PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino reveals ideal partner: A widowed doctor

Kris Aquino opens up about health, Bimby, and her love life.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
kris aquino fast talk
Kris Aquino opens up about her health journey, her family’s support, and her hopes for love. The Queen of All Media also shares a funny story about asking a doctor to kiss her on the lips and reveals that she still wants a doctor as a future partner, preferably a widower who can stay calm during a medical emergency.
PHOTO/S: GMA Network YouTube

Si Kris Aquino ang espesyal na panauhin ni Boy Abunda sa birthday-week episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Ipinalabas ang first part ng special two-part episode ng panayam ni Boy kay Kris ngayong Miyerkules, Oktubre 28, 2026.

Ito ang unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon na muling napanood ang dalawa na magkasama sa telebisyon.

Sa kanilang kuwentuhan, naging bukas si Kris tungkol sa malaking gastos sa pagpapagamot, sa tulong ng kaniyang pamilya, at sa kaniyang patuloy na pakikipaglaban sa karamdaman.

Nagbahagi rin siya ng nakaaaliw na kuwento tungkol sa isang doktor, pati na ng kaniyang pananaw sa pag-ibig at sa lalaking gusto niyang makasama sa hinaharap.

KRIS AQUINO'S MEDICAL EXPENSES

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na malaki ang gastos ni Kris sa kanyang pagpapagamot.

Gayunman, sinabi niyang hindi siya pinababayaan ng kanyang mga kapatid.

“Mahal na mahal siya and I have to thank my siblings because it’s been a family thing and I was so proud itong September kasi may mga endorsement na pumasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I said you only have to share one third, two thirds na kaya ko na,” pahayag ni Kris.

Nagkuwento rin siya tungkol sa condominium unit na inuupahan nila ng kaniyang mga anak.

Pag-aari ito ni Anne Curtis, na ninang ni Bimby, at nabigyan sila ng mas abot-kayang halaga sa pag-upa.

“And we’re leasing, where we’re staying. It’s the unit of Anne Curtis and it was given at a ninang price because ninang siya ni Bimb, so magkatuwang kayo.

“So, masuwerte kami talaga in that aspect kasi we need to be within thirty minutes of a tertiary hospital,” saad ni Kris.

Ipinaliwanag ni Kris na mahalagang malapit sila sa isang tertiary hospital dahil sa kanyang kondisyon.

Gayunman, kailangan pa rin niyang bumalik sa Singapore o United States para sa karagdagang pagsusuri.

“Ang tertiary hospital means na lahat kayang gawin doon, but I need to go back to whether it’s Singapore or the States because marami silang kailangang tingnan dahil minsan hindi nakukuha sa PetScan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My blood is tested if not every ten days, every two weeks and ang daming dugo nun,” sabi niya.

Read: Boy Abunda, Kris Aquino reunite for exclusive interview

KRIS THANKS THOSE PRAYING FOR HER RECOVERY

Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa paggaling niya.

Naniniwala siyang malaking bahagi ng patuloy niyang paglaban ang pananampalataya at ang paniniwala ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Saad ni Kris: “I know I’m alive now because so many have been praying for me and I wanna say thank you to everyone na parang did we ever imagine na yes, that was not even the worst, bumagsak ako to 78 pounds.

“That was the pinaka-worst and did we imagine na kakayanin na mag-endorse, meron nang beauty products and that’s all because of them.

“Ibinabalik ko lahat yan sa mga tao because if they had not believed na posible na kaya pa ito. Madadaan natin ito sa dasal kasi kung maniwala tayo na nakikinig ang Diyos, may pag-asa pa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong nakaraang buwan, sumailalim si Kris sa operasyon matapos magkaroon ng impeksiyon sa paligid ng kanyang portacath, na dinaraanan ng mga gamot na ibinibigay sa kanya.

KRIS' FUNNY STORY ABOUT A DOCTOR

Sa panayam, nakaaaliw ring ikinuwento ni Kris ang nangyari sa isang doktor na hindi niya pinangalanan.

Nilinaw niyang hindi ito ang doktor na dati niyang boyfriend. Ayon kay Kris, isang respetadong doktor ang tinutukoy niya.

“I will not name the doctor and this is not the doctor who was my boyfriend. This is a very well respected doctor.

“Matatawa tayong lahat kasi nabigyan na ako ng anaesthesia pero hindi pa yon todo so medyo gising pa ako and then I saw him and I know how busy he is.

“He’s super respected talaga and head siya, basta anyway, if I say head siya ng ano, alam na ng lahat, at least in the medical community,” pagbabahagi niya.

Dahil medyo gising pa siya matapos bigyan ng anaesthesia, naalala ni Kris na hiniling niya sa doktor na halikan siya sa labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then I would say ‘You have to kiss me and you have to kiss me on the lips. Okay?’

“And si Bimb, sinabi ni Bimb, ‘Mama, not on the lips!’ Only on the cheeks!’”

Nalaman na lamang daw ni Kris ang nangyari nang ikuwento ito sa kanya pagkatapos ng operasyon.

“After, nung ikinuwento sa akin, siyempre hindi ko na alam.

"And then after that, sabi ko ‘Bimb! We’re adults. He can kiss me on the lips!’

“‘Mama, you’re really embarrassing! Stop and don’t embarrass him!’

“And then I said, holding hands na lang. Hold my hand.

“Hindi ko alam until after nung ikinuwento sa akin. Hiyang-hiya ako,” natatawa niyang kuwento.

Ayon kay Kris, magkahawak-kamay sila ng doktor hanggang sa makatulog siya.

