Nagpahayag ng suporta ang ilang mga kasamahan ni Alden Richards sa showbiz sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ng aktor.
Kaugnay ito ng mga akusasyon ng social media personality na si Xian Gaza laban sa aktor, na umano’y nanloko at nagsamantala sa kabaitan ng ibang tao.
Sa isang Facebook video ay sinabi ni Xian na tumanggi ang aktor na lisanin ang isang condominium unit na umano’y ipinagamit sa kanya ng isang mayamang mag-asawang negosyante.
Inakusahan din niya ang aktor ng hindi pagsasauli ng anim na mamahaling relo na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.
Humihiram din umano si Alden ng mga mamahaling gamit na ginagamit nito sa showbiz events, at nababahala raw ang mag-asawa kung maibabalik pa ba ang mga ito.
Sa ngayon ay wala pang direktang sagot si Alden o ang kampo nito sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.
Kung tahimik si Alden so far tungkol sa isyu, hindi naman ito pinalampas ng mga kaibigan at kasamahan niya sa showbiz.
AI-AI DELAS ALAS
Sa isang Instagram post ay sinabi ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas Alas na lubos na matulungin ang aktor at ayaw nitong isinasapubliko ang ginagawang pagtulong.
Sabi ni Ai-Ai sa kanyang post (published as is): "Matagal na kami close neto ni david (marami ako tawag dyan kung ano anong name hahaha) .. napaka neto sa maraming bagay napaka harot generous mabait sensitive sa mga pangangailangan ng mga kasama nya sa industriya lalo na sa mga kaibigan nya.. maiinis to kasi ayaw nyang sinasabi mga naitulong nya.."
Ikinuwento rin ni Ai-Ai ang isang hindi niya malilimutang kabaitan na ipinakita sa kanya ng aktor.
"Anyways matagal na to may restaurant ako dati sa may abs tapos pumunta sya then kinausap nya ko ipa renovate naten to ms ai nyek sabi ko bago pa naman sabi nya basta ayun kinabukasan may architect and everything na .."
Dugtong pa ng komedyante: "nakakaloka yan sobrang ma surprise pero ayaw nya yang sinasabi secret lang namin parate so ngayun hindi na ..."
Sa huli ay nagpahayag si Ai-Ai ng suporta kay Alden sa pamamagitan ng isang mensahe.
"Labyu david God bless you always .. dito lang ako always lalo na pag nasira ang zipper ng jacket mo haha tyatyagain ko yan hanggang tapos na ang show maayos ko yan @aldenrichards02"
View this post on Instagram
Read: Alden Richards: “Alam ko, at the end of the day, I am a good person.”
BETONG SUMAYA
Pinatotohanan din ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang pagiging mabait at matulugin ni Alden.
Saad ni Betong: "Ika nga ni Maey dati sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown .. Wag si Alden, napakabait na tao nito
"Hindi maramot at marunong tumulong sa kapwa
"Alam kong ayaw nyang kinukuwento ang mga naitulong nya sa iba pero ngayon uulitin ko na ilang beses nya na akong tinulungan pati ang pamilya ko
"Tulong na di mo inaasahan pero nandyan sya
"Noong nagkasakit ang kapatid ko na si Allan isa sya sa nagbigay ng financial assistance
"Noong nag Live selling ako noong pandemic bigla nyang pinakyaw lahat ng mga tinda ko na di naman nya kailangang gawin"
Dagdag pa niya: "Hinding-hindi namin makalilimutan itong kabaitan mo
"Alam kong marami ka pang ibang tinulungan dahil marunong kang magshare ng blessing mo sa iba
"Kaya please tigilan nyo si Alden
"So again 'You Better Shut Your BADBREATH MOUTH'"
KENNETH MEDRANO
Samantala, ang That's My Bae winner na si Kenneth Medrano ay may parehong karanasan din kay Alden, na nakatrabaho niya noon sa noontime show na Eat Bulaga!.
"Noong nalaman kong kailangan kong operahan dahil sa testicular cancer, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong. Hindi lang siya ang tumulong sa akin. Marami pa sa industriya ang nag-abot ng tulong, pero pinili nilang huwag nang magpabanggit," saad ni Kenneth sa isang Facebook post.
"Sa inyong lahat, maraming salamat. Hindi ko makakalimutan ang kabutihan ninyo.
"Nakakalungkot lang na kung sino pa ang nakilala mong mabuti at matulungin, siya pa ang nasisira ang pangalan.
"Ang masakit, ang daming paratang na kumakalat na hindi pa naman napapatunayan. Sana bago tayo maniwala at manghusga, alamin muna natin ang totoo.
