemist na si Pinky Tobiano at manager na si Mac Merla.

Ginanap ang event Biyernes ng gabi, October 23, 2026, sa Galio Events Hall sa Pasay City.

Read: Inside BTS Manila comeback: Rhiza Pascua shares exclusive details

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WEDDING TALKS

On a brighter note, humirit ang awtor na ito kung handa na si Julia sakaling isa sa mga araw na ito ay lumuhod na si Coco sa harapan niya at mag-propose ng marriage.

"Pag-isipan po natin yan," napangiti niyang reaksiyon.

"Pero kung handa naman po, basta si Coco yan, oo naman siyempre,” dagdag niyang pahayag.

Biniro pa rin namin na dahil sa closeness nila ni Pinky Tobiano, malamang na isa ito sa ninang sa kasal kung sakali.

"Siyempre!” natatawang sagot ni Julia.

"With blessings," malumanay na saad ni Pinky, na nasa tabi ni Julia.

Nakasama sa cast ng Sigabo si Pinky at inilarawan niya kung paano katrabaho ang partner ni Julia na si Coco.

Dagdag ni Pinky: "Alam mo sa set ng Sigabo, I’m so proud of Coco. Mga kasama ko, mga dating artista na binigyan niya ng pagkakataon na magkaroon uli ng pag-asa sa buhay. Iyan si Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Coco is such a good man. Alam mo, si Coco, isa sa mga taong hinahangaan ko.

"Ang puso niya para talaga sa mga taong nangangailangan."

Read: Robi Domingo confirms reconciliation with John Lloyd Cruz

JULIA MONTES AS ENTREPRENEUR

Masaya pang ibinahagi ni Julia na maganda ang negosyong tinayo nila ni Pinky, ang Swiss Proli.

Isa sa tatlong variants ng brand ang Swiss Proli Cell White+, na ayon sa kanila ay kauna-unahang stem cell glutathione gummy supplement sa bansa.

Ilan sa mga taga-Sigabo na namataan sa event ay sina Edu Manzano kasama ang napabalitang girlfriend nito, si Arci Munoz, JC de Vera, Katherine Luna, at Carmi Martin.

"Actually, hindi lang po ito, e.Next year po, marami pa pong lalabas na lines. So, abangan pa po nila kasi pinaghahandaan po namin," pagbabalita pa ni Julia.

Natutuwa at namamangha raw si Coco sa dedikasyon niya bilang CEO ng naturang brand.

"Actually, napa-proud po siya. Saka ang tanong niya, paano ko nakakaya,” sambit nito.

May iba pa raw negosyo siyang gustong simulan.

"Medyo kiti-kiti po kami pareho," tukoy niya kay Pinky.

"Lagi naming mindset, basta trabaho, trabaho lang.

"Mas makapag-ipon pa at makapagprepara pa sa dapat preparahan in the future.

"Marami pa po kaming business na pinapasok."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes on staying optimistic amid production issue in Coco Martin's film company: ""Masakit. It’s a betrayal. But at the end of the day, ang sarap sa pakiramdam na ang dami rin pong tumutulong sa amin, especially ABS-CBN."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @montesjulia08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results