Nagbahag si Ruru Madrid sa MMFF 2026 official entry na Los Salvajes Bravos, kung saan gumanap siya bilang Igorot na si Purganan.
Kumusta ang pagbabahag niya sa Spain, considering na ang lamig-lamig doon nang magsyuting sila?
“Actually itong experience na ito, medyo mahaba po yung naging proseso,” pahayag ni Ruru sa mediacon noong Oktubre 29, 2026, Huwebes, sa Cabalen restaurant, West Ave., Quezon City.
“Dahil definitely yung… kasi, never pa po akong nag-underwear sa mga post ko or something.
“Lagi lang po akong topless tapos pantalon or di kaya shorts.
“Pero noong binasa po namin yung script at naipaliwanag din po nina Direk [Paolo Dy] kung gaano po kaimportante yung pagsusuot ng bahag sa pelikulang ito, ako na po mismo yung nakiusap sa management ko…
“Na siyempre, iniingatan po nila kung ano po yung mga puwede kong gawin. Sabi ko, ‘Importante po na magawa ko po ito, at gawin ko ito sa pelikulang ito, dahil yun talaga ang hinihingi ng materyal, e.’
“Yun po ang hinihingi ng istorya. Kumbaga, hindi lang naman ako… ayoko rin namang limitahan yung sarili ko just because meron akong iniingatan or parang meron akong ayaw ipakita.
“And I guess hindi naman siya to, you know, to sexualize or para magmukha siyang bastos.
“But ipinapakita po natin dito na yun po talaga ang isinusuot nila. So, yun po. Abangan na lang po natin!
“Ang pinaka-challenging doon ay yung malamig.
“Siyempre po, pagka malamig, alam naman po natin ang itsura pagka nakabahag po tayo, nakalabas po iung dalawang bahagi po ng pisngi ng ano ko po,” natatawang sambit ni Ruru.
“So, yun po ang pinaka-struggle sa akin na habang giniginaw po ako nang nakasuot po ako ng bahag, nagsasalita pa po ako ng Espanyol.
“Sobrang na-challenge ako doon pero nagawa po namin nang maayos.”
Read: Ruru Madrid recalls discrimination at restaurant in Spain
View this post on Instagram
BRIEF EXPOSURE
Nang i-offer sa kanya ang historical film na Los Salvajes Bravos, alam na ba niyang magbabahag siya?
“Noong una po, hindi. Wala pa, wala pa… Noong binasa ko po yung script, ako po mismo yung nagsabi,” pagsisiwalat ni Ruru.
“Na parang importanteng magbahag din si Purganan. Kasi, kasama siya, e. Kasama siya doon sa mga Pilipinong nandoon.
“So, bakit hindi siya magbabahag just because hindi pa ako nag-a-underwear sa mga billboards o sa mga post, di ba?
“Parang ayoko naman pong limitahan yung sarili ko doon. Definitely, kung pag-uusapan natin ay pagbi-brief sa mga billboard or sa mga magazine or sa mga post, ibang usapan yon.
“Pero kung ang pinag-uusapan natin ay character at ito po yung istorya niya — kahit bahag yan, kahit nakalabas po yung puwet ko diyan — ay kailangan! Kailangan kong gawin.”
Magre-react kaya ang girlfriend niyang si Bianca Umali sa pagbabahag niya sa pelikula?
“Sinend ko na sa kanya!” napangiting bulalas ni Ruru.
“Para wala na siyang reaction. Sabi naman nina Direk, hindi naman siya yung tipong… alam mo yun, na parang pag memes, di ba, parang ise-sexualize.
“Ito, hindi. Saka historical siya, and kailangan. Yung challenge lang doon ay napakalamig!
“So talagang nangangatog ako!”

WORK ETHICS
Dalawampu’t dalawang (22) araw si Ruru sa Spain para sa ten-day shoot ng Los Salvajes Bravos. Na-miss ba nila ni Bianca ang isa’t isa during that time?
“Super-miss!” mabilis na tugon ni Ruru.
“Pero eto, to be honest, hindi kami nag-usap ni Bianca for the whole duration.
“Because she knows kung gaano ko pinaghandaan itong pelikulang ito. Ahhmm whenever I do a project kasi, talagang yong focus ko, gusto kong nandoon lang.
“So kaming dalawa, iyon yung kagandahan. Kasi parehas kaming artista. Same yung work ethics namin. Same yung dedication namin.
“So she understands kung bakit ganoon yung kailangan. So, siyempre it’s a matter of assurance.
“Siyempre maraming magaganda sa Spain. Bago iyon sa akin. Pero it’s a matter of kung papaano namin pag-uusapan yung mga ginagawa po namin.”
Ang gaganda ng reviews kay Bianca sa pelikulang Always Your, Never Mine. Hindi rin niya “ginulo” si Bianca habang nagsu-shooting ito ng nasabing movie with Joshua Garcia and Julia Barretto?
“Never. Habang ginagawa nila yung pelikula, especially pag nasa shoot siya, di kami nag-uusap,” pagtatapat ni Ruru.
“Never akong tumawag sa kanya habang nasa set siya. Siguro kasi, alam namin, e.
“Naiintindihan namin yung pakiramdam na ayaw na naming bigyan ng burden iyung isa’t isa. “Dapat ang focus niya, e, trabaho lang.”
View this post on Instagram
Read: Romnick Sarmenta calls Los Salvajes Bravos a career milestone
PROUD OF BIANCA
Hindi niya nabalitaan yung bathtub scene ni Bianca with Joshua?
“Apat na beses kong napanood yun!” sambit ni Ruru.
Na-proud siya nang mapanood ang movie? Ang husay-husay ni Bianca sa Always Yours, Never Mine.
Napangiti nang sakdal tamis si Ruru: “Na-proud na proud na proud po ako! Pero hindi na po ako nagulat.
“Because alam ko na she’s prepared. Alam ko na handa siya for that opportunity.
“Nung binigyan siya ng opportunity na makatrabaho ang Star Cinema, of course, kahit naman po sinong GMA actor, gustong makatrabaho ang Star.
“Dahil siyempre maganda rin silang gumawa ng mga pelikula. So lahat kami, nagnanais na makatrabaho yan.
“Pero it’s a matter of handa ka ba pagka bigla kang pinatawag at may gagawin kang eksena?
“So si Bianca, bago siya pumunta sa set, magwo-workshop muna yan. Like same day.
“Kunyari ang calltime niya ay 3:00 P.M., workshop siya ng alas siyete ng umaga hanggang alas dose, saka siya pupunta ng trabaho.
“So handa siya, prepared siya. So hindi na ako nagulat kung bakit ganoon siya kagaling!”
