PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Theater singer-actress May Bayot-de Castro dies

Lani Misalucha’s sister May Bayot-de Castro battled rare bone marrow disease
by Erwin Santiago Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
may bayot de castro death
Theater actress and singer May Bayot-de Castro, sister of Lani Misalucha, battled primary myelofibrosis and chronic kidney disease before her passing.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ang singer at award-winning theater actress na si May Bayot-de Castro, kapatid ng tinaguriang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, nitong Lunes, October 26, 2026.

Kilala si May sa husay niya sa pagkanta at pagganap sa musical theater, kabilang ang pagganap bilang Elsa sa Himala the Musicale at bilang Amor Sangre sa Skin Deep.

MAY BAYOT-DE CAstro'S BATTLE WITH MYELOFIBROSIS

Sa isang GoFundMe appeal nito lamang Setyembre 29, 2026, ikinuwento ng kapatid ni May na si Karlyn Scali ang matinding pinagdaraanan ng pamilya habang nilalabanan ng singer-actress ang primary myelofibrosis, isang bihirang sakit na nakaaapekto sa bone marrow.

Nagkaroon din siya ng chronic kidney disease na lalo pang nagpahirap sa kanyang kondisyon.

Ayon kay Karlyn, ilang ulit na naospital si May sa loob ng isang taon. May mga pagkakataong halos isang buwan siyang nananatili sa ospital bago pansamantalang makauwi, pero muli rin siyang kailangang ma-admit.

Kinailangan din ni May na sumailalim sa dialysis tatlong beses kada linggo, bukod pa sa madalas na pagsasalin ng dugo at platelets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naturang panawagan, sinabi ni Karlyn na lubhang malubha na ang kondisyon ng kanyang kapatid at mahina ang organs nito.

Dahil sa sunud-sunud na pagpapaospital, gamutan, at iba pang emergency medical needs, naging mabigat ang gastusin ng pamilya.

Nilayon ng GoFundMe campaign na makatulong sa gastusin para sa dialysis, blood at platelet transfusions, mga gamot, emergency procedures, paggamot sa mga impeksiyon, at maging sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya ng pambayad sa ospital.

Nagpasalamat si Karlyn sa sinumang makapagbibigay ng donasyon, makapagbabahagi ng panawagan, o makapag-aalay ng panalangin para kay May at sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang karamdaman, nag-organisa noon ang mga kaibigan at kapwa performer ni May ng mga fundraising activity para makatulong sa kanyang pagpapagamot.

Noong November 2019, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagsama-sama ang mga kaibigan ni May mula sa music industry para sa benefit concert na Songs for May: Acoustic Jive Reunites.

Kabilang sa mga artistang nagtanghal sa nasabing konsiyerto sina Dulce, Bituin Escalante, Isay Alvarez, Jett Pangan, at Reuben Laurente. Inilaan ang malilikom na halaga para makatulong sa gastusin ni May sa pagpapagamot.

Muling nagsagawa ng fundraising concert, pinamagatang Heart in Harmony, ang mga kasamahan ni May sa industriya noong lamang August 6, 2026.

Tinampukan ito ni Randy Santiago at ng 8 Track.

Nag-perform din sina Aicelle Santos, Bituin Escalante, Dulce, Isay Alvarez, John Arcilla, Radha, Rannie Raymundo, Robert Seña, Gab Pangilinan, Gerry Duran, at Romy Jorolan.

heart in harmony
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Eric Bauza, voice of iconic Looney Tunes characters, dies at 46

FAMILY AND FRIENDS MOURN THE PASSING OF MAY BAYOT-DE CASTRO

sa social media ay bumuhos ang mensahe ng pgdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ni May.

Mensahe ng kanyang nakababatang kapatid na si Lani: “Some walk beside us for years. Others leave sooner than we’re ready for.

"But every person we love leaves for a little light behind. I love you Ate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din sina Kim Molina, Jerald Napoles, Bituin Escalante, Sweet Plantado, at ang veteran actor na si Nanding Josef ang ilan sa mga nagbigay-pugay at nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni May.

Papuri ni Kim: “Hindi kailanman maglalaho ang liwanag at sining na iniwan mo sa entablado.Isang malaking karangalan na makasama ka Nay May,”

Mensahe naman ni Jerald: “Hanggang sa muli Ate May. Isa ka sa mga pinakahahangaan ko sa entablado. Masigabong palakpakan sa iyong buhay. Paalam. Rest in peace.”

