PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinkee Pacquiao fires back at bashers over bodyguard's umbrella

Jinkee Pacquiao explains why she has a bodyguard.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Jinkee Pacquiao payong 1
Jinkee Pacquiao takes to social media and responds to bashers calling her out for having a bodyguard hold up an umbrella over her head and explains why she has a bodyguard.
PHOTO/S: Jinkee Pacquiao on Facebook

Hindi pinalagpas ni Jinkee Pacquiao ang pamba-bash sa kanya ng ilang netizens dahil sa video na pinapayungan siya ng isang bodyguard.

Sunud-sunod ang video content ni Jinkee sa kanyang Facebook page ng pagiging active sa paglalaro ng pickleball, na nauusong laro ngayon.

Sa pinag-uusapang video, makikitang paglabas niya ng pinto ng bahay sa General Santos City, pinayungan siya agad ng bodyguard.

May petsa itong October 17, 2026.

Makikita sa video na hindi umuulan subalit basa ang sahig at kalsada.

May mga nakapansin ding walking distance lamang ang gym kunsaan nagpi-pickleball si Jinkee.

Jinkee Pacquiao payong 2
Jinkee Pacquiao gets bashed over video of bodyguard holding umbrella over her head on way to gym.
Photo/s: Jinkee Pacquiao on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunud-sunod ang komento ng netizens. Marami rito ay puna at batikos kay Jinkee na bakit kailangan pa raw siyang payungan ng kanyang bodyguard.

“Di siya marunong humawak ng payong dahil mapera. Sana all,” hirit ng isa.

“Hindi na marunong humawak ng payong nung yumaman,” banat ng isa.

Komento ng isa pa, “Mabigat pala yung ganung payong hahaha.”

"Masahol pa sa mga prinsesa may tagahawak ng payong,” pangungutya ng isa pa.

Jinkee basher 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jinkee basher 2
Jinkee basher 3
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami pa ang ganitong komento na kinukutya si Jinkee dahil daw kinailangan pa siyang payungan kahit na malapit lamang ang gym.

Read: Mimiyuuuh sheds light on previous "clean-money girl" remark

JINKEE REACTS

Sa October 28 video na ipinost ni Jinkee, nag-react siya tungkol sa isyung ito.

Makikita ang misis ni Manny Pacquiao na naghahanda para lumabas at maglaro. May kausap siya sa cell phone.

Saka siya nagsalita habang may kumukuha ng kanyang video. Nagsalita siya ng magkahalong Tagalog at Bisaya.

“Kasi nag-discuss kami yung na-bash kami sa mga payung-payong.

"Na-bash kami sa payung-payong. Hindi po namin intensiyon na payungan ako doon,” may taray na sabi ni Jinkee.

“Char, nagalit!” sabay bawi niya at natawa.

Sabi pa ni Jinkee, “Siya [guard] lang yung nagpumilit na payungan ako, hindi ko naman sinabing payungan ako hanggang doon sa gym kaya hindi ko napansin.

“Pero kung alam ko lang yon, sabihan ko siya na, 'Bakit ka napayung-payung hindi naman umuulan?' O.A. lang yung bodyguard ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react din siya tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard na tagapayong.

Paliwanag ni Jinkee: “Ni-assign yun ni Manny. Hindi ako nag-aano ng bodyguard.

“[Si] Manny nag-assign sa akin ng bodyguard, pero ako, hindi ako nag-aano na may bodyguard ako.”

Hindi rito nagtatapos ang reaksiyon ni Jinkee tungkol sa isyu.

May patutsada si Jinkee sa pamamagitan ng video na ipinost niya nitong Biyernes, October 30, 2026.

Makikita si Jinkee na nasa kalsada at may kasamang tinatayang 13 katao.

“Ang payong,” sabay-sabay na sabi ng grupo.

Magkaka-partner sa dalawa ang grupo: may tagapayong at pinapayungan.

At may mga sarkastikong komento sila.

“Ayusin ang pagpayong!” malakas na sabi pa ni Jinkee.

Sabi pa ng isa sa kanila, “Thank you sa mga basher, ha. Nagpayong kami.”

Nagtatawanan din ang grupo at kinanta pa ang “Umbrella” song ni Rihanna.

“Hanggang dito, ha!” sabi pa ni Jinkee kahit na nasa loob pa sila ng gym.

“Thank you sa mga props,” pagtatapos ni Jinkee, na indikasyong sinadya nilang gawin ang video.

Jinkee payong 3
Jinkee sarcastically hits back at her bashers by posting a video showing her and her friends having other people hold umbrellas over them.
Photo/s: Jinkee Pacquiao on Facebook

Read: Jimuel Pacquiao's wife Carolina wants baby Clara to embrace Mexican-Filipino roots

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao takes to social media and responds to bashers calling her out for having a bodyguard hold up an umbrella over her head and explains why she has a bodyguard.
PHOTO/S: Jinkee Pacquiao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results