Janno Gibbs on relationship with wife Bing Loyzaga: "Mas okey na, mas matibay, at saka mas maayos."

by Rose Garcia
Nov 10, 2008
"Ano lang talaga ‘yan, e, time lang talaga. Hindi puwedeng daanin sa basta usapan lang, okey na. Siyempre, time din talaga. Kaya ako, kahit sa mga kaibigan ko sa showbiz, hangga't mase-save talaga, lahat ng magagawa mo para ma-save, yung ganoon, gawin mo," replies Janno Gibbs when asked how he was able to win back his wife Bing Loyzaga.


Mapapanood na simula November 15, Saturday, ang second season ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, ang Philippine franchise ng sikat na game show sa Amerika na Are You Smarter Than A 5th Grader?. This time, ibang set of bright and gifted Grade 5 pupils from different schools naman ang makakasama ng host ng programa na si Janno Gibbs.

Ang sampung bagong estudyante na tutulong sa mga magiging contestants ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? ay sina David Omilia at Louis Luthy, both of Claret School, Quezon City; Jules Cyber Cruz at Michael Brian Alvarez, both of Lourdes School, Mandaluyong; Matthew Kyle Oronce, Diliman Preparatory School; Gabriel Viloria Lorin, Lagro Elementary School; Pauline Allyson Abalos, University of the Philippines Integrated School; Ram Louis del Mundo, Colegio de San Juan de Letran; Katherine Anne Pavino at Russel Kashmere Garcia (both of Colegio de San Agustin).

Tinanong ng entertainment press si Janno kung kakasa ba siya sa Grade 5 students kung sakaling isalang siya bilang contestant sa sarili niyang programa. Mabilis na "Hindi!" ang tugon ng Chairman of the Blackboard na si Janno.

Continue reading below ↓

"Lost po ako!" natatawa niyang sabi. "Feeling ko, mape-pressure ako. Mga first questions lang ako tatagal. Kung isasalang ako, hindi ko yata kayang sumalang.

"Isa rin sa dahilan kung bakit favorite ko itong show, isa sa mga favorite kong trabaho, kasi ang dami kong napupulot. Pag-uwi ko, palagi akong, ‘Uy, alam n'yo ba?' sa mga anak ko na 'ganito, ganito'... Palagi akong may baon na bagong natutunan," lahad ng TV host-comedian sa presscon ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? kahapon, November 9, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sinabi rin ni Janno na gusto niyang maging guests sa kanyang show ang mga kaibigan niyang sina Joey de Leon at Ogie Alcasid.

"Hopefully," sabi ni Janno. "Alam ko si Joey, okey na, schedule na lang. Si Ogie, pinapakiusapan ko pa. Busy rin kasi ang mga 'yan. Pero si Ogie, sinusubukan ko kapag SOP, ‘O, ‘eto yung mga tanong...' Tina-try ko sa kanya, nasasagot niyang lahat. Kayang-kaya niya, e."

Continue reading below ↓

Tinanong naman ng PEP si Janno kung ano ang pakiramdam niya na nagkaroon ng panibagong season ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?.

Kuwento niya, "Actually, noong Season 1 pa lang, hoping na kami. Kasi happy yung original producer, happy naman sila. Nakikita ko yung mga e-mails. Like, ‘Your show is doing good, when are we going to do the next season?' So, hoping kami na kunin ulit, na bilhin ulit ng GMA. May pasabi rin naman ang GMA na, ‘Hayaan mo, ibabalik natin 'yan next year.'"

TOGETHER AGAIN. Iba rin ang aura ni Janno kahapon. Hindi naman niya kinontra nang sabihin namin na mas mukhang relaxed at masaya siya ngayon.

Kumusta na ba sila ng asawang si Bing Loyzaga?

"Okey na okey kami ngayon!" masayang sabi ni Janno.

"Yun, galing lang kami ng Australia. Bukod sa sem-break ng panganay ko [Alyssa], yung daddy ni Bing [basketball great Carlos Loyzaga], medyo nagkasakit kaya pumunta kami dun. Nauna siya [Bing] para may magbantay. Tapos, sumunod kami ng mga kids. Tapos umuwi na rin kami kahapon [October 8]. One week lang kami, pero siya [Bing], naiwan pa siya, mga one week pa siya dun para magbantay-bantay."

Continue reading below ↓

Mas okay na raw ang kalagayan ngayon ng father in-law ni Janno at nasa bahay na raw ito. Pero nakiusap si Janno not to divulge kung anuman ang naging sakit nito.

Sa pagbabalikan nila ni Bing, ano ang napansin niyang pagbabago sa samahan nila ngayon?

"Mas okey na, mas matibay, at saka mas maayos," sagot ni Janno. "Siyempre noon, dumaan sa mga stage na friends-friends muna. Pero ngayon, full balikan na talaga."

More than three months na raw masasabing nagkabalikan sina Janno at Bing. May napansin ba si Janno sa dalawang anak niya na sina Alyssa at Gabbie ngayong magkasama ulit sila ni Bing?

"Well, kahit naman noon, yung mga stage na hindi maganda, palagi namang maganda ang pakita namin sa kids. Hindi naman kami nag-aaway or ano. Although sa ngayon, hindi naman na namin pinag-uusapan, pero makikita mo sa kanilang masaya sila siyempre," lahad ni Janno.

Ano ba ang ginawa niya para lumambot ang puso at bumalik ulit ang tiwala ni Bing sa kanya?

Continue reading below ↓

"Ano lang talaga ‘yan, e, time lang talaga. Hindi puwedeng daanin sa basta usapan lang, okey na. Siyempre, time din talaga. Kaya ako, kahit sa mga kaibigan ko sa showbiz, hangga't mase-save talaga, lahat ng magagawa mo para ma-save, yung ganoon, gawin mo," saad niya.

Nanligaw ba siyang muli?

"Alam n'yo, hindi naman madadaan sa ligaw yun, e. Kailangang ipakita mo lang talaga na totoo yung intensiyon mo. Na desidido ka talaga na i-keep yung family talaga."

Good boy na ba siya ngayona?

"So far, good boy," nakangiti niyang sabi.

Mahirap ba na magpaka-good boy?

"Hindi naman," sagot ni Janno. "Actually, hindi naman. At saka sinasabi ko naman, hindi naman lahat doon, totoo. Yung iba dun, tsismis lang. At saka good boy naman talaga ako to begin with. Lumalaki lang, natsitsimis lang. Like sa Nuts Entertainment, magbibiro si Joey, susundan ni Anjo Yllana. Pero, parang image na lang talaga."

Ano ang mga nakita niyang pagbabago sa pagsasama nila ngayon ni Bing?

Continue reading below ↓

"Mas ano na, sa dami ng pinagdaanan din, parang mas relaxed na kami. Mas tone down. Mas secure na sa isa't isa," pahayag ni Janno.

Eighteen years nang kasal sina Janno at Bing.

Read Next
Read More Stories About
Janno Gibbs, Bing Loyzaga
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ano lang talaga ‘yan, e, time lang talaga. Hindi puwedeng daanin sa basta usapan lang, okey na. Siyempre, time din talaga. Kaya ako, kahit sa mga kaibigan ko sa showbiz, hangga't mase-save talaga, lahat ng magagawa mo para ma-save, yung ganoon, gawin mo," replies Janno Gibbs when asked how he was able to win back his wife Bing Loyzaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results