Hindi rin pinalampas ng pet lover na si Jona Viray ang masaklap na sinapit ng departed furbabies na inaakusahan ng pangsasaula ng isang pet crematorium.
Nitong mga nakaraang linggo ay naging mainit na usapin ang tungkol sa pet animals o fur babies na natagpuang itinapon ang mga bangkay noong Oktubre 30, 2026, sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan.
Ikinagalit ito ng fur parents na nagtiwalang ang kanilang departed fur babies ay mai-cremate nang maayos at mabibigyan ng disenteng pagwawakas ng kanilang buhay.
Sangkot dito ang Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor, Cavite, na nagsagawa ng cremation sa mga alagang hayop.
Si Jona ay isang pet lover, na ginawang pet sanctuary ang kanyang farm sa Tanay, Rizal, para malayang makagala at mamuhay ang kanyang recsued dogs and cats.

Read: Jona converts land in Tanay into shelter for rescued animals
JONA: "tao pa po ba talaga yung gumagawa nun?"
Sa eksklusibong panayam ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jona kahapon, November 25, 2026, sinabi ng ASAP XP singer na nasaktan siya para sa fur parents na nagtiwala sa naturang crematorium.
Saad niya: "Ang masasabi ko lang po, hindi ko po alam kung tao pa po ba talaga yung gumagawa nun?
"Parang there's really something evil sa nangyari po na yun. It's unimaginable po talaga.
"Hindi natin maintindihan paano nakayanan po ng mga ganung klaseng tao gawin po yun, ano, na it's also ano po, e, panloloko.
"Aside sa napaka-evil po ng action na yun, grabe din po yung panloloko sa mga tao..."
Hindi rin daw katanggap-tanggap na pinagkatiwalaan ang pet crematorium ngunit ganun na lamang ang ibinabalik nila sa fur parents na nagtiwala sa kanila.
Dagdag niya: "Opo, kasi people trusted your business, di ba? Tapos hindi mo, hindi mo ginawa nang maayos or hindi mo inayos yung business mo.
"Sana man lang naging makatao ka on how you handled those poor animals.
"Kumbaga, lalo pa po silang naka-add ng sobrang sakit sa mga pet owners na, yeah, unang-una, ang sakit na nga po sa puso na nawalan po ng ano, di ba?
"Kumbaga kasi parang itinuturing na rin po natin silang family member po ano.
"Mas nadagdagan pa po yung sugat sa ganung klaseng ginawa po nila sa mga kawawang animals na to.
"And sadly kasi wala po tayong... yung Animal Welfare Act po natin, yung new law na yun, parang hindi pa po yata sakop yung ganung klaseng mga actions po, e.
"So sadly, parang hindi natin mapatawan ng mabigat na parusa yung ganung klaseng act po ano.
"But hopefully mai-push po natin na magkaroon po ng law pagdating sa mga ganung klaseng unimaginable actions po."
Read: Sharmaine Arnaiz slams pet crematorium: "Ang evil nun!"
GABAY GURO 19TH ANNIVERSARY CELEBRATION
Samantala, bahagi si Jona ng ika-19 anibersaryo ng Gabay Guro Grand Gathering 2026 sa darating na November 29, 2026 sa Meralco Theater.
Kabilang sa mga bigating panauhin sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Martin Nievera, Christian Bautista, Mark Bautista, at Jamie Rivera.
Gayundin sina Aicelle Santos, Elha Nympa, Sofronio Vasquez, Poppert Bernadas, at si Jona.

Sa presscon ng event, sinabi ni Chaye Cabal-Revilla, ang chairperson ng Gabay Guro, na ang show ngayong taon ay "love letter to our teahcers and the youth they inspire every single day."
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay "Guro at Kabatan: Liwanag ng Kinabukasan."
Read: Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto faces online backlash
