PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Ate Gay dies at 55 after cancer battle

Ate Gay passes away on November 1, 2026 after long battle with cancer.
by Erwin Santiago
Published 1 Hour ago
ate gay death
Comedian Ate Gay, whose real name was Gil Aducal Morales, has passed away at the age of 55 on November 1, 2026. His family confirms the sad news in a social media statement; says he died peacefully while surrounded by his loved ones after bravely fighting for his life.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ang komedyanteng si Gil Aducal Morales, mas kilala sa showbiz bilang Ate Gay, nitong Linggo, Nobyembre 1, 2026.

Siya ay 55.

Kinumpirma ng pamilya ng komedyante ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang social media post.

Ayon sa pamilya, pumanaw si Ate Gay matapos ang matapang na pakikipaglaban para sa kanyang buhay sa gitna ng pagkakaroon ng cancer.

Nasa tabi niya ang kanyang mga mahal sa buhay nang siya ay bawian ng buhay.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng pamilya: “It is with profound sadness and heavy hearts that our family announces the passing of our beloved Gil Aducal Morales, lovingly known to many as Ate Gay, on November 1, 2026.

“After bravely fighting for his life, while surrounded by his family, our beloved Ate Gay has peacefully passed away.”

Nagpasalamat din ang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng dasal, pagmamahal, pinansiyal na tulong, at suporta sa panahon ng pakikipaglaban ng komedyante sa karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“During this difficult time, our family would like to express our deepest gratitude to everyone who extended their prayers, love, financial assistance, and unwavering support throughout his battle. Your kindness and generosity have meant so much to our family.”

Humiling din sila ng patuloy na panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Ate Gay at sa lakas ng loob ng kanyang mga naulilang mahal sa buhay.

Read: Ate Gay in critical condition; relies on life-support machines

FAMILY'S FINAL MESSAGE

Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, nagpaabot ng pasasalamat ang pamilya sa lahat ng naging bahagi ng laban ni Ate Gay.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya tungkol sa burol at funeral arrangements ng komedyante.

“We kindly ask for your continued prayers for his eternal repose and for strength and comfort for our grieving family.

“Details regarding his wake and funeral arrangements will be announced soon.

“Rest peacefully in the loving arms of our Lord, Ate Gay. You will forever remain in our hearts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilagdaan ang pahayag ng pamilya ni Gil Aducal Morales.

ATE GAY'S LIVING FUNERAL

Bago ang kanyang pagpanaw, naging usap-usapan sa social media ang living funeral na inihanda para kay Ate Gay noong Oktubre 15, 2026, sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna.

Sa halip na hintaying pumanaw ang komedyante bago siya bigyang-pugay, nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay na iparamdam sa kanya ang kanilang pagmamahal habang siya ay nabubuhay pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging emosyonal ang pagtitipon dahil sa pagkakataong personal na naipahayag ng mga taong malapit sa kanya ang kanilang pasasalamat at pagmamahal.

Ang living funeral ay isinagawa habang patuloy na nakikipaglaban si Ate Gay sa cancer.

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

ATE GAY'S LAST HOSPITALIZATION

Ilang linggo matapos ang living funeral, muling humingi ng dasal at tulong pinansiyal ang pamilya ni Ate Gay dahil sa kanyang lumalalang kondisyon.

Na-confine ang komedyante sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City at na-admit sa intensive care unit (ICU).

Sa isang panawagan na inilabas ng pamilya noong Oktubre 27, 2026, sinabi nilang halos isang linggo nang naka-confine sa ospital ang komedyante.

Nagbahagi rin sila noon ng hospital billing statement at humingi ng tulong sa publiko para sa kanyang patuloy na pagpapagamot.

Matatandaang noong Setyembre 2025, ibinahagi ni Ate Gay ang kanyang pakikipaglaban sa Stage 4 mucoepidermoid carcinoma, isang uri ng cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumailalim siya sa chemotherapy at radiation treatment.

Noong Hulyo 2026, nagkaroon din siya ng bukol sa bahagi ng kanyang leeg at balikat na ginamot sa pamamagitan ng CyberKnife.

Noong Setyembre 2026, nagkaroon ng update tungkol sa kanyang kondisyon na nagsabing wala nang nakikitang senyales ng cancer. Gayunman, nagpatuloy ang kanyang mga health challenges.

Read: Ate Gay’s family seeks financial help as hospital bills hit P2.4M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Ate Gay, whose real name was Gil Aducal Morales, has passed away at the age of 55 on November 1, 2026. His family confirms the sad news in a social media statement; says he died peacefully while surrounded by his loved ones after bravely fighting for his life.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results