Sa gitna ng confinement ng child actor na si Angelo Teves sa ospital ay nakuwestiyon kung sino talaga ang kanyang guardian.
Unang naiulat sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagtamo ng walong saksak ng balisong si Angelo noong Oktubre 12, 2026, sa Barangay Payatas, Quezon City.
Ilang araw siyang nanatili sa ICU sa isang ospital sa Quezon City, bago ito nailipat sa regular room ilang araw ang nakararaan.
Base ito sa nagpakilalang "kuya" ni Angelo na si Matthew Johann Satira.
Si Matthew ang nanawagan sa social media na nangangailangan ng blood donor si Angelo noong kasagsagan ng kritikal na kondisyon nito.
Read: Angelo Teves stabbed; brother Matthew Johann calls for justice
Pero sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), kagabi, October 25, 2026, umalma ang nagpakilalang tiyahin ni Angelo na si Emelinda Patata, na "Ma" kung tawagin ni Angelo.
Nagsinungaling daw si Matthew dahil hindi ito ang tunay na guardian ni Angelo.
"Ang sabi brother daw niya si Angelo. Gamit pa niya ang Teves, kapatid daw niya," pahayag ni Emelinda.
Nang kailangan daw operahan si Angelo ay nagkaproblema pa raw si Emelinda sa mga dokumento dahil sa naunang dokumento ay nakapirma si Matthew bilang guardian ng bata.
Kinailangan daw pumirma ni Emelinda ng maraming dokumento para mapatunayang siya ang tunay na guardian.
Si Emelinda ang tumatayong guardian ni Angelo sa Manila.
Ipinaliwanag naman ni Matthew sa KMJS na totoong hindi siya tunay na kapatid ni Angelo, kundi malapit na kaibigan lamang.
Nagkakilala raw sila online dahil pareho silang naglalaro ng online games.
Ayon kay Matthew, napilitan siyang magpanggap na guardian ni Angelo para mapirmahan ang dokumento sa ospital upang maoperahan agad ang bata.
"Dali-dali po akong pumunta sa ospital. Life or death yung pinag-uusapan.
"Sabi ko sa doctor, 'Pwede po ba ako? Kapatid ako.' Kung mapahamak man ako, bahala na," lahad ni Matthew.
Dagdag ni Matthew, inisip lang daw niya ang kapakanan ni Angelo.
Inulat din sa KMJS na ang itinuturing ni Angelo na "ama-amahan" na umampon sa kanya ay si Elmer Teves
Kapatid ni Emelinda si Elmer Teves, na nakabase sa Albay, na siyang hometown din ni Angelo.
Hindi makapunta ng Manila si Elmer dahil kailangan daw nitong magtrabaho para may panggastos sa pagkakaospital ni Angelo.
Read: Angelo Teves out of ICU; condition improves after stabbing
MATTHEW JOHANN'S SIDE OF THE STORY
Samantala, umalma si Matthew na hindi kumpleto ang panig niya na inere sa KMJS sa kabila ng panayam sa kanya na umabot daw ng isang oras.
Sa kanyang TikTok video nitong Lunes, October 26, Idinetalye ni Matthew na bago nangyari ang insidente ay nagpadala ng mensahe sa kanya si Angelo para humingi ng tulong.
Sinabi raw ni Angelo na may nagbabanta sa buhay niya kaya nagpapasundo sana siya kay Matthew.
Pero bago pa masundo ni Matthew si Angelo ay nasaksak ang bata at dinala sa ospital.
Sumugod daw agad si Matthew sa ospital nang makumpirma sa pulisya tungkol sa nangyari kay Angelo.
"Then ayun, pinuntahan ko po siya doon sa hospital kung saan siya binigyan ng agarang lunas.
"Then hanggang sa naghintay po kami ng guardian na puwede mag-guardian sa kanya.
"Naaawa po ako doon sa bata kasi ang dami na pong dugo nang nawala sa kanya tapos ramdam ko rin po talaga yung hirap niya kasi namumutla na po siya."