Tumagal ng dalawa't kalahating oras ang operasyon, at naghintay ang doktor hanggang matapos ito.

“Holding hands kami until nakatulog ako. And then, two-and-a-half-hour operation and then he waited until natapos.

“And then, sabay kaming lahat umalis and since then, never na niyang sinagot yung messages ko.

"Siguro, feeling niya, ‘That girl is weird! Ayoko na siyang maging pasyente!’

“Siguro, di ba, kung ikaw din naman, mawe-weirduhan ka. Ooperahan na lang, nagpapa-kiss pa sa lips.

“And Bimb says, ‘Mama, it’s okay on the lips if it’s a kissing scene in the movie. This is not a movie.’”

Read: Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan’s Josh mockery

KRIS' LOVE LIFE AND BIMBY'S HONEST OPINIONS

Tinanong ni Boy kung may nangyayari pa ba sa love life ni Kris sa kabila ng kanyang kalagayan.

“Sa lahat ng panahon na ito, buhay ang lovelife mo?” tanong ni Boy.

“No,” sagot ni Kris.

Ikinuwento rin niya ang obserbasyon ni Bimby tungkol sa mga lalaking nagugustuhan ng kanyang ina.

Ayon kay Kris, napapansin ng anak niyang may partikular siyang type.

“Kasi meron siyang sinabi na ‘Mama, you have this thing, na you have this type na if the person is a doctor, automatically that’s your reason.

“'And if the person watches CNN, then you like that person, but Mama it shouldn’t be because of. It should be just because.'”

Ikinumpara rin ni Kris ang personalidad ng kanyang mga anak pagdating sa pakikitungo sa mga taong umaaligid sa kanya.

“Si Kuya [Joshua] kasi basta dalhan mo ng food na gusto niya, okay na. Pero si Bimb talaga, meron siyang mga sinasabihan talaga na ‘I don’t like you.’

“Ganoon kadiretso. At meron naman siyang sinasabi na ‘Are you sure you can handle my mom?’

“In other words, gusto niya yung taong yon,” sabi niya.

KRIS WANTS A PARTNER WHO WILL BE ON HER SIDE

Nang tanungin ni Boy kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng lalaki sa buhay at kung kumusta ang kanyang puso ngayon, sinabi ni Kris na nais niyang makasama ang isang taong magiging kakampi niya.

“I want to end up with someone na kakampi ko kasi hindi naman nawawala sa akin na Bimb is 19.

"He deserves a life. His life should not just revolve around taking care of his Mama,” ani Kris.

Umaasa rin siyang magiging mapagmahal at tapat na partner si Bimby sa hinaharap. Pabiro pa niyang sinabi na masuwerte ang babaeng magiging asawa nito dahil maalaga ang kanyang anak.

“Anyone who will become Bimb’s girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka-jackpot yung babaeng yon kasi maalaga si Bimb.

“Mapagmahal and I’m so definite na he will be one hundred percent faithful.”

Inamin din ni Kris na may mga babaeng naiisip siyang bagay para kay Bimby.

“And I’m even matching him with these girls that I say na ‘Bimb, I like her to be my daughter in-law’

“‘Yeah Mama, she wants also for you to be her mother in-law. The problem is she doesn’t like me.’”

Natatawang nagkomento si Kris sa pagiging prangka ng kanyang anak.

“Gaano kabrutal, GenZ. Ipinagdarasal ko talaga na sana maganda yung girl.

"I’m sorry, I know it sounds parang wow she hasn’t changed, medyo mababaw.

“Pero Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name so gusto ko naman talaga na yung mga magiging anak nila, given na I’m sure maganda yung pagpapalaking gagawin niya.

“And I’m sure, hindi siya magmamahal ng someone na pangit ang ugali.

“So far all the girls I’ve met, all are pretty and all are smart,” lahad ni Kris.

Read: PEP Rewind: Kris Aquino on what she's going to do to bashers

KRIS' IDEAL PARTNER: A WIDOWER WHO IS A DOCTOR

Kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon, sinabi ni Kris na gusto pa rin niyang makasama ang isang doktor.

“I still want a doctor pero hindi ko na sasabihin na you can kiss me on the lips.

“Gusto ko talaga doktor. Hopefully somebody na hindi magpi-freak out kapag tumigil ako ng paghinga. Nangyari na, e. I stopped breathing for two minutes, just this year.

“But my heart was beating but my lungs stopped so I want someone if that happens, won’t panic.”

Dahil sa kanyang karanasan, nais daw ni Kris na ang makakasama niya ay isang taong kayang manatiling kalmado sa oras ng emergency.

“Siguro lahat ng doktor after hearing my story, I’m sure sasabihin nila, ‘Huwag na lang.’

“Siguro yung doktor na yon would be kasing-age, di ba? Na biyudo na. Ayoko ng na-annul, mahirap pa yon.

"So, kung nabiyudo, UST, Boy, you look for me.

“Because that’s where I want Bimb to study. He is interested in becoming a doctor.

“I don’t know if he still wants to be a doctor now but I really like UST.

"All my doctors who are from UST, yung bedside manner nila, ang ganda. Parang kalmado sila and very, very polite.

“Yun pala halos mamatay ka na pero mabubuhay ka nila.”

Read: Boy Abunda backs Kris Aquino if she sues podcast hosts over Josh

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino opens up about her health journey, her family’s support, and her hopes for love. The Queen of All Media also shares a funny story about asking a doctor to kiss her on the lips and reveals that she still wants a doctor as a future partner, preferably a widower who can stay calm during a medical emergency.
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results