Kinoronahang Miss Universe 2026 ang kandidata ng Puerto Rico na si Jennifer Barreto, na nagbigay ng panibagong korona sa host country ngayong taon.
Nagtapos naman bilang third runner-up ang Philippine bet na si Bea Millan-Windorski.
Gumawa rin ng kasaysayan si Jennifer bilang kauna-unahang ina na nagwagi sa Miss Universe. Mayroon siyang pitong taong gulang na anak na babae.
Para sa Puerto Rico, ito na ang ikaanim na Miss Universe crown.
Mas espesyal ang pagkapanalong ito dahil ikalawang pagkakataon na nilang masungkit ang titulo nang ganapin ang kompetisyon sa kanilang bansa.
Unang nangyari ito noong 2001, nang koronahang Miss Universe ang pambato rin ng Puerto Rico na si Denise Quiñones.
MISS UNIVERSE 2026 RUNNERS-UP
Nasungkit ni Melissa Nuñez ng Dominican Republic ang first runner-up, habang second runner-up naman si Clara Vegas ng Venezuela.
Third runner-up si Bea Millan-Windorski ng Pilipinas, at fourth runner-up naman ang kandidata ng New Zealand na si Georgia Waddington.
Kabilang sa fan favorites ang limang nakasama sa Top 5.
MISS UNIVERSE 2026 TOP 12
Bukod sa Top 5, nakapasok din sa Top 12 ang mga kandidata mula sa Chile, USA, Cuba, Colombia, Nicaragua, Democratic Republic of the Congo, at France.
Read: LIVE UPDATES: Bea Millan-Windorski makes it to Miss Universe 2026 Top 5
MISS UNIVERSE 2026 TOP 30
Mula sa116 candidates mula sa iba't ibang bansa at teritoryo, 30 ang napili para magpatuloy sa kompetisyon.
Kabilang sa mga nakapasok ang mga kandidata mula sa New Zealand, Chile, Brazil, India, Netherlands, Turks and Caicos, Peru, Cuba, Serbia, Dominican Republic, Curacao, United States, Israel, Ecuador, Puerto Rico, Tanzania, Mexico, Guinea, Colombia, Ukraine, Panama, Costa Rica, Uganda, Philippines, France, Ethiopia, Belgium, Venezuela, Democratic Republic of the Congo, at Nicaragua.
Read: LIVE UPDATES: Miss Universe 2026 Top 30
MISS UNIVERSE 2026 HOSTS AND VENUE
Idinaos ang 75th Miss Universe sa José Miguel Agrelot Coliseum sa San Juan, Puerto Rico.
Ipinasa ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch ng Mexico ang korona sa bagong reyna.
Nagsilbing hosts ng kompetisyon ang si Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel at ang American TV personality na si Mario Lopez.
Commentary hosts naman sina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Zuri Hall.
