PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joyce Jimenez traumatized by car accident on way back to Manila

Joyce believes that God protected her during the accident.
by Nora Calderon
Published Oct 10, 2008
"I feel Somebody is protecting me, parang may nakayakap sa akin. I was sleeping in fetal position nang maramdaman kong nahulog kami. I believe Someone is still watching over us kaya buhay pa rin kami," relates Joyce Jimenez about the car accident caused by a speeding bus on the highway.

Maliban sa dalawang maliit na medical plaster sa noo ni Joyce Jimenez, walang nabago sa magandang mukha ng tinaguriang "Pantasya ng Bayan" after her car accident.

Sa press conference ng TV5 reality show na Philippines' Scariest Challenge, kahapon, October 9, sa Kimono Ken, Tomas Morato Ave., Quezon City, humarap si Joyce sa entertainment press at PEP (Philippine Entertainment Portal). Kasamang humarap ni Joyce sa press si Jomari Yllana, ang host ng show which airs every Friday, 6:00 p.m.

Sina Joyce, Gwen Garci at Precious Lara Quigaman ang challengers sa episode na ginawa sa Teacher's Camp, Baguio City. Mapapanood ito sa Friday, October 31 Halloween presentation ng TV5.

On their way back to Manila, naaksidente si Joyce, kasama ang road manager niyang si Donboy Espiritu, her personal assistant Len and their driver, in Urdaneta, Pangasinan. Nag-land sila sa gitna ng isang ricefield.

Kung nakita ninyo sa newspaper o sa mga news program nang gabing iyon ang nangyari sa kanyang sasakyan, hindi mo iisiping nabuhay pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IT'S A MIRACLE. "I feel ‘somebody' is protecting me, parang may nakayakap sa akin," sabi ni Joyce. "I was sleeping in fetal position nang maramdaman kong nahulog kami. Hindi ko maisip na instead na nag-nose dive ang car namin, bumangga muna ito sa tree, then umikut-ikot kami and landed in a ricefield. I believe Someone is still watching over us, kaya buhay pa rin kami.

"Even my husband [Paul Ely Egbalic] and my parents, when they saw what happened to my car, can't believe that we are alive, kahit sinabihan na sila na except for some bruises, wala nang nangyari sa amin. Kaya si Paul, nagmadali siyang umuwi rito. Nang makita niya ako, sabi niya, ‘It's a miracle.'

"It's a miracle talaga na no bone was broken sa amin. And I'm deeply touched when Donboy and Len, kahit nasaktan din sila, ako ang una nilang hinanap. I thank God for my second life, it's not yet my time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That's why ang sama ng loob ko sa driver ng bus, na hindi nakonsensiya sa nangyari. I can't understand na he left na di inalam kung ano ang nangyari sa amin. What kung walang good samaritans na nagdala sa amin sa hospital? Kaya I'm begging doon sa mga nakakita kung ano ang name ng bus, especially, iyong mga sakay ng bus, na ipaalam sa amin para naman mabigyan ng justice ang nangyari sa amin.

"May mga tumawag na, pero iba-iba ang pangalan ng bus kaya ayaw ipasabi ng lawyer ko, baka raw hindi naman totoo ang sinabi nila. At maraming-maraming salamat sa lahat ng mga taong tumulong sa amin para madala kami sa hospital."

Ibinigay ni Donboy ang cellphone number niya na 09209502403, kung puwede raw i-text lamang sa kanya ang name ng bus at sila na ang bahala.

May mga nawala rin ba sa kanila dahil sa accident?

"May isang bag kaming nawala, pero hindi na mahalaga iyon," volunteered ni Donboy who was also in the presscon for Joyce, although hindi naman siya kasali sa Philippines' Scariest Challenge.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang mahalaga po ay ligtas kaming lahat. Nawala rin iyong wallet ko, pero naibalik din sa akin, walang nabawas. Gusto pa nga kaming singilin ng may-ari ng palayan dahil aanihin na raw ang palay nila nang bumagsak doon ang car ni Joyce kaya nasira ito. Pero sabi namin, kapalit na lang iyong lahat ng pinamili namin sa Baguio, dahil talagang namalengke kami at napakarami naming iuuwi sana, pero naiwanan na naming lahat doon sa palayan."

When asked kung sasali pa si Joyce sa ganoong "horror reality show," hindi na raw.

"Adventurous din naman ako, ilang beses akong sumali noon sa Extra Challenge ni Paolo Bediones, hindi ako natakot. Pero dito, na-traumatized talaga ako."

DELAYED HONEYMOON. Pero may maganda rin namang nangyari after the accident, natuloy na rin ang honeymoon nila ni Paul.

Bakit hindi na sila nakapag-honeymoon ni Paul after their wedding in Los Angeles, California?

"Inayos muna namin kasi ang bahay namin sa San Diego, California," nakangiting wika ni Joyce. "Then ipinasyal namin sa Las Vegas si Jenny [matagal na niyang personal assistant], then bumalik na kami ng Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, when my doctors told me na I'm okay na, we decided to go to El Nido in Palawan last Sunday, October 5. We were back on Tuesday, October 7. Paul left last night [October 8] for San Diego, then next week, magri-report na siya for his customs officers training in Georgia, U.S.A."

Tatapusin na ni Joyce ang iba pa niyang commitments dito for her Private Joyce stores at sa promo niya ng Ever Bilena. Before Christmas, babalik na siya sa States para sama-sama silang whole family na mag-celebrate ng holiday season.

Read Next
Read More Stories About
Joyce Jimenez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I feel Somebody is protecting me, parang may nakayakap sa akin. I was sleeping in fetal position nang maramdaman kong nahulog kami. I believe Someone is still watching over us kaya buhay pa rin kami," relates Joyce Jimenez about the car accident caused by a speeding bus on the highway.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results