Remember James Pinca?
Nagbida siya sa 2011 indie movies na Private Nights at Laro, both directed by Vince Tan, pseudonym ng isang prolific director.
Si James ang gumanap na central character sa Private Nights bilang isang macho dancer.
Co-stars niya rito sina Jonas Gruet, Miko Laurel, Dustin Jose, Stella L, Chito Alcid, Hanni Miller, Tony Lapeña, Ram Campbell, Ric Ric Sabik, at Xixi Maturan.
Sa Laro, ang pinakabida ay si Toffee Calma.
Nasa cast din nito sina Brad Laurente, Jenaira Chu, Irish Contreras, at Jane Travolta.
Support lang sana si James sa Private Nights.
At the last minute ay nag-back out ang bida, kaya right there and then ay si James ang ginawang lead role.
Read:
VIVA heartthrob Dale Villar: where is he now?
Click star Mikel Campos: Where is he now?
JAMES PINCA'S INDIE MOVIES
Kumusta ang experience niya noon sa indie movies?
“Okay po, masaya. Marami po akong naging kaibigan. Marami po akong nakilalang mga medyo bigatin po na mga artista. Lumawak po yung horizon ko,” tugon ni James.
Hindi raw siya nailang sa mga mapangahas na eksena, lalo pa’t sanay siya sa pagrampa na kapiraso lang ang saplot.
Ang tumatak sa alaala ni James: “Sobrang pagod ko noon. Umaga pa lang po, shooting na agad kami. Hanggang madaling-araw po.
“Tapos, yun pong mga bold scene, kinukunan, madaling araw na, so pagod na po ako.”

Hindi uso noong ang pagpaplaster sa indie movies, na karamihan ay gays ang target audience.
Kagawian noon ang mga eksena ng male frontal nudity. Wala pa rin noong Eddie Garcia Law.
Kasa-kasama dati ni James sa shooting ang kapatid niyang si Jacob, na nag-ekstra sa Private Nights. Natuwa raw ang kanyang parents nang mapanood siya sa big screen.
“Buong pamilya po, naka-support naman po sa akin,” sabi ni James.
Hindi nagtuluy-tuloy ang pag-aartista ni James at mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagmomodelo.
Aminado si James na marami siyang natanggap na indecent proposal, pero hindi raw niya pinatos ang mga ito. Wala sa hinagap niya at all.
JAMES PINCA'S FALLBACK
Wala pa raw asawa o anak si si James Pinca dahil busy siya sa work.
Meron siyang tatlong bigasan, dalawa sa Caloocan at isa sa Novaliches.
“Yung isang tindahan ko po, ako talaga ang nagha-handle nun. May mga tao po ako dun sa dalawang puwesto.”
Apektado ba siya ng hirap ng buhay ngayon? Apektado ba ang kanyang negosyo?
“Sa lahat naman po ng business ngayon, may lugi po talaga, e. Katulad po nung isang tindahan ko, nalugi po talaga,” saad ni James.
“Kaya sinarado ko po iyon, inilipat ko po ng ibang puwesto. Nakabawi naman po.”
Ano ba ang hugot niya sa buhay?
“Gusto ko lang pong maging masaya,” sagot ni James.
Masaya raw siya na balik siya ngayon sa pagmomodelo.
At babalik siya sa pag-aartista kung meron daw magandang offer, pero hindi raw niya iyon hinahanap o hinahangad.
PINTADOS 2026
Nagwagi si James sa ilang bikini pageants noon.
Ngayon ay isa siya sa 22 kalahok sa 3rd edition ng timpalak na Pintados, na contest ng mga hunk models na may tattoo.
“Eight years ago po nang huli akong sumali sa isang bikini competition,” sabi ni James sa sashing ceremony ng Pintados 2026 noong Oktubre 16, 2026, sa Hamada Massage and Wellness Spa, Sct. Ybardolaza St., Quezon City.
“Sinubukan ko lang po na sumali uli, kung okay pa po.”
Dalawampu’t dalawa (22) ang kalahok sa third edition ng Pintados 2026, na ang preliminary competition ay ngayong Nobyembre 7, Sabado ng 8:00 P.M., sa Kradle Krib, Timog Ave., Quezon City.
Rarampa ang mga kalahok sa apat na segment: Tribal Costume, Sarong, Bahag, at Swimwear. Ang tiket ay PHP500.
Kabilang sa mga hurado sina Direk Easy Ferrer, Patrick Isorena, Omar Sortijas, Doc JM Chu, Kevin Reyes Silvano, Jeoffrey Solas, Carding Taga, Louie Tuazon, Edward King Ignacio, Oskee Recabar, Loren Young, at Mojo 12 Photography.
Ang grand finale ay sa Nobyembre 14, Sabado ng 8:00 P.M., doon pa rin sa Kradle Krib. Ang tiket naman ay PHP600.
Punong-abala rito si June Laxa ng The Laxa Legacy Production.
Sa paligsahang ito ay kinatawan ng Mindoro si James Pinca.
Kabilang sa mga kalahok ang VMX actor na si Giro del Rosario (Cavite City), Marky Silva (Batangas City), na nakaanim na project sa CinePOP, at Ariel Piala (Caloocan City), na member ng defunct MaxBoyz.

Kalahok din dito ang mga digital creator na sina Mark Lee Canezo (Leyte), Andre Gonzales (Manila), Harold Go (Bulacan), Marvin Jimenez (Pasig City), Kenjie del Rosario (Laguna), Harvey Galang (Tondo, Manila), Bryan Abulencia (Quezon City), Jayvinne Klein Jainar (Parañaque City), Hero de Guia (San Juan, Batangas), at Ian Generoso (Trece Martires City).
Contenders din sina Simon Abrenica (Cainta, Rizal), Angel Ruiz (Las Piñas City), Kenjie Rodriguez (Pampanga), Syd Mendoza (Marilao, Bulacan), Webster Eleazar (Binondo, Manila), Rafael Diaz (Makati City), Aga Miguel (Quezon), at Benedict Legaspi (Malabon).