"Hindi ko sinasabing perpekto siya. Ang sinasabi ko lang, alam ko kung paano niya ako tinrato, at hindi ko kayang manahimik habang nakikita kong sinisiraan ang taong minsan nang tumulong sa akin."
JERALD NAPOLES
Isa rin sa mga nagpahayag ng suporta kay Alden ay ang kaibigan nitong si Jerald Napoles.
"Not every act of kindness is seen by the world. Not every good deed is remembered by people. And not every heart is understood by those who judge it," saad ni Jerald sa Facebook.
"But God sees what others don’t. He knows the intentions behind every action, the kindness given in silence, and the truth that no one else can fully see."
Paalala ng aktor para sa lahat: "May we always choose grace over judgment, and truth over noise."
MICHAEL BRISTOL
Ang aktor at host na si Michael Bristol ay hindi rin naniniwala sa mga akusasyon laban kay Alden.
"Three McDonald’s franchises. Multiple restaurant businesses. Real estate investments. His own production company. A billion-peso box-office hit. And recognized by the BIR as one of its top taxpayers.
"These are documented achievements, not anonymous stories," sabi ni Michael sa kanyang Facebook post.
"Some people spend years building an empire. Others spend their time building an audience out of other people’s names."
Read: Julia Montes speaks about fixing issues in Coco Martin's company
LHAR SANTIAGO
Maging ang GMA Network entertainment reporter na si Lhar Santiago ay dinepensahan din si Alden laban sa mapanirang akusasyon.
Sa isang Facebook post ay sinabi ni Lhar na "mabuting tao" si Alden at ikinalulungkot niya ang "mga walang basehang isyu na ibinabato sa kanya."
Sambit ni Lhar: "One thing I noticed about him was his kindness. He’s such a caring person. He’s also very humble.
"Kaya naman nang sumikat siya at magkaroon ng malaking pangalan, isa ako sa mga sobrang natuwa.
"What’s good about Alden is he remained humble and kind-hearted.
"He is also so appreciative pag may nagawa kang maganda sa kanya. Thank you ng thank you.
"Alden is not the type of person na manloloko ng kapwa. Alden values his integrity.
"He helps a lot of people pero hindi siya nag-iingay. No fanfare, just extending a helping hand."
ATTY. JESUS FALCIS
May mga katanungan naman ang abogado at radio broadcaster na si Jesus Falcis sa mga paratang laban kay Alden.
"Why would a rich married couple financially support Alden Richards for 8-10 years and let him stay in the couple's condo rent for free or let him borrow and keep luxury watches without expecting anything in return?" tanong nito.
Pagpapatuloy ng abogado: "If a story sounds too good to be true, then it's not true.
"If Alden Richards kept 6-8 luxury watches and did not return them, why wouldn't a rich millionaire/billionaire couple not sue and file cases for theft or robbery?
"Use your kokote."
OGIE DIAZ
Ganito rin ang posisyon ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz.
"Nagtataka lang ako. Bakit kailangang pabanatan si Alden Richards dahil hindi nila mabawi sa aktor ang condo at mga relo?" sambit ni Ogie.
"Kung totoo lahat ang paratang, bakit di kayang bawiin? Dahil dun pa din ba nakatira si Alden hanggang ngayon?"
"May cctv naman yung may-ari ng condo, na-check ba niya kung anong year huling tumuntong doon si Alden?"
"Kanya ang condo, siya ang may-ari. Di pala nagsosoli ng mga relo, eh bakit hindi mo idemanda?"
"So para mabawi mo yung condo, kailangan mong pabanatan sa ibang tao si Alden na itinuring kang pamilya?"
"Ba’t di itanong ng may-ari ng condo sa sarili niya kumbakit naputol o pinutol ni Alden ang pagturing sa kanila bilang kapamilya?"
Dugtong pa ni Ogie, "Andaming negosyo ni Alden; ilan ang bahay, ilan ang condo - so ba't naman niya aangkinin ang condo na di naman kanya at ayaw pa niyang umalis doon talaga, huh! Hahahaha!"
Kilala raw ni Ogie si Alden bilang mabait na tao at marunong tumanaw ng utang na loob.
At gaya ng sinabi ng iba pang kasamahan nila sa showbiz, matulungin daw si Alden at ayaw nitong pinagsasabi ang mga kabutihang ginagawa nito.
"Anyway, baka yung iba, nakataas ang kilay kumbakit ko idinedepensa si Alden ha? Walang kalaban-laban, hindi lang kumikibo, pero pinanggigigilan."