PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mylene Dizon feels most blessed with second pregnancy

Mylene is still looking for the right guy.
by Archie de Calma
Published Oct 25, 2008
"Blessing ito, e... look, I'm 34 years old na... tatlong taon na si Tomas. Panahon na rin na magkaroon ako ng anak. A lot of things are going well with me. Ito ang taon, sa tagal ko na sa showbiz, this is the most blessed year," says Mylene Dizon about her being pregnant again by actor Paolo Paraiso, who fathered her first baby.

Bago rumampa si Mylene Dizon sa Streetcast fashion show ng Folded & Hung sa A. Venue Mall ng Makati kagabi, nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Like a Virgin sa Party Venue naman, Sct. Tuazon St.,, Quezon City.

Nakita namin ang kaibahan ng isang tinatamad na Mylene na namumroblema sa kanyang skin blemishes dahil sa apat na buwan na siyang kagampan sa ikalawang anak nila ni Paolo Paraiso sa shooting lull—at ng glamorosang Mylene na very confident na rumampa, fully made up and with style sa Folded & Hung fashion event.

"Naku, walang nabago!" sabi pa ni Mylene nang kumustahin siya ng PEP.

"Single pa rin ako. Ewan. Masyado raw akong choosy. Hayan, nagdadalantao pa rin ako, as usual!

"Tamad talaga ako ngayon. Parang lagi akong pagod na pagod.

"'Yun na nga, nagkataon din kasi na ang dami-rami kong ginagawa, as in super-busy, kaya siguro pagod na pagod ako, at the same time, buntis pa. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang schedule ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natapos ko na lahat ng movie commitments ko. So far, tapos na ako sa Like a Virgin at nag-last day na ako roon. Finally, nag-goodbye na ang Dyesebel.

"Para bang tumama sa lahat, natapos ko na lahat ng obligasyon ko. At least ngayon, I can rest a bit. Hindi naman puwedeng ibitin ko ang shooting at taping dahil lang sa buntis ako," tuluy-tuloy na kuwento ng aktres.

Wala namang kasalanan ang mga kumuha sa kanya para sa assignments na ito sa nangyaring pagbubuntis niya.

STRANGE BUT TRUE. Marami ang nagtataka sa set-up nina Mylene at Paolo. Hindi na silang dalawa, and yet, heto at masusundan ang anak nilang si Tomas. Parang mahirap maunawaan ang kanilang set-up.

"Ano naman ang katakataka roon?" balik na tanong ni Mylene sa amin.

"E, hindi naman kami. Bakit kami magsasama? For now, ganoon yun. Hindi ko naman puwedeng sagutin ang mga tanong na walang malinaw na kasagutan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang mababago roon dahil lang sa nabuntis ako ulit," sabi pa niya.

Parehong unattached sina Mylene at Paolo. But, what's stopping them to really be back in each other's arms para magsama sa ilalim ng iisang bubong?

"Naku, no comment na lang!" diretsahang tugon ng aktres.

Ano ang arrangement nilang dalawa ni Paolo ngayon?

"Naku, teka... friends kami. Ang naging kaibahan lang, nabuntis uli ako. Ganoon lang yun. Walang ipinagbago sa arrangement namin.

"Lalo na sa anak naming si Tomas, maayos ang usapan namin tungkol sa anak namin. Of course naman, nangangarap pa rin akong makakahanap ako ng relasyong magtatagal, at hindi ko naman isinasara ang pinto ko," paliwanag ng aktres.

May tamang panahon daw para sa lahat. Madali lang daw pumasok sa isang relasyon.

"Kung kahit kanino lang diyan, madali lang, e. Pero, with the right person, yun ang mahirap. I'm really done with yung kung sino na lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Dati kasi, puro gimik lang, napakadaling magka-boyfriend just for the sake of it. I'm looking for the right guy, the right person for me," nangingiting pagtatapat pa ni Mylene.

That explains kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang boyfriend.

UNPLANNED BLESSING. "To be honest about it, itong pagbubuntis kong ito, hindi pinlano ito, hindi sinasadya, pero nangyari na lang.

"Pero, blessing ito, e. Dumating ang baby kong ito sa panahong... look, I'm 34 years old na... tatlong taon na si Tomas.

"Panahon na rin na magkaroon ako ng anak. A lot of things are going well with me. Ito ang taon, sa tagal ko na sa showbiz, this is the most blessed year.

"Then, dumating ang pagbubuntis na ito. So, masasabi ko ngang more than anything else, itong second baby ko ang isa pang important blessing na dumating sa buhay ko.

"What can top an acting award na napanalunan ko sa Cinemalaya, yung magagandang reviews sa performance ko sa 100, at sumunod na itong sunud-sunod na projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maski ang monetary blessings, well, ang makaka-top lang talaga riyan ay itong pagbubuntis ko. Ito ang rurok, kumbaga, ng lahat ng niregalo ng Diyos sa akin, lalo sa taong ito," pagwawakas ni Mylene.

Read Next
Read More Stories About
Mylene Dizon, Paolo Paraiso
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Blessing ito, e... look, I'm 34 years old na... tatlong taon na si Tomas. Panahon na rin na magkaroon ako ng anak. A lot of things are going well with me. Ito ang taon, sa tagal ko na sa showbiz, this is the most blessed year," says Mylene Dizon about her being pregnant again by actor Paolo Paraiso, who fathered her first baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results