PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barangay SK council in Sarangani resigns en masse

Cites postponement of elections and career growth as reasons
by KC Cordero
Published Just now
SK council resigns
Ang mga nagbitiw na opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Banate sa Malungon, Sarangani.
PHOTO/S: Sangguniang Kabataan-Banate FB

Nagbitiw sa kanilang tungkulin ang buong konseho ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Banate sa Malungon, Sarangani.

Iniulat ito ng official Facebook Page ng Sangguniang Kabataan-Banate noong November 3, 2026.

Ayon sa statement of resignation ng SK council: “We would like to formally announce our decision to resign from our respective positions in the Sangguniang Kabataan Council of Barangay Banate.

“This decision came after careful consideration of our personal circumstances, professional development, and future career plans.

“As we move forward, we believe it is also important to give ourselves the opportunity to explore new paths, pursue other goals, and grow beyond our current responsibilities.”

Ibinahagi rin nila ang mga naging karanasan at natutunan bilang SK leaders: “Serving the youth of Barangay Banate has been an up and down, and a meaningful experience for all of us.

“We also see this transition as an opportunity for other young leaders to step forward, take on responsibilities, share their ideas, and gain firsthand experience in leadership and public service.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling SK elections ay noon pang October 30, 2023. Dapat sana ay maghahalal ng bagong set of officers noong December 2025, pero na-postpone ang elections sa November 2026, na na-postpone ulit sa November 2028.

Barangay Banate SK Chairperson Phejay Pacaña Binigyang-linaw ni Barangay Banate SK Chairperson Phejay Pacaña ang mga dahilan ng pagbibitiw niya at ng mga kagawad sa tungkulin.
Photo/s: Sangguniang Kabataan-Banate FB)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BSKE 2026 POSTPONEMENT, CAREER AND PROFESSIONAL GROWTH TRIGGER THE RESIGNATION

Sa Facebook post ni SK Chairperson Phejay Pacaña last November 3, sinabi niyang ang kanilang lahatang pagbibitiw sa tungkulin ay bunsod na rin ng palagiang pagpapaliban sa local elections.

Ipinaliwanag niyang kung mananatili sila sa puwesto ay maaantala naman ang academic and professional pursuits ng council members—na karamihan ay licensed professionals and college honor graduates.

Ibinahagi rin ni Pacaña na plano sana ng council na tapusin ang kanilang termino kung hindi na-postpone ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Aniya, kung magsisilbi pa sila ng karagdagang dalawang taon, magdudulot iyon ng financial and personal hardships sa council members lalo pa at maliit lang ang compensation na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa SK officials.

"I know the oath I took was serious. But I also realized that I cannot keep postponing my own life indefinitely. I have dreams outside this office."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bigger retirement savings? Department of Finance eyes improvements to PERA program

SK COUNCIL HAS NO CONFLICT WITH BARANGAY OFFICIALS

Binigyang-diin naman ni Pacaña na ang desisyon ng SK council na magbitiw na sa puwesto ay hindi dulot ng sigalot sa barangay council.

Ipinaliwanag niyang ang mga opisyal ng barangay at SK officials ay maayos ang working relationship sa kabuuan ng kanilang three-year tenure.

“I also want to make something clear: this decision is not simply about any past disagreement or supposed conflict between the SK Council and Barangay Council.

“After all, we have maintained a good working relationship, and whatever circumstances may have happened along the way do not holistically explain this decision.”

Pagtitiyak ni Pacaña: “There are personal and professional considerations behind it that deserve to be understood beyond assumptions.

“Despite everything, we never stopped wanting what is best for Banate.

“We continued to serve, to plan, and to offer what we could until we reached this point.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mulbert Dominguez: Stroke survivor, Top 6 in teachers' board exam

NETIZENS REACT

Ang desisyon ng SK council ng Barangay Banate ay naging mainit na talakayan sa social media.

May mga nagpahayag ng pangamba na posibleng maantala ang pagpapatupad ng mga proyektong pangkabataan sa naturang barangay.

Mahirap din umano ang gagawing pagsasanay sa mga papalit sa puwestong nabakante ng konseho.

May mga pumuri naman sa desisyon nina Pacaña at sinabing praktikal lang na piliin ng mga ito na unahin ang kani-kanilang pag-aaral at karera.

Ayon sa isang nagkomento: “Ito yung mga SK officers na hindi kapit-tuko sa position nila. Di ginawang pangkabuhayan showcase yung pagiging opisyal ng gobyerno.

“Yung iba, tuwang-tuwa sa extension kahit walang nagawa at nakatunganga lang. Kudos! Sana makamit ninyo ang mga nais ninyo sa buhay.”

Ang mga SK officers ay may natatanggap na honoraria depende sa total annual budget ng barangay.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11768 at SK Planning and Budgeting Guidelines, 10% ng general fund ng barangay ay para sa SK projects.

Dito rin kinukuha ang honoraria, na ang total amount para sa lahat ng officers ay hindi dapat lumampas sa 25% ng SK budget.

Netizens on SK Council resignation
Marami sa netizens ang pumuri sa desisyon ng SK council ng Barangay Banate sa Malungon, Sarangani na magbitiw sa kanilang tungkulin.

WHAT WILL HAPPEN TO THE VACATED SK POSITIONS?

Ang boluntaryong pagbibitiw ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ay legal batay sa Section 19 ng Republic Act 10742, o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, na inamyendahan ng RA 11768.

Alinsunod sa mga patakaran ng Department of the Interior and Local Government, partikular ang DILG Memorandum Circular No. 2018-212, pupunan ang mga nabakanteng posisyon sa pamamagitan ng special elections o ng Katipunan ng Kabataan assemblies upang maghalal ng mga papalit na SK officials para sa unexpired terms.

Isasailalim din ng DILG ang incoming officers sa mandatory training bago nila gawin ang kanilang administrative duties, kabilang ang pamamahala sa youth development funds.

Inihayag naman ng mga opisyal ng Barangay Banate na magpo-post sila ng announcements para sa selection process ng bagong SK council sa kanilang official page.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga nagbitiw na opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Banate sa Malungon, Sarangani.
PHOTO/S: Sangguniang Kabataan-Banate FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results