PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jewel Mische defends herself against co-"StarStruck" finalists

Jewel voted out by her peers for being "pasaway"
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 15, 2007
"I'm shocked because they call me pasaway at difficult daw ako katrabaho. It's not true at all," defends Jewel Mische.


Nagtataka ang StarStruck The Next Level finalist na si Jewel Mische ng Bulacan kung bakit gusto siyang ilaglag ng kanyang mga kasamahan.



Sa isinagawang elimination kagabi ng reality-based artista search ay masuwerteng nakaligtas si Jewel. Napasama siya sa bottom four dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming votes sa botohang nangyari among the Final 14. Ang pinagbotohan ng Final 14 ay kung sino sa kanila ang dapat nang tanggalin.

Ang iba pang nasa bottom four ay sina Paulo Avelino, Dave Valentino, at Renee Lascuna. Ang tatlong nabanggit naman ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa pinagsamang votes mula sa StarStruck Council at mula sa text at online. Sina Dave at Renee ang natanggal.

Malaking misteryo para kay Jewel ang sinasabi ng kanyang mga kasamahan na pasaway daw siya. Pero ayon sa kanya, wala naman daw siyang alam na instance na hindi siya sumunod sa anumang ipinapagawa sa kanila sa show.



"I'm shocked because they call me pasaway at difficult daw ako katrabaho. It's not true at all. Siguro nga mababa ako sa mga challenges. Doon nila ako tirahin, but to call me pasaway is a different thing," depensa ni Jewel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"I'm trying my best to really make it in the contest. As far as I know, I'm doing everything that the people of StarStruck are telling me. Never naman akong sumuway sa mga ipinapagawa nila," patuloy niya.

"I think yung sinasabi nilang ayaw ko raw isuot yung damit sa isang production number was really nothing. ‘Tsaka ang tagal na nangyari ‘yon. Nagtaka lang ako why they have to use that para lang lumabas na pasaway ako," dagdag pa niya.



"But since nandito pa rin ako, I'm still hoping for the best. I will still play fair at sana fair din ang mga kasama ko sa show," positibo niyang sabi.



Hindi kaya pakiramdam ng ibang girls sa StarStruck ay malaking threat siya kaya gusto siyang ilaglag ng mga ito?



"I don't know about that. It's too early naman to tell kung sino ang malakas at hindi. Basta kami naman lahat, we're doing our best para sa mga challenges. I will not consider myself a big threat because on an equal footing kaming lahat," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Samantala, hiningan din namin siya ng pahayag sa balitang "binabakuran" na siya ng co-StarStruck finalist niyang si Paulo? Nagsimula na raw kasing manligaw sa kanya ang binata.



"Hindi po. Bawal pa po sa amin ang ganyan. Paulo is one of the guys closest to me right now. He's a sweet guy, pero hindi po siya nanliligaw sa akin," paliwanag niya.



Magsisimula na mamayang gabi, January 15, ang bagong challenge ng remaining 12 StarStruck survivors. Ito ay ang "Kiss Flicks," kung saan ipapares ang mga survivors sa isa't isa for their first screen kiss.

Si Mart Escudero ang partner ni Jewel mamaya sa "Roommate." Bukas naman ay sina Paulo at Jesi Corcuera ang magkasama sa "Halik."



Sa Wednesday ay sina Jan Manual at Hazel Uy ang magkaeksena sa "Altar." On Thursday, it will be Dex Quindoza and Rich Asuncion in "Takas."

Sa Friday naman, sina Prince Stefan at Stef Prescott ang magkatambal sa "Bestpren." Finally, sa Saturday, magkasama sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa "Dude."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapapanood araw-araw ang StarStruck The Next Level sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm shocked because they call me pasaway at difficult daw ako katrabaho. It's not true at all," defends Jewel Mische.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results