Pumanaw na ang dating Pinoy Big Brother Otso housemate at aktres na si Hasna Cabral.
Kinumpirma ng pamilya ni Hasna ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 25, 2026.
Ayon sa kanilang pahayag, inatake siya ng stroke na nakaapekto sa brain activity niya.
Agad ding inilibing si Hasna alinsunod sa mga ritwal ng kanilang pananampalatayang Islam.
“We, the family of Hasna, mourn her untimely passing. She had stroke attack that affected brain activity. And was immediately buried following Islamic rites,” saad ng pamilya.
FAMILY ASKS PUBLIC TO RESPECT THEIR PRIVACY
Nauunawaan ng pamilya na marami ang gustong makita ang mga huling sandali ni Hasna, ngunit hiniling nila sa publiko na igalang ang kanilang paniniwala at ang paraan ng paglilibing sa kaniya.
“We understand the eagerness to see her last moments. And we truly appreciate that. However, we ask for your understanding that she was laid to rest according to our faith,” pahayag nila.
Sa halip, hinimok nila ang mga nakakakilala at nagmamahal kay Hasna na alalahanin ito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang sarili, pagpapahalaga sa buhay, at pagpapahayag ng pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay sa bawat pagkakataon.
“Please keep her memory alive by keeping yourselves in always perfect condition. Rest, in behalf of the rest she deserved, but couldn't afford herself. Enjoy your life as she would. And express your love to your loveones in every chance possible.”
Nagpasalamat din ang pamilya sa mga nakikiramay at nag-aalay ng panalangin para kay Hasna.
Nilinaw rin nila na walang donation drive na inilunsad o pinahintulutan sa pangalan ng dating housemate.
“Ps. Your thoughts, condolences and du'a are more than enough. We do not wish to obligate anyone, hence, no donation drive has been organised, authorised or initiated in her name.”
Read: Miss Universe 2026: Puerto Rico wins crown, Bea Windorski is 3rd runner-up
HASNA CABRAL IN PINOY BIG BROTHER OTSO
Nakilala si Hasna bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Otso noong 2019.
Tinawag siyang “Ukay Nanay ng Cavite” dahil sa kanyang online ukay-ukay business at pagiging hands-on mother sa dalawa niyang anak na may autism.
Pumasok siya sa Bahay ni Kuya upang makapagbigay ng mas magandang kinabukasan sa kanyang mga anak, lalo na sa kanilang pangangailangan sa edukasyon, therapy, at pagpapagamot.
Isa sa mga naging emosyonal na bahagi ng journey ni Hasna ang pagbabahagi niya kay Kuya ng mga pagsubok na pinagdaraanan bilang ina. Naantig din sa kanyang kuwento ang maraming manonood.
Naging bahagi pa ng isang weekly task ang pagtulong sa kaniyang negosyo. Nag-donate si Vice Ganda ng mga damit na ibinenta sa online ukay-ukay activity na tinawag na “Pinoy Big Ukay.”
Umabot sa PHP239,440 ang nalikom mula sa naturang task na ipinagkaloob kay Hasna upang makatulong sa pangangailangan ng kanyang mga anak.
Gayunman, nagtapos ang journey ni Hasna sa Bahay ni Kuya nang maging isa siya sa mga na-evict na housemates mula sa Batch 4.
HASNA CABRAL'S SHOWBIZ CAREER AFTER PBB
Hindi natapos sa pagiging reality show housemate ang showbiz journey ni Hasna.
Nasundan ito ng mga acting project sa telebisyon, kabilang ang mga Kapamilya series na Hoy Love You, La Vida Lena, at Viral Scandal.
Naging bahagi rin siya ng Maalaala Mo Kaya episode na “Lumpiang Shanghai” noong 2022.
Sa isang PEP Live interview noong Disyembre 2021, ikinuwento ni Hasna ang kanyang karanasan sa PBB at kung paano naging mahalagang pagkakataon sa buhay niya ang pagsali sa reality show.
Patuloy siyang nakilala sa kanyang mga pagganap sa telebisyon at iba pang acting projects at maging sa paghu-host matapos ang paglabas niya sa Bahay ni Kuya.
