PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Gonzaga open to Darren Espanto's courtship: "Why not?"

Jackie Gonzaga's Calendar Girl dream finally comes true.
by Arniel C. Serato
Published 5 days ago
Jackie Gonzaga not closing doors to love life
Ginebra San Miguel 2027 Calendar Girl Jackie Gonzaga not closing doors on new relationship: "Hindi natin sinasarado yung doors natin sa love life. Pero kung may taong karapat-dapat na sabihan natin ng yes, why not?"
PHOTO/S: Arniel Serato

Pinag-usapan nang husto ang ang launching ni Jackie Gonzaga bilang pinakabagong Ginebra San Miguel 2027 Calendar Girl noong November 12, 2026.

Idinaan din kasi sa panghaharana ang bawat reveal ng layout niya na umabot sa anim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa question-and-answer portion ng launch, ipinakita ang iba't ibang klaseng harana.

Tinanong si Jackie kung naharana na siya sa totoong buhay.

Sagot ng It's Showtime co-host: "Ah, parang hindi pa. Yung talagang pangmalakasang harana, yung ganap na ganap, parang hindi pa."

Gusto rin ba niyang maharana?

"Oo naman. Sino ba namang babae ang hindi mimithiin at gugustuhing haranahin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JACKIE GONZAGA NOT CLOSING DOORS TO LOVE LIFE

Matagal na raw walang love life si Jackie.

Ngunit paglilinaw niya, "Hindi naman... hindi natin sinasarado yung doors natin sa love life.

"Pero kung may taong karapat-dapat na sabihan natin ng yes, why not?"

Nitong mga nakaraang buwan, tinutukso-tukso sina Jackie at Darren Espanto sa It's Showtime.

Jackie Gonzaga, Darren Espanto, with their It's Showtime family.
Jackie Gonzaga, Darren Espanto, with their It's Showtime family.
Photo/s: Courtesy: It's Showtime on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kamusta ba sila?

"Oh, we're good po. We're happy. We're having fun together sa Showtime family.

"Sobrang saya po namin lahat," tugon ni Jackie.

Naharana na ba siya ni Darren?

"Alam mo, nahaharana naman niya ako. Sobrang galing nun kumanta.

"Lagi yun kumakanta and all kaya ang sarap niyang pakinggan."

Kung manliligaw si Darren sa kanya, open ba siya?

"Why not? Puwede naman," sagot ni Jackie.

Read: TV5 announces its 2027 lineup of shows at thanksgiving party

SUPPORT FROM IT'S SHOWTIME FAMILY

Sa media interview after the launch, naitanong kay Jackie kung paano siya sinusuportahan ng kanyang It's Showtime family.

Aniya: "Sobrang grabe yung support nila sa akin. Not just sa blessing pero even yung mga down moments ko, nandiyan sila.

"Kaya talagang sine-share ko sa kanila itong opportunity na ito, itong blessing na ito for me, through them, through the whole Showtime family — the hosts, the staff, the crew, everyone na nandiyan sa Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is our win."

Ayon kay Jackie, sobrang masaya para sa kanya ang manager niyang si Vice Ganda.

"Opo. Sobrang saya nun. Isa yun sa mga taong masaya para sa akin.

"Kung anuman mangyari sa buhay ko, no matter what, isa si Ate sa taong nandiyan for me kahit anong mangyari."

Ayon pa kay Jackie, ang pagiging Calendar Girl ay fantasy lamang niya noon pero naging reality na ito sa ngayon.

So, "yes" kaagad siya nang inalok sa kanya ang maging Ginebra Calendar Girl?

Saad ni Jackie: "Oo naman po. Kasi ako nga, sinabi ko nga din po kanina na pag mayroong trabaho na in-offer sa akin, walang pagdadalawang-isip, 'Go.'

"Basta po trabaho yun, 'Sige, tara, go.' Gusto ko yan.

"Kasi wala naman sa pagkatao ko... hindi ako namimili, e.

"Parang alam ko mag-e-enjoy ako sa ganito, kasi pinasok ko tong larangan na to, e.

"So, lahat ng bumukas na opportunity, go."

Jackie Gonzaga (in red) with Ginebra San Miguel executives during her launch as their 2027 Calendar Girl on November 12, 2026 at Diamond Hotel, Manila.
Jackie Gonzaga (in red) with Ginebra San Miguel executives during her launch as their 2027 Calendar Girl on November 12, 2026 at Diamond Hotel, Manila.
Photo/s: Arniel Serato

Read: Jackie Gonzaga: from "Ate Girl" to Calendar Girl

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginebra San Miguel 2027 Calendar Girl Jackie Gonzaga not closing doors on new relationship: "Hindi natin sinasarado yung doors natin sa love life. Pero kung may taong karapat-dapat na sabihan natin ng yes, why not?"
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results