PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Agoncillo hosts "Pinoy Fear Factor" with guts and full alertness

Ryan narrates scary experience while he was in Argentina.
by Glen Sibonga
Published Oct 28, 2008
"Para sa akin, personally, kaya siya Fear Factor because I was subjected to most of the stunts. Dito, walang simpleng bagay. Halimbawa, sabihin mo ang kinatatakutan mo ahas. Alam mo kung isang ahas lang, maaari mo pang kontrahin yung takot mo. Pero ako ang nakaharap ko, drum-drum na ahas! Yun medyo napadalawang-isip ako. Gagamba, noong pinag-iisipan ko, wala naman ‘yan. Kaso nga lang, dito sa Fear Factor, kaya siya &

Isang scary revelation ang inamin ng Pinoy Fear Factor host na si Ryan Agoncillo sa mga press people, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng bagong Kapamilya reality show na Pinoy Fear Factor. Ginanap ito kahapon, October 27, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

In time for Halloween ang ikinuwentong ghost experience ni Ryan na naranasan niya during his stay sa Argentina, kung saan nila kinunan ang kabuuan ng Pinoy Fear Factor. Isang madaling-araw raw nang makaramdam siya na may tumabi sa kanya sa kama niya sa bahay na tinirhan nila sa Argentina.

"Alam mo, sa Argentina, that was the first time na nakaramdam ako na may tumabi sa akin. Hindi naman ako maramdamin... I mean matatakutin ako, pero hindi ako nakakaramdam. Pero yung alas-tres ng madaling-araw, naramdaman ko, kasi yung kama ko doon, malaki, e, lumubog yung kabilang side. Pumikit na lang ako. Lumubog yung kama.

"Pero yung sinasabi nila, yung bahay na yun may nagpaparamdam daw talaga. Ako lang yung nasa taas, solo ako doon, medyo malaki yung kuwarto. Sabi nila, doon daw umaakyat yung multo. Kasi sina Direk [Lauren Dyogi], nakakakita, e. They were there before I was. Hindi ko alam kung pinagti-tripan ako. But I could have sworn I felt something. Hindi ko na lang inisip. Hindi ko na inalam," nakakakilabot na kuwento ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman bang ginawa sa kanya yung multo?

"Parang may tumabi lang," sabi niya. "I don't know if it was just my mind. I don't know if that was jet lag or whatever. Pero meron akong naramdaman. Hindi ko na lang pinansin."

Sa tingin niya, babae ba or lalaki yung multo?

"Hindi ko alam kung babae o lalaki. Pero sana babae!" biro ni Ryan.

Once lang daw nangyari 'yon at hindi na naulit. Nangyari ‘yon a week after niyang makarating sa Argentina. Ryan stayed in Argentina for 38 days.

RYAN'S OWN FEAR FACTOR. Happy si Ryan na siya ang napiling host ng Pinoy Fear Factor, lalo na nga't pinaghirapan din niya na makuha ito dahil nag-undergo siya ng audition. Proud din siyang sabihin na naranasan niya most of the stunts na ginawa ng participants sa show.

"Para sa akin, personally, kaya siya Fear Factor because I was subjected to most of the stunts," sabi ni Ryan sa PEP. "Dito, walang simpleng bagay. Halimbawa, sabihin mo ang kinatatakutan mo ahas. Alam mo kung isang ahas lang, maaari mo pang kontrahin yung takot mo. Pero ako ang nakaharap ko, drum-drum na ahas! Yun medyo napadalawang-isip ako. Gagamba, noong pinag-iisipan ko, wala naman ‘yan. Kaso nga lang, dito sa Fear Factor, kaya siya Fear Factor talaga, ang kaharap mo hindi lang isang tarantula kundi sandamakmak na tarantula! Ganun siyang klase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then, sabi ko, wala akong takot sa enclosed area. I experienced na ikulong at ibaon sa ilalim ng lupa. That's one of the stunts of the participants. Na-experience ko yun and I actually have to stay there for quite some time dahil doon ako naggawa ng spiel sa isang napakadilim at napaka-uncomfortable na lugar. That's when I realized kung bakit Fear Factor ang title niya dahil ako mismo, inisip ko wala namang kinatatakutan. Pero noong na-subject na ako sa klase ng stunt sa Fear Factor, walang simple, talagang meron at merong magti-trigger sa iyo na magdadalawang-isip ka or manginginig ka sa mga pinagdadaanan mo."

