Trouble in paradise?
Ito ang tanong ng netizens sa balitang nag-unfollow sa isa't isa sina Robbie Jaworski, 26, at Magui Ford, 24 sa Instagram.
Kumalat ang impormasyong ito sa social media nitong Lunes, November 23, 2026, o dalawang araw mula nang lumabas si Robbie sa Pinoy Big Brother bilang house guest.
Read: Robbie Jaworski opens up about "my woman" Magui Ford
Kung titignan ang Instagram accounts ng magkasintahan, makikitang hindi na nga sila naka-follow sa isa't isa.
Ipinagtaka ito ng mga masugid nilang tagasubaybay, pati na rin ng iba pang netizens na napanood sa PBB ang pagiging bukas ni Robbie sa pagtatangi nila ni Magui sa isa't isa.
October 4 nang ma-capture ang masinsinang kuwentuhan ni Robbie at PBB housemate na si Anthony Constantino.
Ganadung-ganado pa si Robbie noon habang inaalala ang unang pagkikita nila ni Magui.
Nagswak daw agad sila hindi lang sa conversation kundi pati sa kanilang values.
Very supportive rin daw sila sa kani-kanilang trabaho.
Iyon ang unang pagkakataong hayagang ibinahagi ni Robbie ang relasyon nila ni Magui dahil low-key lang sila noon.
Read: Magui Ford, Robbie Jaworski make romance public with HK trip
ROBBIE JAWORSKI ASKED ABOUT MAGUI FORD
Noon lamang November 19, nang bumisita ang ina ni Robbie na si Mikee Cojuangco sa loob ng PBB House, matapos magyakapan ang mag-ina ay unang tinanong ni Robbie kay Mikee, "How's Magui?"
Simpleng sagot ni Mikee noon, "Good."

Isa itong senyales na bukod sa kanyang pamilya ay isa si Magui sa mga lubos niyang na-miss sa outside world.
Kaya ganoon na lang ang sorpresa ng ibang netizens sa isyung nag-unfollow sa isa't isa sina Robbie at Magui.
Kung titignan naman ang kanilang TikTok accounts ay naka-follow pa rin sila sa isa't isa.
Nandun pa rin ang video nila na magkasama nang may daluhang event noong September.
MAGui FORD AND ROBBIE JAWORSKI RELATIONSHIP
Hindi kaila sa mga nakakasubaybay sa couple na matagal na silang may espesyal na ugnayan.
As early as September 2025, may nakapansing kasama ni Robbie si Magui sa isang kainan kasama ang mga magulang ng binata na sina Pasig City Vice-Mayor Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco.
Kasama rin nila noon si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Namataan ding magkasama sina Robbie at Magui bilang guests sa kasal ng isang non-showbiz couple noong January 2026.
Pareho silang bahagi ng roster of stars ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
At noong August 2026, ipinakita ni Magui sa IG account niya ang video ng Hong Kong trip nila ni Robbie.
Makikitang sweet na sweet sila sa video na iyon.
Sa comments section, nilaglag din sila ng mga malapit na tao sa kanila, kabilang ang kapatid ni Magui na si Lella na tinawag sina Magui at Robbie na "mhie" at "dhie."