Sabi ni Bituin: “Goodnight. I love you forever."

Ayon naman kay Sweet: "Lumaban ka hanggang sa huli.. grabe ka mare.. malungkot man at masakit.. pahinga ka na mare.. Salamat sa pagkakaibigan.. rest in His perfect peace

"mahigpit na yakap Joey Gato Adri and sis Lani mahigpit na yakap sa ating mga nagmamahal.. Love you mareng May."

Pagpupugay naman ni Nanding, ang artistic director ng Tanghalang Pilipino:: “Maraming salamat May sa lahat ng kontribusyon mo sa Philippine Theater.

"Hindi namin malilimutan ang iyong husay bilang artista, ang iyong kababaang-loob, at ang kabaitan at kabutihan mo sa kapwa.

"May God embrace you in his loving arms."

Read: Anthony Roquel, Iskul Bukol star Tonette Macho, dies at 68

May Bayot-de Castro, award-winning theater actress

Itinuring si May na isa sa mga mahusay na musical theater performer sa Pilipinas.

Nakilala siya sa kaniyang mahusay na pagganap sa mga karakter at sa pambihirang lawak ng kanyang vocal range.

Isa sa mga pinakatumatak niyang papel ang karakter ni Elsa sa Himala Isang Musikal, ang stage adaptation ng classic 1982 film ni Nora Aunor.

Dahil sa kanyang pagganap bilang Elsa sa entablado, ginawaran si May ng Best Theater Actress sa 2003 Aliw Awards. Muli siyang tumanggap ng Aliw Award para sa Best Actress noong 2004 para sa parehong papel.

Noong 2013 ay nagbalik siya sa Himala Isang Musikal, ngunit sa pagkakataong ito ay ang papel na Saling, ina ni Elsa, ang kanyang ginampanan.

may bayot himala isang musikal
May Bayot-de Castro as Saling in Isang Himala
Photo/s: Facebook

Isa rin sa mahahalagang yugto ng karera ni May ang pagganap bilang Amor Sangre sa Skin Deep, isang musical na itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Dahil sa kanyang performance, nanalo siya ng Aliw Award para sa Best Actress noong 2008.

Naging bahagi rin siya ng advocacy play ng PETA na Rated: PG, kung saan ginampanan niya si Joselle, isang ina na humaharap sa mga hamon ng pagpapalaki ng mga anak at pagpapanatili ng maayos na ugnayan sa pamilya.

Kabilang pa sa mga theater production na kanyang kinabilangan ang Rama at Sita, Flower Drum Song, Ibalong, Stageshow, Once on This Island, Sandosenang Sapatos, Peratedes, at Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Nadala rin sa ibang bansa ang husay ni May sa teatro. Noong 2007, kinatawan ng Himala Isang Musikal ang Pilipinas sa Asian Contemporary Theater Festival sa Shanghai, China.

Bukod sa teatro, nagkaroon din siya ng mga proyekto sa telebisyon, kabilang ang teleseryeng The General's Daughter (2019) ng ABS-CBN.

Nagsimula ang karera ni May noong huling bahagi ng dekada 1980.

Sa loob ng maraming taon, naging bahagi rin siya ng bandang Acoustic Jive, na nakilala sa malawak nitong repertoire ng mga awitin, kabilang ang jazz, pop, R&B, blues, at reggae.

Kalaunan, nagtanghal din siya kasama ang bandang Traveling Light.

May Bayot-de Castro'S MUSICAL FAMILY

Lumaki si May sa isang pamilyang malalim ang kaugnayan sa musika.

Ang kanyang amang si Benjamin Bayot ay isang operatic tenor, samantalang ang kaniyang ina na si Esperanza Dimalanta ay isang coloratura soprano.

Ang nakababatang kapatid niyang si Lani Misalucha ay sumikat bilang isa sa mga mahusay na mang-aawit sa bansa at nakilala bilang Asia’s Nightingale.

Read: Stand-up comedian Kirara Kawai dies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Theater actress and singer May Bayot-de Castro, sister of Lani Misalucha, battled primary myelofibrosis and chronic kidney disease before her passing.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results