PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Congress recognition sought for Eurovision Asia winner Carmelle

Carmelle Collado may join SB19, BINI in receiving Congress honor.
by Bong Godinez
Published A day ago
carmelle collado eurovision asia
Negros Occidental Rep. Javi Benitez files a House resolution seeking congressional recognition for Carmelle Collado, the Philippines' first-ever Eurovision Song Contest Asia winner. The move aims to celebrate her international achievement and highlight Filipino talent.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Plano ni Negros Occidental Third District Representative Javier Miguel “Javi” Benitez na kilalanin ng Kongreso ang tagumpay ng singer na si Carmelle Collado sa katatapos na Eurovision Song Contest Asia.

Sa House Resolution No. 1625 na inihain ni Javi, sinabi nitong patunay ang panalo ni Carmelle ng talento ng mga Pilipino hindi lang sa loob ng bansa kundi maging sa international stage.

Nakatutulong din umano ang ganitong mga tagumpay upang higit na makilala ang talento at kakayahan ng Filipino artists.

Dagdag pa ng mambabatas, mahalagang patuloy na palakasin ang suporta sa industriya ng sining at magbukas ng mas maraming pagkakataon para sa mga Pilipinong artistang nais makipagkompetensiya sa ibang bansa.

Pinangungunahan ni Javi ang House Special Committee on Creative Industries, at batay raw sa Artikulo XIV, Seksyon 14 at 15 ng Konstitusyon ang resolusyon.

Nakasaad dito ang kahalagahan ng pangangalaga sa kulturang Pilipino, pagsusulong ng sining, at pagpapalawak ng pagkilala sa mga likhang-sining ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung matuloy ang resolusyon ay mapapabilang si Carmelle sa mga music acts katulad ng BINI at SB19 na kamakailan ay binigyang parangal ng mga mambabatas.

Read: SB19 and BINI make P-pop history with 2027 Grammy nominations

Carmelle's historic victory

Si Carmelle ang kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia winner matapos nitong masungkit ang tropeyo kamakailan sa Bangkok, Thailand.

Ang Eurovision Song Contest Asia ay ang Asian version ng tanyag na European talent search show na Eurovision Song Contest.

Kinatawan ni Carmelle ang Pilipinas sa nasabing paligsahan kung saan ay inawit niya ang dance track na “Sobra-Sobra.”

Tema ng awitin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagkilala sa sariling halaga.

Sa huli ay nakalikom si Carmelle ng 211 puntos, dahilan upang manguna siya sa kompetisyon.

Pumangalawa ang Thailand na may 170 puntos, habang pumangatlo naman ang Vietnam na nakapagtala ng 164 puntos.

Beterana si Carmelle pagdating sa mga talent search shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinatawan niya ang Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach, California noong 2019.

Doon, nag-uwi siya ng pitong gintong medalya bilang pagkilala sa kaniyang husay sa pagtatanghal.

Sa taon ding iyon, sumabak siya sa singing competition na The Voice Kids, kung saan nagtapos siya bilang first runner-up.

Noong 2025, nakamit niya ang titulong Grand Champion ng Tawag ng Tanghalan.

Naging bahagi rin si Carmelle ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0, na naging tulay para mas makilala siya ng publiko.

Read: Philippine bet Carmelle Collado wins inaugural Eurovision Asia

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Negros Occidental Rep. Javi Benitez files a House resolution seeking congressional recognition for Carmelle Collado, the Philippines' first-ever Eurovision Song Contest Asia winner. The move aims to celebrate her international achievement and highlight Filipino talent.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results