Aminado si Ryan na ang pagbabalik niya bilang host sa isang malaking show na katulad ng Fear Factor ay nagbigay rin ng takot sa kanya.

"I guess all throughout the filming of Fear Factor, ang pinakakinatatakutan ko, habang ginagawa namin. Kasi yung hosting ko dito, ibang-iba. You know, I've been a host for ten years. And what happened is a 360-degrees turn. Direk Lauren and our headwriter na si Albert, really took me out of my comfort zone to try something else. So, right now, my worry is as a host dahil ito yung return ko, e. Eto yung malaking fear factor para sa akin," saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa kanya, ano yung pinakanakakatakot na portion while doing the show?

"Well, bukod dun sa ako yung gumagawa ng mga stunts din, iba na yung pakiramdam din, kasi yung mga partisipantes while naglalaro sila, ang concentration lang nila ay nasa akin. Ako lang yung kilala nila at a given point. Ngayon kapag nakarinig ka ng blood-curdling screams, yung talagang sigaw na, ‘Ryan, ayoko na!' Ako mismo, siyempre mabibigla ka e. Doon papasok yung takot sa security. Hindi ko maulit kung paano yung sigaw nila. Pero yung sigaw nila is alam mong nasasaktan na. Alam mong ayaw na nila.

"Pagka nakarinig ka ng ganun, siyempre bilang host, ako yung may direct link sa kanila, sina Direk nasa van. Ako yung nandun. Ako yung unang reresponde pagka gusto nilang umalis halimbawa sa isang tangke na punung-puno ng ahas. So, yun ang takot na, ‘Teka, laro ito, e, baka mamatay ka diyan, halika na rito.' ‘Pag ikaw nakarinig ka nung blood-curdling screams, which I heard quite often, sasabihing ayaw na nila, cut na, yun ang parang pinakanakakatakot while doing the show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOKE ONLY. Samantala, madalas mabanggit na sinasabing ang girlfriend daw niyang si Judy Ann Santos ang "Fear Factor"o isa sa mga kinatatakutan ngayon sa buhay ni Ryan. Hindi ba siya apektado rito?

"E, totoo naman yun. Ano ang gagawin ko?" sabay tawa ni Ryan.

So, ano ang ikinatatakot niya kay Judy Ann?

"Actually, wala. Yung mga ganung biruan, alam mo naman kapag ang lalaki nagmamahal, kay kumander saludo ka, e. Pero it's all a joke at this point. Judy Ann is so secure with our relationship and so am I. So yung mga ganung biruan, tawanan mo na lang. Alam mo naman ang mga Pinoy, mahilig sa mga istoryang under de saya. Pero si Juday, hindi naman nang-a-under. Gusto ko lang isipin na nagpapa-under ako, para bait-baitan!" tawa ni Ryan.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Para sa akin, personally, kaya siya Fear Factor because I was subjected to most of the stunts. Dito, walang simpleng bagay. Halimbawa, sabihin mo ang kinatatakutan mo ahas. Alam mo kung isang ahas lang, maaari mo pang kontrahin yung takot mo. Pero ako ang nakaharap ko, drum-drum na ahas! Yun medyo napadalawang-isip ako. Gagamba, noong pinag-iisipan ko, wala naman ‘yan. Kaso nga lang, dito sa Fear Factor, kaya siya &
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results