PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krista Ranillo reprises Vivian Velez's role in "Pieta"

Krista reveals she also has plenty of kissing scenes and love scenes with Ryan Agoncillo.
by Rose Garcia
Published Oct 23, 2008
"Yung pag-atake ko sa role, honestly, tinatantiya ko pa. Siyempre, gusto ko iba naman pero very sensual pa rin. Yung parang nakaka-relate pa rin ang viewers. Hindi lang siya yung puro paseksi, pero may puso rin siya," says Krista Ranillo about her role in Pieta.

Si Krista Ranillo ang leading lady ni Ryan Agoncillo sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na Pieta. Malaking challenge para kay Krista ang character na ginagampanan niya, since it was originally portrayed by Ms. Body Beautiful na si Vivian Velez.

May pressure ba kay Krista ang pagganap sa dating role ni Vivian?

"Well, yun nga, kasi back story lang... Ms. Vivian Velez is close to my heart because my first soap opera, yung Rio del Mar, Ms. Vivian Velez played my mom. Talagang matagal din yun, two years kaming magkasama. ‘Tapos yun nga, na-touched talaga ako na ako ang napili to play Martha.

"So ngayon, medyo modernized na nga lang ang story ngayon. College student na si Martha, sosyal and she has a boyfriend. ‘Tapos, na-meet niya si Rigor [Ryan Agoncillo] sa school. Basta, nakakatuwa yung pagmi-meet nila.

"Yung pag-atake ko sa role, honestly, tinatantiya ko pa. Siyempre, gusto ko iba naman pero very sensual pa rin. Yung parang nakaka-relate pa rin ang viewers. Hindi lang siya yung puro paseksi, pero may puso rin siya," paglalarawan ni Krista sa kanyang role sa presscon ng Pieta noong Martes, October 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan ng kasama sa cast ng Pieta, na magsisimula nang mapanood sa October 26, ay nagsasabing "bago" ang kanilang characters na ginagampanan.

Bago kay Cherie Gil ang gumanap na deglamorized mother na dating ginampanan ni Ms. Charito Solis. Bagung-bago rin kay Ryan Agoncillo, na gumaganap sa dating role ni Ace Vergel, ang gumanap na bad boy; ganun din sa supporting cast, gaya nina Joross Gamboa at Jason Abalos.

Maging si Krista ay itinuturing na "bago" ang role niya sa Pieta.

"Bago rin sa akin kasi all-out sexy," sabi ni Krisya. "You know, magsu-swimming na naka-two-piece, parang normal lang. E, kasi naman, yung role na pinortray noon ni Ms. Vivian Velez, seksing-sexy talaga.

"So yun, pareho naman kaming nagtutulungan ni Ryan. We always talk about our characters and our scenes. We always talk, ‘Paano ba natin gagawin ito? Ano bang atake ang kailangang gawin natin dito?' Itong story kasi namin, kakaiba siyang story. Hindi siya yung kilig-kilig right away. Talagang magkaaway kami muna hanggang sa made-develop."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinago ni Krista ang paghanga niya kay Ryan sa nakita niyang pagganap nito bilang si Rigor

"Oh yes, very impressed ako sa kanya!" sambit ng anak ni Mat Ranillo III. "Kasi noong pumasok ako, nakakailang taping days na siya. ‘Tapos pagpasok mo, kitang-kita mo na in character na siya. Pero ako, admittedly, nag-i-struggle pa ako. Like, ano ba talaga ang gusto nilang timpla ng character ni Martha rito. Pero si Ryan, talagang natulungan din niya ko."

Bukod sa pagiging bad boy nga raw ni Ryan dito, magugulat ang mga manonood dahil sa napakarami nilang kissing scenes at love scenes ni Ryan.

"Oo, marami! Yung first kiss pa namin ni Ryan, kinuhanan, naka-brief lang siya! Tumakbo talaga siyang naka-brief, ‘tapos bibigyan niya ako ng bulaklak. Parang initiation niya sa gang.

"Sa love scenes, marami. So, siguro abangan at panoorin na lang nila yun. Pero masasabi ko naman na lahat ng yun, kailangan talaga sa script," saad ni Krista.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung pag-atake ko sa role, honestly, tinatantiya ko pa. Siyempre, gusto ko iba naman pero very sensual pa rin. Yung parang nakaka-relate pa rin ang viewers. Hindi lang siya yung puro paseksi, pero may puso rin siya," says Krista Ranillo about her role in Pieta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results