Binanggit pa ni Matthew na mula sa isang ospital sa Batasan, kung saan binigyan ng first aid si Angelo, ay inilipat daw ito sa isa pang ospital sa Quezon City.
Dito raw siya pumirma bilang guardian ng bata.
"Pero dahil nga po nagkaroon na ng parang complication dun sa birth certificate, kung ano nga ba talaga ipapangalan nila dun sa bata sa hospital. Kasi dalawa yung birth certificate niya.
"Nagkakagulo si Tita Emily [and] yung family niya kasi hindi nila alam kung sino magga-guardian.
"Like, okay lang naman din si Tita Emily kasi legal guardian siya. Pero that time po kasi, humingi po yung doktor ng authorization ng nanay, which is hindi mabibigay agad."
Nagkaroon daw kasi ng "mix-up" dahil hindi malaman kung ang gagamitin na pangalan ni Angelo ay Angelo Teves o ang tunay nitong pangalan.
Lahad ni Matthew, "So si Tita Emily, nagkaroon na po talaga ng parang problema na hindi na siya yung guardian.
"So sinasabi niya sa mga doctors na, 'Tita ako niyan, pamangkin ko yan.'"
Dahil sa delay, nagpasya raw si Matthew na magpanggap na kapatid ni Angelo.
"So I decided to step up na, 'Doc, kapatid po ako niyan. Ako na lang po pipirma.'
"So, sinabi ko sa doktor na kapatid ko siya para maoperahan siya, para mabuhay siya.
"Sabi ko, bahala na kung ano yung mangyayari sa akin, kailangan ko maligtas yung buhay ng kapatid ko.
"'Ako po, Doc, simulan niyo na po yung procedure. Please, kapatid ko po yan. Puwede po ba ako mag-guardian? Nineteen years old na po ako.'"
Pagpapatuloy ni Matthew: "I didn't mean to go that far pero kailangan ko pong gawin yun kasi life-or-death situation na.
"So nung ginawa ko naman po yun, wala po akong pagsisisi kasi I saved the life, and I really treated Angelo as my biological brother.
"Pero yun nga po, hindi ko siya puwedeng angkinin kasi hindi po siya akin."
Read: Marian Rivera clears up Bela Padilla "padlock" rumor
MATTHEW SAYS ANGELO'S AUNT KNEW ABOUT IT
Ayon pa kay Matthew, kaharap niya si Emily nang magpanggap siyang kapatid ni Angelo.
Kaya hindi raw niya maintindihan kung bakit sa KMJS ay sinabi ni Emily na nagulat itong nagpakilala siyang guardian ng bata.
"E, katabi ko po siya nung pumirma ako. Nilagay ko po dun Matthew Teves tapos pirma.
"Sabi ko, 'Teves na po ilalagay ko ha? Kasi hindi daw po kayo puwede na mag-guardian sa kanya kasi kailangan ng mga certificate.'
"E, kung hihintayin pa po namin yung nanay niya, abutin kami ng umaga.
"Tapos yung nanay niya, lahat pa kami naka-block. So, paano namin siya maku-contact? Paano maoperahan yung kapatid ko?"
Ayon kay Matthew, wala naman daw siyang balak agawin ang kustodiya kay Angelo mula sa pamilya ni Emily.
"After the operation, pinagbawalan ako makita yung bata," saad niya.
Tingin daw niya ay "unfair" iyon matapos niyang tumulong sa pag-aasikaso sa hospitalization ni Angelo.
Aminado si Matthew na na-blacklist siya sa ospital kunsaan naka-confine si Angelo dahil sa pagpeke ng pagkakakilanlan niya sa pinirmahang dokumento.
Pero sana raw ay i-lift na ito ng ospital dahil gusto lang daw niyang mabisita si Angelo na mahal na mahal daw niya.
Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Alden Richards: “Alam ko, at the end of the day, I am a good person.”
