Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Snooky Serna kahapon, October 27, sa studio ng photographer na si Edward dela Cuesta sa Sct. Tuason, Quezon City.
Dumating si Snooky sa pictorial na fully made up, medyo nag-gain ng weight. Pero kapansin-pansin ang aura niyang artistang-artista na naman. Bago lahat ng gamit mula sa mga damit hanggang sa sapatos. Inihahatid-sundo ng isang Mercedes Benz.
Nang tanungin namin si Kukay tungkol sa magandang kapalarang ito, medyo hesitant pa siyang nagpaliwanag.
"Hangga't maari sana, gusto ko na lang to keep private what I have right now," sabi niya. "Nadala na ako in the past, na if you are too public about yourself, hindi mo maiaalis sa press at ibang tao na makialam. Kasi siyempre, since you opened it out in public, you gave them the right to look into the nitty-gritty details of whatever it is that you put out in public.
"Hindi ko masisisi ang press. Ngayon ko lang masasabi ito, na humihingi rin ako ng dispensa sa mga pagkakataong sinisi ko ang press. Yung para bang, excuse the lingo, kinakalkal na yung buhay ko nang husto. Pero I consider myself a public figure, kaya naman siguro ganoon ang nangyayari. I was the one who asked for it naman, na kalkalin ang private life ko, ako pa ang nag-o-open up," tuloy-tuloy na paliwanag ni Snooky.
Sa isyung nakabingwit ng matabang isda si Kukay kaya nagbubuhay-reyna na naman, iniiwasan talaga niyang maging high-profile sa ngayon.
"Huwag na lang," pakiusap ng aktres. "Basta ang masasabi ko lang, masaya ako ngayon. At hindi naman sa paggamit na pangalan ni Lord in vain, may awa pa rin ang Panginoon. Dininig din Niya ang mga panalangin ko, that I've finally found someone who really loves me and my family. A man who really loves my children. Who I can love back without restraint, na walang halong takot na baka ma-misconstrue ako as being showbiz. Or, baka sabihing insecure ako sa sarili ko, na mag-iisip pa na kesyo ginagamit ko lang siya.
"'Pag may showbiz involved kasi, parang may paranoia, feeling naggagamitan. It's either that, or masyadong nagkakaselosan. Tipong egoistical, na ewan kung part yun ng pagiging artista, na parang self-conceited ka na. Ayaw ninyong magpatalo sa isa't isa, or tipong you are jealous with each other, na ang bottom line lang naman... Well, I can say that I just met a man who is so confident about himself.
"So far, so good. We never had a fight. Kasi, wala siyang insecurities toward another person, o sa mga anak ko. Naranasan ko na kasi yung ganyang klaseng relasyon in the past," pahayag ni Snooky.
AT PEACE WITH HERSELF. Kahit pa nga nakaratay ngayon sa Makati Medical Center ang ina ni Snooky na si Mila Ocampo dahil sa pagkakadulas nito sa bathroom, na naka-aggravate sa emphysema nito, ibinalita sa amin ni Snooky na stable na ang kalagayan ng kanyang ina.
Magkaganoon man, at peace with herself si Snooky, dahil alam niyang everything else will be okay
"I'm into this business, na naka-meet ako ng partner, at pareho kaming nagde-design ng semi-precious stones. I call my small company as Snooky Serna Enterprises. Decorative jewelry ang ginagawa namin, and I'm so happy, the business is doing well.
"After Kaputol ng Isang Awit, I decided to stay out of the limelight, do soul searching. Windang pa rin ako, and confused at that time. In a sudden twist of fate, may miracle na ganitong nangyari sa buhay ko.
"Let's just put it this way, nakatayo na talaga ako, at sana, sa awa pa rin ng Panginoon, magpatuloy na ganito. I'll soon be doing another indie film, yung Ang Pananamantala ni Rosa, under the direction of Paolo Villaluna. It will be another challenging role kaya pinaghahandaan ko, habang busy pa rin ako with my small business," pagwawakas ni Snooky.