PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla calls for jail time over dumped pets in Bulacan

Pressure mounts for criminal probes into Bulacan pet dumping scandal.
by Mark Angelo Ching
Published 1 Hour ago
john arcilla pet dumping
John Arcilla speaks out against the alleged dumping of 25 dogs and cats in San Jose del Monte, Bulacan, calling the incident a crime and demanding accountability from those responsible.
PHOTO/S: John Arcilla Facebook

Mariing kinondena ni John Arcilla ang pagtambak ng 25 na bangkay ng mga hayop sa San Jose del Monte, Bulacan, ngayong linggo.

Hayagan ding nanawagan ang premyadong aktor ng pagkakakulong para sa mga sangkot sa insidente.

Sa kanyang Facebook post, tinawag ng premyadong aktor na "isang krimen" at "estafa" ang pangyayari dahil isa itong panloloko sa fur parents na nagbayad para sa maayos na cremation ngunit pinagpasyahang itapon lamang ang mga alaga sa basurahan.

“Kailangang Panagutan at makulong ang mga may gawa nito. Ang may ari ng Crematorium at ang mga staff na kasangkot. HINDI ITO MAKATARUNGAN para sa mga nagbayad at nagtiwalang FUR PARENTS na ang mga abo na nasa kanila ay hindi naman abo ng kanilang mga FUR BABIES,” saad ni John sa kanyang Facebook post kahapon, October 31, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE INCIDENT

Ang AhJay Paws Aftercare, isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite, ang itinuturong salarin sa karimarimarim na insidente.

Pinaghihinalaang itinapon ng mga staff ng AhJay ang mga patay na hayop sa isang bakanteng lote imbes na gawin ang pagke-cremate sa mga ito.

Ang animal welfare group na Luna and Furry Siblings ang unang nagbalita sa insidente noong tanghali ng Biyernes, October 30, 2026.

Sa sunud-sunod nilang mga Facebook post ay ipinakita nila ang saku-sakong bangkay ng mga hayop, na agad nilang pinaghinalaang galing sa isang aftercare facility.

Nilagay nila sa kanilang post ang mga pangalang nakalagay sa mga sako upang mabilis nilang mahanap ang mga may-ari.

Agad na nag-viral ang post ng Luna and Furry Siblings, kaya’t nagdagsaan sa Bulacan ang mga may-ari ng mga hayop upang bawiin ang kanilang mga namayapang alaga.

Isa na rito sina Ceejae Perez at Jilbrick Cuya, na may-ari ng asong itim na si Ivy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost nila sa Facebook ang pagpunta nila sa Bulacan upang kuhanin ang bangkay ng kanilang alaga, na namatay noong October 23.

Masakit umano para kay Jilbrick na malaman ang sinapit ng alagang aso.

“Hindi naman basta hayop lang yan, e. Kumbaga, mas loyal pa nga sa tao yan, bakit ginawa nilang basura?” saad niya sa panayam ng ABS-CBN News.

Ang paglantad ng mga may-ari ng mga itinapong hayop ang dahilan kung bakit natukoy agad na ang AhJay Paws Aftercare ang nasa likod ng insidente.

Dito umano ipinagkatiwala ng mga may-ari ang kanilang mga pumanaw na alaga para ipa-cremate.

Read: Ate Gay's family threatens action over false death reports: "He is still alive."

AHJAY DENIES CULPABILITY

Humarap si Jonathan Legaspi, ang may-ari ng AhJay, sa mga opisyal ng city hall ng Bacoor kahapon, October 31, 2026.

Nasa pagpupulong din ang mahigit 30 pet owners na naging customer ng AhJay.

Ulat nila sa iba’t ibang Facebook post, hindi humingi ng paumanhin si Legaspi sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa halip ay nag-offer lang ito ng refund para sa mga customer nila noong October.

Ayon naman kay Bacoor City Mayor Strike Revilla, hindi nakapagbigay ng sapat na paliwanag ang may-ari tungkol sa insidente.

Umamin umano si Legaspi na dinadala ang mga hayop sa isang crematorium sa Caloocan, ngunit hindi siya makapagbigay ng pruweba na naisagawa nga ang cremation.

Hindi rin umano ito makapagbibigay ng pruweba na ang mga abo na ibinabalik sa mga pet owners ay galing talaga sa kanilang mga alaga.

Dahil dito ay ipinag-utos na ni Mayor Strike ang pagpapasara sa AhJay Paws Aftercare at pagkakansela sa mga permit nito.

Inutusan din niya ang mga kapulisan na tumulong sa pag-iimbestiga at pagsasampa ng kaso.

Read: Jinkee Pacquiao fires back after being bashed over bodyguard holding umbrella for her

CASE ONGOING

Handa nang magsampa ng kaso ang Luna and Furry Siblings laban sa AhJay Paws Aftercare.

“We are preparing to file official cases before the CHO, BARANGAY, CENRO, and the Prosecutor's Office regarding the 25 dogs and cats dumped in San Jose del Monte, Bulacan. We cannot do this alone and need the community's help to secure justice,” saad ng animal welfare group sa kanilang Facebook post ngayong umaga, November 1, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanawagan sila sa publiko ng tulong para mapabilis ang pangongolekta ng ebidensiya—kabilang ang mga CCTV footage, USB flash drive, at tulong sa pag-print ng colored photos na gagamitin sa pagsasampa ng kaso.

May paglilinaw rin ang animal rights group sa kalituhan sa totoong bilang ng mga natagpuang hayop.

Matatandaang 29 ang unang numerong naibalita, ngunit 25 lang pala talaga ito.

“So sorry for the confusion regarding the body count, from my initial post it was 25 then one tanod corrected me and said 29 and now we're back to 25 like I've posted from the very beginning.”

Nakabalik na raw ang lahat ng mga ito sa mga may-ari.

“There's only 25 and they are claimed and returned to their owners,” saad ng grupo.

Read: Robbie Jaworski opens up about "my woman" Magui Ford

REACTIONS

Maraming animal rights groups ang handang sumuporta sa mga nais magsampa ng kaso laban sa AhJay Paws Aftercare.

Isa na rito ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), na isa sa mga pinakamalalaking animal rights groups sa mundo.

Pahayag ni Jana Sevilla, senior campaigner para sa PETA Philippines, nararapat lamang na bigyan ng dignidad ang kamatayan ng mga hayop.

“Animals are not disposable, and their deaths must never be treated as a matter of mere profit.

"Animal guardians entrust after-death service providers with the remains of beloved companions, expecting them to be treated with dignity and respect,” saad ni Sevilla sa isang text message sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla speaks out against the alleged dumping of 25 dogs and cats in San Jose del Monte, Bulacan, calling the incident a crime and demanding accountability from those responsible.
PHOTO/S: John Arcilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results