PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBA legend Peter June "PJ" Simon dies at 46

Former PBA star PJ Simon passed away on November 20, 2026.
by Erwin Santiago
Published 3 days ago
pj simon death
Former PBA star PJ Simon, known as “The Scoring Apostle,” passes away at 46 after collapsing during a basketball game in Davao City. He won eight PBA championships with the Purefoods-Magnolia franchise.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph

Nagluluksa ngayon ang Philippine basketball community dahil sa biglaang pagpanaw ng dating PBA player na si Peter June Simon, na mas kilala sa kanyang palayaw na "PJ" at bansag na “The Scoring Apostle.”

Ayon sa ulat ng SPIN.ph, binawian ng buhay si Simon matapos mag-collapse habang naglalaro ng local basketball game sa Davao City nitong Biyernes ng gabi, November 20, 2026.

Siya ay 46.

Kinumpirma ng dating PBA team ni Simon na Magnolia ang malungkot na balita nitong Sabado ng madaling-araw, November 21.

Marami ang nagulat sa kumalat na videos kung saan makikitang pinapayapayan si Simon ng kanyang teammates habang nakaupo sa bench, at kalaunan ay isinakay siya sa ambulansiya at isinugod sa ospital.

“Pag-upo niya para magpahinga, bigla na lang inatake,” kuwento ng kapwa niya PBA veteran na si Alvin Pasaol sa SPIN.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilang sources, dinala si Simon sa San Pedro Hospital sa Davao kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 32 after cancer battle

PJ SIMON, 8-TIME PBA CHAMPION

Isa si Simon sa mga kinikilalang scoring machine ng Purefoods franchise, na kalaunan ay naging San Mig Coffee Mixers at Magnolia Hotshots.

Sa loob ng 16 season sa PBA, nakilala si Simon bilang isa sa mga maaasahang scorer ng koponan, partikular bilang sixth man.

Kabilang sa pinakamalalaking tagumpay niya ang pagkapanalo ng walong PBA championships, kasama ang makasaysayang Grand Slam ng San Mig Coffee Mixers noong 2013-2014 season.

Noong 2008 PBA All-Star Game, nagtala siya ng 29 points sa loob lamang ng 20 minuto upang pangunahan ang South team sa overtime victory laban sa North.

Dahil dito, naiuwi niya ang All-Star Game Most Valuable Player award.

Nagtala rin siya ng career-high na 42 points laban sa Air21 Express noong Nobyembre 10, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2020, inanunsiyo ni Simon ang kanyang pagreretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa PBA.

Bilang pagkilala sa kanyang malaking kontribusyon sa prangkisa, itinaas at itinigil ng Magnolia ang jersey No. 8 ni Simon sa isang halftime ceremony noong Disyembre 25, 2021.

MULA DAVAO, NARATING ANG PBA

Hindi naging madali ang paglalakbay ni Simon patungo sa professional basketball.

Tubong Makilala, Cotabato, nagsimula siyang makilala sa basketball scene sa Mindanao bago naglaro para sa Davao Eagles sa Metropolitan Basketball Association (MBA).

Nagpatuloy ang kanyang karera sa Philippine Basketball League (PBL), kung saan naglaro siya para sa Hapee at Fash.

Nakuha rin niya ang PBL Most Valuable Player award noong 2003-2004 season.

Bagamat napili siya ng Sta. Lucia Realtors bilang 43rd overall pick sa 2001 PBA Rookie Draft, hindi siya agad nakapasok sa liga.

Kalaunan, binigyan siya ng pagkakataon ng Purefoods bilang rookie free agent noong 2004.

Mula noon, naging bahagi siya ng isa sa pinakamatagumpay na panahon ng prangkisa, kasama sina James Yap at Marc Pingris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ang kanyang retirement, nanatili siyang aktibo sa basketball, kabilang ang paglalaro para sa Davao Occidental Tigers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Read: Bruno Mars mourns the passing of father Peter Hernandez: “I love you Pops.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBA star PJ Simon, known as “The Scoring Apostle,” passes away at 46 after collapsing during a basketball game in Davao City. He won eight PBA championships with the Purefoods-Magnolia franchise.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results