PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro's annulment case prevented him from courting Toni Gonzaga

Vhong is still waiting for the annulment paper of his marriage with Bianca Lapus.
by Rose Garcia
Published Oct 10, 2008
"Kumbaga, ang gusto ko, kung magkakaroon ng boyfriend si Toni, yung walang sabit. That time, nasa annulment ako. May dalawa akong anak, so parang feeling ko, hindi ako ang karapat-dapat para sa kanya," explains Vhong Navarro about not courting his leading lady Toni Gonzaga before, even if he had feelings for her.

Sa muling pagsasama nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga sa pelikulang My Only U ng Star Cinema, muling nauungkat ngayon na muntikan nang maging sila noon. Naging very open si Vhong sa naging feelings niya noon kay Toni. Hindi nga lang niya nagawang ituloy sa ligawan talaga dahil ayon na rin kay Toni, hindi naman daw kasi marunong manligaw ang leading man niya.

Sa presscon ng My Only U kagabi, October 9, sa ABS-CBN, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vhong kung bakit nga ba hindi niya naituloy ang panliligaw noon kay Toni.

"Natakot ako kasi dahil alam ko naman kung gaano kalapit sa isa't isa ang pamilya ni Toni. Ang hirap kasi kapag ikaw ang first love or ikaw ang first boyfriend. ‘Tapos yung family, sobrang solid. Kumbaga, ang gusto ko, kung magkakaroon ng boyfriend si Toni, yung walang sabit. That time, nasa annulment ako. May dalawa akong anak, so parang feeling ko, hindi ako ang karapat-dapat para sa kanya," paliwanag ng dancer-comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, pinigil niya ang sarili niya?

"Oo, pero kahit pinigil mo naman, nakatulong din kasi. Alam ko na si Toni, makakatrabaho ko nang matagal dahil nga ang ganda kasi ng rapport namin. So, ayoko kasi na kung magiging kami ang ending, ayoko nang mag-aaway ‘tapos sa trabaho ko... So, mas pinili ko na lang na maging kaibigan na lang."

Hindi naman kaya dahil natakot siya na pang-seryosohan na kasi si Toni?

"Hindi," mabilis na sagot ni Vhong. "Kapag nagmahal naman ako, seryoso naman ako. Hindi lang naman ako vocal pagdating sa mga relationship, di ba?"

Pero nanghinayang din ba siya nang marinig niya kay Toni na somehow, nagkaroon din ito ng feelings for him?

"Oo naman, siyempre nandoon na pala, pupuwede na palang oo, bakit hindi mo pa itinuloy? Ako naman kasi, ayoko talaga. Si Toni, ganoon din. Ayaw rin daw niya. Mahirap kasi kung alam mong may pumipigil. Parang mahirap kasi yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba ito pang-promo lang?

"Hindi talaga!" tanggi ni Vhong. "Sinabi ko naman sa kanya. Kahit balikan pa natin dati yung mga isinulat, meron naman talaga. Siguro lang, masyado lang akong naging honest sa kanya. Siguro ganoon din siya dahil nga sobrang close namin. Kumbaga, puwede naman naming sabihin lahat."

Ayon kay Vhong, noong una'y sa pamamagitan ng biro lang daw niya nasasabi kay Toni na crush niya ito. Hanggang sa tinutukso na nga raw sila sa set. Over dinner naman nang magsabi talaga siya at makapag-open up sila. Pero that time, may girlfriend na siya.

Paano naman nasabi ni Toni na nagkaroon din ito ng nararamdaman sa kanya?

"Hindi ganoon lang ka-klaro, pero nagpahaging siya na parang nagkagusto rin siya," sabi ni Vhong.

ANNULMENT CASE. Medyo matipid pa rin magsalita si Vhong pagdating sa annulment case na isinampa niya upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Bianca Lapus. Hanggang ngayon daw kasi, wala pa rin ang annulment paper sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang hirap magsalita nang wala pa yun, e," sabi ni Vhong. "May notice na, pero wala pa rin yung paper. Yun na lang ang hinihintay ko. Parang kulang na lang, magpa-picture ka na hawak yun. Yun na lang, e, parang wanted ka.

"Kasi, ayoko lang na ipagkalat ko. Si Direk Chito Roño nga, nagtatampo sa akin. ‘Lumabas ‘yan, bakit hindi ko man lang nalaman, ako ang manager mo!' Sabi ko, ‘Boss, wala pa kasing official, wala pa akong pinanghahawakan na talagang tapos na.'"

Ano ang sabi ng lawyer niya, bakit daw natatagalan?

"Hintayin lang daw. Sa dami ng ginagawang proseso... E, ako, ayoko nang mangulit kasi lawyer ito ng mommy ko. So yung mommy ko ang nag-aasikaso. Ang sabi niya, huwag akong makialam, ibigay ko na lang daw sa kanya. So, nirerespeto ko siya ibinigay ko na lang sa kanya."

Sa palagay niya ba, makakaapekto pa rin sa annulment paper niya kung magsasalita siya about it?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, hangga't maari na lang. Ako kasi, naaawa ako sa anak ko. Siyempre, affected. Pati sa school, may lumalabas na ganito. Ngayon naman, parang okey naman si Isaiah. Parang tanggap naman niya before, kaya lang, parang may bago na namang lalabas, so mahirap lang talaga sa bata."

Ngayon ba, okey na si Isaiah sa school nito, kung saan napabalitang napa-trouble noon?

"Sana, sana," asam ni Vhong. "Kasi may batang ganoon, e. Like ako, kung may nararamdaman ako before, hindi ko naman sinasabi sa parents ko, e. Sana nga, okey siya."

Hindi ba siya nagtatanong?

"Hindi siya nagtatanong sa akin. Siguro sa mommy niya."

Sila ni Bianca, okey naman ba silang dalawa as parents to Ice?

"Okey kami, like kay Bianca, wala akong masasabi sa pagiging mom niya. The best, e."

Kumusta naman sila ng girlfriend niya ngayong si Desiree del Valle?

"Hanggang doon na...hanggang doon pa rin yun. Kasama yun, e. Kumbaga, nag-iingat lang ako. Ako kasi ang nag-file, e. Kung hawak ko na ang papel, puwede na. Pero siyempre, if that time comes, ayoko namang mag-celebrate ng parang, wow! Siyempre, ginawa ko ‘to, ginawa namin ito para sa freedom naming dalawa. Dahil alam naman namin na hindi na kami magkakabalikan. Gusto kong maging masaya kami pareho kung sinuman ang nakikita naming mamahalin namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After na ma-annul ang kasal nila ni Bianca, magpapakasal bang muli si Vhong?

"Oo naman! Pero hindi naman yung agad-agad. Siyempre, gusto ko rin naman na magpahinga muna."

Kay Desiree na ba siya magpapakasal?

"Siyempre, ayoko munang magsalita. Mahirap, e."

Or, anak muna?

"Siyempre kasal!" bulalas niya. "Nagawa ko na yung anak muna, e. Actually buntis, then kasal. Gusto kong tuparin yun. Mas maganda kasi sa babae na ikinakasal kayo na wala pang laman. Mas puso yung pinairal mo, hindi tiyan, e."





Trailer courtesy of Star Cinema

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kumbaga, ang gusto ko, kung magkakaroon ng boyfriend si Toni, yung walang sabit. That time, nasa annulment ako. May dalawa akong anak, so parang feeling ko, hindi ako ang karapat-dapat para sa kanya," explains Vhong Navarro about not courting his leading lady Toni Gonzaga before, even if he had feelings for her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results