Humingi ng paumanhin sa publiko ang singer-songwriter at music producer na si Jeremy G, Jeremy Glinoga sa tunay na buhay, matapos niyang makatanggap ng batikos mula sa ilang tagahanga ng P-pop girl group na BINI.
Noong Martes, November 17, 2026, nag-post si Jeremy ng video sa kanyang social media account upang ipagdiwang ang pagkakasama ng BINI sa listahan ng mga nominado sa inaugural Best Asian Pop Music Performance category ng 2027 Grammy Awards para sa kantang "Unang Kilig."
Kabilang din sa mga nominado sa nasabing kategorya ang P-pop boy group na SB19.
Read: SB19 and BINI make P-pop history with 2027 Grammy nominations
Sa video, emosyonal na ipinakita ni Jeremy ang screenshot ng Grammy-related announcement tungkol sa nominasyon ng BINI.
Si Jeremy ang songwriter at producer ng kantang "Unang Kilig."
Kitang-kita sa video ang pag-iyak ni Jeremy habang masayang sumisigaw ng, "I'm making this video because I'm Grammy-nominated, baby!
"Yeah. Congrats, BINI! Unang Kilig!"
Read: Jairus Aquino on faith, giving back, staying grounded in showbiz
Sa caption ng video, ipinagmalaki ni Jeremy sa kanyang mga magulang ang pagkakabilang niya sa tagumpay ng kantang nakakuha ng nominasyon sa Grammy Awards.
Mababasa sa caption niya: "Mom, Dad, your son is officially a Grammy-nominated songwriter and producer [crying emojis].
"Congrats, BINI. Congrats, Star Music, let's go Philippines."
NETIZENS REACT TO JEREMY'S "GRAMMY-NOMINATED SONGWRITER AND PRODUCER" CLAIM
Mabilis umani ng reaksiyon ang mga pahayag ni Jeremy, kung saan kinuwestiyon ng ilang netizens ang paggamit niya ng titulong Grammy-nominated songwriter and producer.

Ayon sa mga nagkomento, bagamat kabilang si Jeremy sa mga sumulat at nag-produce ng "Unang Kilig," hindi nangangahulugang nominado rin siya sa Grammy Awards dahil ang nominasyon ay para sa performance ng BINI.
Komento ng isang netizen (published as is): "LOL. You are NOT nominated. Why are you taking all the glory?
"It's the performance that is nominated. Nakakahiya talaga tong mga lalaki na sobrang self-centered.
"Let the WOMEN who are ACTUALLY NOMINATED FOR THEIR PERFORMANCE TAKE THE SPOTLIGHT."
Saad pa ng isa (published as is), "Hindi porket nominated ang BINI ay nominated ka rin kasi magkaiba ang credit sa performance at song writer/producer.
"Kahit anong i-submit na song ng BINI, ma-nominate sila dahil performance ang basehan."
Dagdag pa ng isa (published as is), "Gets yung excitement mo kasi u wrote/produce the song PERO... let's be real here, HINDI ka Grammy-nominated songwriter/producer, ok ba? Minsan tigilan din nating maging delulu, ano?"
Kung may mga bumatikos kay Jeremy, mayroon din namang nagtanggol sa singer-songwriter.
Ayon sa ilang Blooms, tawag sa fandom ng BINI, valid ang masayang reaksiyon ni Jeremy dahil malaki ang naging kontribusyon niya sa kantang nakakuha ng nominasyon para sa grupo.
Sabi ng isang netizen, "Your reaction is completely valid. You poured your hard work and dedication into making this song a masterpiece, and we’re truly grateful for that.
"You are rightfully credited, and the song was perfectly aligned with your vision as well. We appreciate how you brought color and life to the music. Please continue creating amazing music for BINI!"
"We totally understand you, Jeremy! You're a big part of this and you deserve also the recognition," dagdag pa ng isa.
JEREMY ADDRESSES BACKLASH AFTER CALLING HIMSELF GRAMMY-NOMINATED
Bagamat may mga nakauunawa sa kanyang naging reaksiyon, minabuti pa rin ni Jeremy na humingi ng paumanhin sa mga tagahanga ng BINI na nalito o nasaktan sa kanyang mga pahayag.
Sa Facebook nitong Miyerkules, November 18, inamin ni Jeremy na maaaring nadala siya ng kanyang emosyon at nakapagsabi ng mga bagay na may ibang kahulugan sa iba.
Binigyang-diin din niyang wala siyang intensiyong agawan ng pagkilala ang sinuman.
Ayon kay Jeremy, ang naging reaksiyon niya ay nagmula lamang sa kanyang labis na kasiyahan at paghanga sa BINI.

Mababasa sa kanyang post: "I may have gotten a little carried away and said things that weren’t entirely accurate.
"But it all came from genuine excitement and joy for the song and for BINI, and I never meant to diminish anyone’s achievements."
JONATHAN MANALO DEFENDS JEREMY AGAINST BASHERS
Samantala, nagpahayag din ng saloobin ang music producer at songwriter na si Jonathan Manalo tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Jeremy.
Sa kanyang post, ipinagtanggol ni Jonathan ang kapwa singer-songwriter at hiniling sa netizens na hayaan itong namnamin ang saya sa pagkilala sa BINI.
Si Jonathan ay creative director at assistant vice president ng ABS-CBN Music, gayundin ang head of content, creatives, and operations ng music division.
Saad niya, "I hope we can all be more mindful of other people’s happiness, esp when it’s genuine & harmless.
"Let @imjeremyghave his moment to take it all in & enjoy it.
"We may not always share the same excitement, but I hope we can choose not to bring negativity into someone else’s joy."
Read: Meet Jonathan Manalo: the man who wrote "Leni Laban," "He's Into Her," and "Pinoy Ako"
